TUGON
Tutugon sa pangangailangan ng mga kabataan sa Banga 1st, Plaridel, Bulacan
30/08/2026
HINDI NA TAMA ANG MANAHIMIK!
Hindi na sapat ang magreklamo habang taon-taon ay nilulubog ng baha ang mga komunidad. Hindi sapat ang maghintay habang ang pondo para sa proteksiyon ng mamamayan ay nasasayang at ang pananagutan ay patuloy na iniiwasan.
Sa Agosto 31, 2026, sama-sama tayong kumilos. Mula Motorlandia at March, 8:00 N.U., hanggang Provincial Capitol of Bulacan, 9:00 N.U., dalhin natin ang panawagan ng mga Bulakenyong matagal nang naghihintay ng konkretong aksyon.
Ang baha ay hindi na lamang usapin ng kalamidad. Kapag paulit-ulit, malawak, at may mga pondong inilaan upang maiwasan ito, usapin na rin ito ng sistema, pamamahala, at pananagutan.
Hindi dapat normal ang lumubog. Hindi dapat normal ang mawalan. At lalong hindi dapat normal ang magtanong kung saan napunta ang perang para sana sa kaligtasan ng mamamayan.
Kaya bukas, huwag lamang magreklamo. KUMILOS.
KILOS BULACAN!
WAKASAN ANG BAHA. WAKASAN ANG KORAPSYON. PANAGUTIN ANG DAPAT PANAGUTIN.
22/08/2026
KARAPATAN MO ANG BOTO MO!
Sa panahong talamak ang patronage politics, nakaliligtaan na ng mga Pilipino ang importansya ng kani-kanilang boto, kung paano ito makapagpapabago ng mundo.
Karapatan nating mamili ng iboboto, hindi dahil sikat ang pangalan o madalas nakikita sa iba't ibang tarpaulin sa kalsada na may nakalagay na "ingat po!" ay agad nating iboboto, dapat tayong maging kritikal at matutong sumuri.
Karapatan nating malaman ang mga plataporma o isinusulong ng bawat kandidato sa atin upang sagayon ay hindi ito maging pangako na hindi lang napapako.
Karapatan nating magtanong sa mga politiko, hindi ito agarang nangangahulugang kinokwestyon mo ang kanilang liderato o pagkatato, ang pagtatanong ay isang karapatan na ibinigay ng batas sa mga taong nais magtanong sakanilang iboboto.
Hindi lang dapat tayo bumoto, dapat tayong mamili. Sa pagboto, 'wag lang ang sarili ang isaalang-alang, bagkus ang sangkalahatan na maaapektuhan ng isang boto na magluluklok sa isang tao.
Tandaan, ang isang boto ay kasing lakas ng isang bala ng baril, puwede tayo nitong itanggol sa mga masasamang tao, kaya rin nitong kumuha ng buhay ng isang tao. Gaya ng pagboto sa mga may kaso, nakulong na, o patuloy na nagnanakaw sa kaban ng bayan, sa pamamagitan ng pangungurakot, para din itong tinanggalan ng buhay ang mga ordinaryong Pilipino.
19/08/2026
PUMASOK SILA PARA MATUTO, HINDI PARA HINDI NA MAKUWI.
Ang paaralan ay dapat maging ligtas na espasyo para sa mga estudyanteng nangangarap, natututo, at naghahanda para sa kanilang kinabukasan. Ngunit sa harap ng mga insidenteng nagaganap sa loob mismo ng mga paaralan, muling naaalala natin kung gaano kahalaga ang seguridad at proteksyon ng bawat mag-aaral.
Hindi sapat ang pakikiramay pagkatapos ng trahedya. Kailangan ng konkretong hakbang upang mapalakas ang school safety, emergency protocols, at proteksyon ng mga estudyante at kawani.
Dahil sa bawat batang pumapasok sa paaralan ay may pamilyang umaasang ligtas siyang makababalik.
Huwag nating hintaying may isa na namang pangarap ang tuluyang maputol bago tayo kumilos. Ang paaralan ay dapat lugar ng pagkatuto—hindi lugar ng takot.
18/08/2026
HINDI LAHAT NG NAGHIHINTAY AY MAY ORAS PARA MAGHINTAY.
Kapag tumawag ka sa 911, hindi ka humihingi ng espesyal na pabor. Humihingi ka ng tulong, at kung minsan, ng pagkakataong mailigtas ang isang buhay.
Kaya nakababahala ang ulat tungkol sa insidente sa Taguig, kung saan isang 71-anyos na lalaki ang dumanas ng medical emergency at nagkaroon umano ng delay sa pagtugon sa 911 call.
Iniimbestigahan din ang ulat na may narinig umanong tawanan at kuwentuhan habang humihingi ng tulong ang tumatawag. Mahalaga ring linawin: hindi pa napatutunayang ang mga narinig ay mismong 911 personnel.
Pero kahit alisin muna ang usapin tungkol sa tawanan, nananatili ang mas malaking tanong, gaano kahanda at kabilis ang ating emergency response system kapag buhay na ang nakataya?
Hindi sapat na mayroon tayong numerong tatawagan. Kailangang mabilis ang pagtanggap ng tawag, tama ang impormasyon, maayos ang dispatch, at makarating ang tulong bago maging huli ang lahat.
Dahil sa emergency, hindi sapat ang sistemang maganda sa papel. Kailangan itong gumana sa totoong buhay.
