Congressman Ramon Monching Guico, Jr.
Congressman - 5th District of Pangasinan
24/08/2026
Sinimulan natin ang ating Lunes sa isang konsultasyon kasama ang Department of Health na personal na dinaluhan ni DOH Secretary Dr. Edwin M. Mercado, PhilHealth President Beverly Ho at Regional Director Helen Tobias.
Inusisa natin ang mga plano at proyekto ng ahensya para sa parating na taon at kung ito ba ay makatutugon sa tunay na pangangailangan ng bawat Pangasinense. Ngayong taon, nilalayon kong mas paigtingin ang ugnayan ng ating distrito at ng DOH upang mas mapaganda ang serbisyo, mapabilis ang proseso, at mas marami pang matulungang tao ang ating pamahalaan.
17/08/2026
πππ§ππ₯π‘ππ§ππ©π πͺπ’π₯π ππ₯π₯ππ‘πππ ππ‘π§π¦ ππ’π₯ ππ’π©ππ₯π‘π ππ‘π§ π’ππππππ¦, πππ§ππ₯π‘ππ§ππ©π ππππ₯π‘ππ‘π π π’πππ¦ ππ’π₯ π¦πππ’π’ππ¦ π’π‘ ππ¨ππ¨π¦π§ ππ΄
Pursuant to Memorandum Circular No. 128, government offices are directed to implement appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces on August 18, 2026:
π National Capital Region (NCR)
π Ilocos Sur
π La Union
π Pangasinan
π Benguet
π Zambales
π Bataan
π Tarlac
π Pampanga
π Bulacan
π Cavite
π Batangas
π Rizal
π Laguna
π Occidental Mindoro
Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes at all levels in public and private schools shall be implemented in the aforementioned areas.
Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.
The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.
15/08/2026
Tuloy na tuloy ang kumpirmasyon ng 38 officers ng ating Sandatahang Lakas nitong Huwebes, ika-13 ng Agosto, sa kabila nang matinding bugso ng ulan. Kabilang sa kinumpirma ng Commission on Appointments ay ang bagong talagang AFP Chief of Staff, Gen. Antonio Nafarette. Ikinagagalak din nating sinuportahan ang nominasyon ng mga Pangasinense na sina:
(1) Commodore Jim P. Razo ng Pozorrubio;
(2) Brigadier General Manuel Darius Mendoza Resuello ng San Carlos City;
(3) Rear Admiral Edwin Magday Nera ng Tayug; at
(4) Colonel Romae de los Reyes de Asis ng Mangaldan.
Mabuhay po kayo!
05/08/2026
Tuloy lang ang ating trabaho sa kabila ng patuloy na pag-ulan. Ngayong araw ay dumalo tayo sa pagpupulong ng North Luzon Growth Quadrangle (NLGQ) kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) - Region I upang pag-usapan ang mga programa at serbisyong nailatag ng ahensya at kung gaano ito naging kaeepektibo sa pagtugon sa pangangailangan ng ating mga manggagawa.
04/08/2026
Binisita tayo ngayong araw ng mga opisyal mula sa DENR-PENRO Pangasinan at Department of Tourism Region I. Nagkaroon tayo ng malayang diskusyon sa nais nating maging direksiyon ng distrito, at kung paano mapapaigting ang ugnayan ng ating tanggapan sa kanilang mga ahensya.
29/07/2026
Habang naghihintay magsimula ang SONA nitong Lunes, nag-picture taking na muna kami ng aking pamilya at staff dito sa opisina.
Isang simpleng komemorasyon sa nagdaang First Regular Session at sa mga hakbang na ating tinahak tungo sa mas maunlad na 5th District.
17/06/2026
Sa bisa ng Proclamation No. 1318, nagsagawa ng isang special session ang kamara ngayong ika-17 ng Hunyo, 2026. Bukod sa pagpapasa ng mga mahahalagang panukala, nagpulong din muli ang Commission on Appointments upang aprubahan ang mga nakabinbing nominasyon ng mga opisyal mula sa ating Sandatahang Lakas at Department of Foreign Affairs.
18/03/2026
Narito ang ilang mga kuha sa ginanap na pagpupulong ng Commission on Appointments sa Senado kahapon, ika-17 ng Marso.
12/03/2026
Tuloy ang trabaho ng Commission on Appointments kahapon para aprubahan ang nominasyon ng apat (4) na opisyal mula Department of Foreign Affairs na kinabibilangan ni Amb. Raphael Lotilla. Sumunod namang tinalakay ang nominasyon ng walumpung (80) opisyal ng ating kasundaluhan.
12/03/2026
Maraming salamat po sa imbitasyon na makadalo sa Blessing and Inauguration ng Multi-Purpose Building (Covered Court at Barangay Hall) ng Barangay Pindangan West, Alcala, Pangasinan.
Isang karangalan po na maging bahagi ng mahalagang okasyong ito na magbibigay ng mas maayos na pasilidad para sa mga programa, pagtitipon, at serbisyo para sa bayan. Naway magsilbi po itong lugar ng pagkakaisa at pag-unlad para sa buong barangay.
Mabuhay ang Quinto Distrito! πβ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Binalonan
2436
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Congressman Ramon Monching Guico, Jr. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.