SportsRepublik PH
Former Writer DZRH drama
Former Writer MMK
Former Writer Liwayway Mag. Pocketbook/Romance Writer
Former Komiks Editor
Former Columnist/People's Balita
18/09/2026
China vs. Japan sa semifinals. Nasa semis na rin ang Korea.
Hindi nakatapat ng Gilas sa tournament proper sa Asian Games ang Korea, pero dalawang beses nilang tinambakan ang Pilipinas sa tune-up games.
Ang China naman, siya ang team na nagpatalsik sa Gilas upang di na tayo makasalta sa quarterfinals. Siniguro ng mga Tsino na hindi na magkakaroon ng chance ang Gilas, tinambakan nila tayo ng 44 points. Bilang ganti ito sa pagpapatalsik sa kanila ng Gilas noong 2023 Hangzhou Asian Games.
Napahiya nang husto ang China sa pagkatalong iyon.
Ngayon, pareho nang nasa semis ang dalawang team na kumulelat sa Gilas.
Sakaling sila ang magtatapat sa Finals, kanino ang mga Pinoy?
17/09/2026
Parang magkakatotoo na nga ang sinabi ni Justin Brownlee kay Japeth Aguilar nang sumalta ang Ginebra sa Comms Cup Finals-- that "it might be their last dance together" to get a championship. Nag-champion nga sila, tinalo nila sa Finals ang Talk 'N Text. That is JB's 7th PBA title, pinakamaraming singsing para sa isang import.
Ngunit nang gabing angkinin ng Ginebra ang Comms Cup's crown, iyon na ang huling pagkakataon na nakitang naglaro si Justin Brownlee. Hindi na niya nasamahan ang Gilas sa FIBA Window 4 kung saan na-sweep ng ating national team ang Jordan at Iran. Hindi na rin nakapaglaro si JB sa Asian Games sa Japan para ipagtanggol ang basketball crown na tinulungan niyang makuha ng Gilas noon sa Hangzhou Games.
Hindi pa rin daw fully healed ang mga injuries ni JB. As one athlete gets older, nagiging matagal na ang pagrerecover mula sa mga pinsala. Hindi maitatanggi, may edad na si Brownlee. He's already 38. In fact, nang mag-champion ang Ginebra, naging emotinal siya sa isang parte ng interview saying he never expect na makapaglalaro pa rin siya ng competitive basketball hanggang sa ganu'ng edad. Meaning, he's more than thankful sa mga na-achieve niya bilang player at bilang resident import ng Ginebra.
Sa October 7 ay magre-resume na ang PBA. Nine or 11 of that month yata ang laro ng Gin Kings. Will Justin Brownlee be playing, tanong kay Coach Tim Cone.
Hindi raw siya sure. Mukhang pinag-iisipan na raw yata ni JB ang pagsasabit ng kanyang jersey. Nothing set in stone, sabi ng Ginebra coach. Ipinapaubaya raw nila ang desisyon sa kanilang import na naging katuwang nila sa loob ng sampung taon.
Di man nagsasalita, mukhang noon pa nararamdaman ni Justin Brownlee na kinakailangan na niyang magpahinga. He wants to play forever for Ginebra, sinabi niya noon. Ang sigawan at pagmamahal daw ng mga fans ang nagbibigay sa kanya ng lakas. Pero ganyan talaga ang buhay ng isang atleta. Gaano ka man kagaling at kahusay, darating at darating ang panahong kailangan mong magpaalam sa pinakaminamahal mong trabaho.
Kung sakali nga na hindi na natin muling makita si JB in Ginebra jersey, ang masasabi natin at ng lahat ng mga tagahanga, maraming salamat sa lahat nang nagawa mo para sa Ginebra at sa bansa.
China di nakalimutan ang pagkatalo noon sa Gilas sa sarili nilang teritoryo. Kaya naman dinurog nila ang Team B ng Gilas.
Dismayadong basketball fans sinisisi ang SBP at si Al Francis Chua sa mala-pagong na pagkilos para sa preparasyon ng Gilas Pilipinas.
15/09/2026
Hindi sure kung babalik pa ba si Justin Brownlee bilang import ng Ginebra. According to Quinito Henson, nagpahiwatig diumano si Coach Tim Cone na posibleng nag-iisip nang magretiro ang long-time Ginebra import.
Possibility pa lang ito, mga lods. Hindi pa sure. Pero alam naman natin, hindi na siya nakasama sa FIBA Window 4 dito sa Maynila, at hindi na rin siya nakapaglaro sa Nagoya Asian Games kung saan maagang pinagbakasyon ng China ang ating national team. Mukhang matindi talaga ang mga injuries na tumama sa kanya. May edad na rin naman kasi siya. Nabugbog siya nang husto sa halos walang pahingang paglalaro para sa Ginebra at para sa Gilas.