Kaya ayusin ang sistema. Palakasin ang response. Panagutin ang may pagkukulang.
Dahil kapag buhay ang nakataya, bawat segundo ay may halaga.
16/08/2026
BAOG ANG TEYORYANG WALANG PRAKTIKA
Hindi na dapat pang pinag-iisipan kung pipiliin ang bayan– ito ang inuuna.
Sa panahong hungkag ang mga senaryong natutunghayan natin sa lipunan, nakalilimutan natin kung ano o sino ang dapat na pinipili.
Puro teyoryang walang pagsasagawa, o mga pagsasagawa na walang teyorya. Wala dapat naiiwan sa dalawa na ito, sabay silang ginagamit upang makamtan ang isang tunay na lipunan.
13/08/2026
MAS PALAWAKIN PA ANG EDUCATIONAL ASSISTANCE!
Ngayong August 14, 2026 naganap ang pagpasa ng requirements para sa Tulong Dunong na inisyatibo ni Senator Joel Villanueva sa Don Cesario Gym, Plaridel, Bulacan.
Nagpost ng anunsyo si Mayor Jocell Vistan sa kaniyang official page para ianunsyo na may 180 slots na nakalaan para sa bawat kabataang Plarideleno.
Magbubukas ang opisina at tatanggap ng mga requirements eksaktong 8:00 ng umaga.
Ngunit dahil sa lubos na pangangailangan ng mga estudyante, dumating sila nang mas higit pang maaga sa itinakdang oras.
Nagsimula magsidatingan ang mga nagnanais na maging parte ng programa gabi pa lang bago ang submission. May mga dumating na ng 10:00 ng gabi at sinundan ito ng iba pa na nagsidatingan ng 12:00 ng madaling araw.
Dahil hindi pa bukas ang pagdadausan, nagsilipana ang mga kabataan na magpapasa ng requirements, may mga nakasalampak sa sahig ng cafe shop, palisaw-lisaw sa daan, at nakaantabay sa labas ng gym.
Hindi makakaila ang peligrong dala nito, dahil hindi lamang sa gabi pa lang ay naroon na sila, sinamahan pa ito nang masamang panahon dulot ng hanging habagat na nararanasan sa Pilipinas ngayon.
Mag-a-alas tres na nung sinimulang buksan ang gate ng covered court, dito nagkaroon ng gitgitnan sa mga kabataang nagnanais mapasama sa financial assistance.
180 slots lang ang i-aaccomodate ng pamahalaan, at hindi pa man magbubukang liwayway ay mahigit 250+ na katao ang nasa loob ng covered court.
Hindi na alintana sakanila kung sila man ay mababasa o maambunan, basta ang gusto nila ay makapila at makapasok sa naturang lugar.
At dito na nagkakaroon ng problema, nag-uunahan, nagtutulakan, at nagkakagulo na ang nakararami.
Kaya ang panawagan natin, tugunan ang matagal ng hinihiling ng bawat estudyante, palawakin ang financial assistance!
12/08/2026
Tinig ng Ngayon, Lakas ng Kinabukasan
Ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bukas—tayo rin ay tinig, lakas, at katuwang sa pagbabago ngayon. Sa bawat ideyang ating binibigkas, paninindigang ipinaglalaban, at hakbang na ating ginagawa, may kakayahan tayong makalikha ng makabuluhang pagbabago sa ating paaralan, komunidad, at lipunan.
Sa International Youth Day, ating ipagdiwang ang tapang at potensiyal ng kabataan na mangarap, makialam, kumilos, at manindigan. Nawa’y patuloy nating gamitin ang ating boses hindi lamang upang marinig, kundi upang makinig, maglingkod, at magbigay ng puwang sa iba.
Sapagkat ang pagbabago ay hindi kailangang hintayin. Nagsisimula ito sa kabataang may malasakit at lakas ng loob na kumilos.
Maligayang International Youth Day!
Kabataan ngayon, katuwang sa paghubog ng kinabukasan. ✊
10/08/2026
MANAGOT ANG DAPAT MANAGOT!
Kailan kaya darating ang panahon na hindi na iisipin ng bawat pamilyang Pilipino ang kanilang kaligtasan tuwing darating ang tag-ulan?
Marahil hindi na ito naiisip ng iilan, dahil "resilient" naman daw ang mga Pilipino, lilipas din naman daw ang ulan.
Ngunit imbis na hintayin humupa ang ulan, bumaba ang baha, at maglimas ng putik dahil pinasok ng baha ang mga kabahayan, itanong natin.
Bakit ba bumabaha? Sino ang dapat managot?
Huwag na sanang masanay ang mga Pilipino sa paulit-ulit na sistema, babagyuhin, bigay ng ayuda, at mauulit ulit.
10/08/2026
TATAKBO KA, READY KA NA BA?
Ang pagdesisyon kung tatakbo man o hindi, ay isang bagay na dapat pinag-iisipan. Hindi na lang kasi ang sarili ang nakasalalay rito, pati na rin ang nasasakupan mo.
Patuloy na hinuhubog ng komunidad ang bawat kabataan, dahil sila ang susunod na magiging pundasyon ng komunidad at ng bansa. Kaya marapat lamang na sila'y malubog sa tunay na pagseserbisyo sa lokal na barangay.
Kaya't alamin ang mga kwalipikasyon bago tumakbo!
Reference: Commission on Election (COMELEC)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Bulacan
3004
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when TUGON posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.