Cuenca Rural Farm School - 301096
This is the only and official page of Cuenca Rural Farm School.
26/07/2026
๐๐ช๐ป๐ถ, ๐๐ท๐ธ ๐ฝ๐ช๐ป๐ช?
๐พ ๐๐ ๐๐ฎ๐ซ๐๐ฅ ๐
๐๐ซ๐ฆ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ฒ๐จ ๐ง๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ง๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐๐ง๐ข๐ฆ, ๐ง๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ง๐ข๐ฆ ๐๐ข๐ง ๐ญ๐๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฉ. ๐ฑ
Akala ng iba, kapag sinabing Rural Farm School, puro tanim lang, dilig lang, at araw-araw may dalang dulos. Pero ang totoo? Mas marami pa ang natututunan sa simpleng pagtatanim. ๐พ
May mga araw na gusto mo nang umuwi nang maaga dahil sobrang init. Tapos pagtingin mo sa halaman parang mas fresh pa siya kaysa sa'yo. ๐ญ๐
Dito, bawat butil ng binhi ay may kasamang aral. Bawat pawis ay may katumbas na karanasan. At bawat araw ay unti-unting hinuhubog hindi lamang ang kaalaman, kundi pati ang disiplina at tiyaga. ๐ฑ
Minsan, ang pinakamagandang aral ay natututunan habang nasa bukid, may putik sa sapatos, pawis sa noo, at determinasyon sa puso. ๐
Sa bawat binhing itinatanim, may pag-asang inaalagaan. Sa bawat ani, may bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon. Dito natin pinapatunayan na ang agrikultura ay hindi "pang-huli" na opsyon, ito ay isang marangal na propesyon at isang mahalagang pundasyon ng ating kinabukasan. ๐๐ซก
"๐ง๐ต๐ฒ ๐๐ผ๐ถ๐น ๐ถ๐ ๐๐ต๐ฒ ๐ด๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ ๐ฐ๐ผ๐ป๐ป๐ฒ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ ๐ผ๐ณ ๐น๐ถ๐๐ฒ๐, ๐๐ต๐ฒ ๐๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฑ๐ฒ๐๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ฎ๐น๐น."
โ Wendell Berry
๐๐๐ฌ๐ญ๐ ๐๐ฎ๐๐ง๐๐๐๐๐๐ข๐๐ง๐ฌ, ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ, ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ ๐๐๐๐ซ๐ญ! ๐ง โค๏ธโ๐ฅ
27/08/2024
โWhen tillage begins, other arts follow. The farmers, therefore, are the founders of human civilization.โ โ Daniel Webster
Happy Farming! Dear Grade 8 RFS Students
16/08/2024
Magandang Buhay mga Ka-Farmers!
Matagumpay na ginanap ngayong araw (ika-16 ng Agosto, 2024) ganap na ika-9 ng umaga ang oryentasyon ng mga mag-aaral ng Cuenca Rural Farm School sa Cuenca Agri-Demo Farm na pinangunahan ni Municipal Agriculturist, Jasmine Marie L. Luce.
Ang oryentasyon ay hudyat ng opisyal na pagsisimula ng praktikal na aplikasyon o gawaing laboratoryo ng mga mag-aaral mula sa baitang walo(Grade 8 ) ng RFS. Kasalukuyang tinatahak ng mga nasabing mag-aaral ang espesyalisasyong Agri-Crop Production na nakatuon sa ibat-ibang pamamaraan o teknik ng epektibong pagtatanim ng mga gulay, prutas, at halaman.
Pagkatapos ng oryentasyon ay nakipagpulong ang pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni G. Edison R. Villahermosa (Officer-In-Charge) sa Punong Bayan ng Cuenca, Kgg. Alexander "Alex" Magpantay. Sa pagpupulong ay binigyang diin ang mga hakbang upang lalong mapagtibay at malinang ang implementasyon ng Rural Farm School sa bayan ng Cuenca.
11/12/2023
29/09/2023
Learner's RFS Module
29/09/2023
Request for Grant of Certificate of Non-hazardous Location by MENRO
29/09/2023
Pre-evaluation by the Sub-office through School Heads
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Batangas
4222
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Cuenca Rural Farm School - 301096 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.