Kung sakali, mami-miss siya nang husto ng mga Ginebra fans. It will take time bago ulit makatagpo ng isang import na katulad niya.
Ano sa palagay nyo mga, bro? Dapat na ba talagang isabit ni Justin Brownlee ang kanyang playing shoes?
15/09/2026
Isang malungkot na araw para sa Gilas Pilipinas. Kahapon, opisyal na tinapos ng China ang pagiging defending champion ng Gilas sa Asian Games.
Gilas now is a former Asiad champion.
Tinambakan tayo ng China ng 44 points upang siguruhing talsik na tayo sa torneo.
Pati sa Senado, nakarating ang isyu. Bakit daw hindi ang best team ang ipinadala natin, tanong ni Sen. B**g Go, chairman ng Sports Committee. Bakit wala tayong naturalized player kahit isa, ang Bahrain, may apat.
Sa tanong na ito, dapat din sigurong tanungin ang SBP. Bakit ang kupad nila, mala-pagong ang kanilang naging pagkilos para mapabilis sana ang naturalization process kay Bennie Boatwright. Nang mag-lapse na into law ang naturalization ni Boatwright, too late na para maisama pa siya sa Gilas. Kailangan pa niyang manumpa, ayusin ang papel sa BI at saka pa lang makakakuha ng Phililippine passport.
At saka ito raw si Al FRancis Chua na team manager ng Gilas. Alam naman niya na may mga kontrata sa ibang bansa ang core ng ating national team, bilang team manager, months ahead pa ay dapat nakikipagnegosasyon na sa mga team sa Japan at Korea para ma-release panandalian ang tulad nina Dwight Ramos, AJ Edu, Kevin Quiambao at Carl Tamayo.
Sabi tuloy ng ilang PBA fans dito sa bansa, sa PBA daw, ang husay 'mambraso" ni Al FRancis Chua. Ang kasabihan nga sa ating local league, what Al wants, Al gets... Dapat daw nakagawa siya ng paraan para nakapaglaro sana ang mga tunay nating pambato.
"We have good players. But we did not bring the best," pahayag ni Coach Tim Cone. At sa mga international competition, wala talaga tayong chance na manalo kapag hindi natin ipinadala ang pinakamagagaling nating mga manlalaro.
Kahit gaano pa kagaling ang coaching staff, kapag wala kang mga higanteng makikipaggitgitan sa ilalim, talagang lalamunin ka ng mga koponang tulad ng China.
SABI NG MARAMI, TIM CONE MUST BE REPLACED! Ano'ng say nyo?
15/09/2026
Idiniin talaga ng China ang laro against our Gilas Pilipinas. Tiniyak ng mga Tsino na outright elimination ang ibibigay nila sa team ng Pilipinas who ousted them sa Hangzhou Asian Games.
Bina-bash ngayon ang buong koponan ng Gilas, lalo na ang coaching staff na pinangungunahan ni Tim Cone. Pumunta raw sila sa laban without the intention of winning but to lose by 37 or less. Iyan ang sinabi ni former PBA commissioner Atty. Noli Eala, kung saan sinagot ito ni Gilas First Assistant Coach Richard del Rosario. Wag daw pagdudahan ang kanilang mindset, wag gumawa ng ganoong presumption na walang basehan
Nag-apologize si Atorni. Pero sabi rin nito, kaya nyo rin bang humingi ng apology?
Walang dapat ihingi ng apology ang buong Gilas Pilipinas-- from all players to all coaches. They did their best sa kung anong piyesa/players meron sila.
Sa mga nagsasabing bakit hindi isinama si ganun at si ganito, alamin nyo muna kung available ba ang mga players na naiisip nyo! Our FIBA team players are under contract with their respective teams (sa Japan at sa Korea). Kai has his reasons. June Mar has resigned from international basketball. And so was Japeth.
Instead na mambash at mambastos, be grateful na lang tayo na at least meron tayong national team na lumaban kahit kulang sa tangkad at mga players na hindi available.
14/09/2026
36-point lead by China at the end of first half. Mukhang ilalaglag talaga ng Team Dragon ang Gilas. Mabubura ang ating 27 point cushion at mas aangat ang dalawang 3rd placer sa Group A at Group B.
14/09/2026
Mabigat ang laban.😮💨
Click here to claim your Sponsored Listing.