Everyday Iane

Everyday Iane

Share

Real life. Real days. Real progress. Rebuilding professionally + personally
mom life β€’ WFH β€’ everyday things

28/09/2026

Nilagnat pa nga ulit after πŸ˜…

Napagod ata ako kakalakad sa pag sunod sa aking bagets nung naglaro sya sa Kidzoona. Dami kong pagod as in after nito.

Worth it naman at di ko naren maalala yung last time nya na naglaro, dati dalawa sila ng ate nya, ngayon sya nalang! 😒 Iba na ang trip ng ate kaya sya nalang ang binabantayan ko pag napunta kami sa mga playhouse.

Still recovering pero better na ang pakiramdam ko, sobrang malaki naren ng improvement from Sunday or last week. ❀️

Mommy duties are always a blessing no matter how hard and tiring they can be! πŸ₯° Next time wala na ako babantayan ng ganito.

28/09/2026

You may not know how the situation will change, but God does. Keep trusting Him and leave room for Him to do what you cannot.

β€œFor nothing will be impossible with God.” Luke 1:37

28/09/2026

Malayong malayo na! πŸ₯³β€οΈ

Ito yung journey ko sa loob ng 298 days. I lost 26 kilos as of today na and this is one of the best decisions na ginawa ko.

Not connected to any brand pero nag start ako sa C9 capsule at coffee from Thailand. Dun ko nabawasan ang cravings ko sa sweets lalo na sa rice.

Note!!!
❌ my journey may not work sa iba! πŸ˜… Kasi not 2 body is the same talaga, magkakaiba ng reaction.

Nakapagtry din ako ng sa Japan for faster weight lost sana. Naka 2 lang ako pero di ko tinuloy kasi mahal 😜 at di rin consistent yung sa supplier ko kasi direct from Japan sya. 🀣

Pero may tntry ako ngayon! Di na sya bago kasi known na sya online, accessible na nga sya sa lahat. Para kasing na-stuck ako sa 62kilos and may target weight is 55 sana. 😊 Ganito ata pag nasa 40s na talaga.

Till our next weight-loss journey sharing. I will share my journey and my feedback or kung may negative reaction man saken.

27/09/2026

Kahit masama ang pakiramdam πŸ˜…

Nag ootd check nga tyo kahit masama pakiramdam while waiting.

26/09/2026

Take time to relax, rejuvenate, and enjoy the simple pleasures.❀️

Nag coffee muna nga with hubby then went to Globe and lastly nag grocery na! Eto na yung date nameng dalawa, quality time na to! πŸ˜…

Saturday tasks βœ…

Another journey nanaman bukas, this is the definition of rest. 😜

25/09/2026

Hindi nga uso pahinga! πŸ˜…

Eto nga at kahit masama pakiramdam eh nag sosort ako ng available stocks from my supplier. Ever since kasi quality over quantity akong tao.

Meron pa nga akong preloved bags dito na dko pa naayos kasi nagkasakit na ako after mejo maclear ko ang room namen. 🀭

I will continue na i-document ang journey ko sa pag start ng aking online business ulit. ❀️ This is just to help yung mga nagsisimula or nag-iisip palang mag simula para di nyo nag gawin ang mga mali ko! 🀣

Thank you for joining me today!

24/09/2026

Working while under the weather. πŸ€’

No filters, no aesthetic workstation todayβ€”just me, my messy desk, tissues everywhere, and getting through the shift one task at a time.

23/09/2026

Zero percent battery left! πŸ˜…

Sobrang kapagod nga nung weekend at di namen naramdaman ang pahinga mag asawa!

Dahil nga ang dami masyado gamet eh kumuha kami ng storage space at kaming 2 nalang din ang naghakot. πŸ’ͺ

Idagdag pa naten ang lakad with the kids na di na enjoy dahil we have to go home agad at nilagnat bigla ang bunso namen. Naging eat and run ang eksena nalang namen nung sabado! 😁

At ang ending eh nagkanda hawa-hawa ng sakit sa bahay kaya ngayon nga eh may sakit naren ako!

Sana nga at di na tumuloy pa at bawal magkasakit kaming mag asawa! 😒 Walang time for pahinga or recovery period sa dami ng expenses at gagawin pa! 🀭

Logging off muna, see you ulit tomorrow!

22/09/2026

Wag naten ihiga ang sama ng pakiramdam! πŸ˜…

At nakapag-ayos paren tayo kahit paano kahit masama ang pakiramdam kanina. Para kasing mas lalo tutuloy ang sama ng pakiramdam ko pag di ako kumilos kanina!

Kami nga ni hubby at 2 bagets eh masama ang pakiramdam. Ubo and sipon at sinamahan pa nga ng lagnat lalo na ang 2 bata. 😒

Uso ba ngayon dahil magpapasko?

To be continued ang ligpitan mamaya! 🩷 Buhay lipat bahay is not so giving! 😁

21/09/2026

At tabingi pa nga ang shelves ❀️

At isa pa nga sa mga hobby or past time ko since I was young is mag craft! 😁

I remember nung 18th birthday ko ako gumawa ng sarili kong invitation. Bumabyahe pa ako pa-Bulacan para lang makagamit ng pc at makapag print dahil way back 2000s sobrang mahal mag rent at mag pa-print!

Kaya ito inayos ko na ulit ang crafting section ko. Napaglaruan na nga lang ang ibang gamet ko so mag aaudit muna ng mga kailangan at mag iipon ulit ng materials. πŸ™

In the near future mag aaccept na siguro ako ng printing, invitation making and party needs including sublimation. 🀭 Sayang naman lahat ng to kung di magagamit diba?

Pero seryoso… kung may ikakasal or may kilala kayong ikakasal jan sa November or December, shate my video and DM me or comment kayo. 20 pieces na basic invitation max na 3 couples. Mag draw tayo online to be fair by the end of the month!

So, till next ligpitan… another goal achieved today! 🩷🩷🩷

PS
Wag nyo na pansinin na di pantay ang layers at senior na ang nag assemble! Thank you papa sa pag assemble ng aking rack. 😘

Want your business to be the top-listed Media Company in Cainta?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address

Cainta
1900