Ms. M
Life ministry❤️ Happy and contented❤️
✨PHILIPPIANS 4:13✨
I can do all things through christ who strenghtens me
02/06/2026
💯
30/04/2026
16/04/2026
LOVING A MAN WITH LOW EMOTIONAL INTELLIGENCE IS DRAINING...
Kasi every time you try to explain what you’re feeling, they always ignore you — parang normal na lang lahat sa kanila, kahit deep inside, sobrang sakit na.
Ni hindi man lang niya kayang intindihin lahat ng hinanakit mo, kaya ang ending, mag-aaway na naman kayo. Hirap ng ganito. Paulit-ulit na lang, sobrang nakaka-drain.
Nakakapagod yung ikaw palaging nag-e-explain, pero parang walang nagre-register sa kanya. You start questioning yourself kung OA ka ba o talagang hindi ka lang naririnig.
Yung simpleng validation lang sana, pero parang sobrang hirap pa ibigay. Eventually, nauubos ka na rin kakapaliwanag ng parehong bagay.
Minsan napapaisip ka kung worth it pa bang ipaglaban yung ganitong setup. Kasi love should not feel like you’re begging to be understood.
You deserve someone who listens without making you feel guilty for expressing your feelings. Hindi mo kailangan magpaliit ng sarili para lang mag-work ang relationship.
At the end of the day, peace of mind is more important than constant emotional exhaustion. Choose what makes you feel safe, heard, and valued.
Thank you for always being by my side my furbaby👉🥺❤👈
05/02/2026
“Lord, I surrender everything to You. Please heal my heart and give me peace of mind.”
07/01/2026
MALAYA ANG PUMILI, PERO MAS MARAMI ANG PINILING MAGPALAYA〽️
sa mundo na puno ng pagpipilian tila ang pinakamahirap na landas ay ang lumakad palayO, Madaling sabihin na "piliin mong maging masaya," pero paano kung ang tanging paraan para maging buo ka muli ay ang iwanan ang piraso ng sarili mo sa kamay ng iba?
Malaya tayong pumili kung sino ang mamahalin, kung sino ang hihintayin, at kung sino ang pagsisilbihan ng ating katapatan. Pero sa gitna ng siksikang damdamin, madalas nating makalimutan na ang pinakamataas na anyo ng pagmamahal ay hindi ang pagkapit nang mahigpit, kundi ang pagbubukas ng palad upang magpalaya.
Pinili nating magpalaya hindi dahil nawala na ang pag-ibig, kundi dahil mas mahal natin ang ating kapayapaan at ang plano ng Diyos para sa atin.... Mahirap manatili sa isang relasyon o sitwasyon na puno ng mixed signals' at pira-pirasong atensyon.
Ang pagpili na magpalaya ay pagpili sa iyong sarili,sa iyong dignidad, sa iyong kinabukasan, at sa iyong espirituwal na paglago. Ito ay pag-amin na kahit gaano mo kagustong ayusin ang isang bagay, may mga bahaging ang Diyos na lamang ang may kapangyarihang humawak.
At sahuli, ang tunay na kalayaan ay hindi matatagpuan sa pagpili ng taong gusto natin, kundi sa pagpili sa landas na inilaan ng Diyos para sa atin. Mas marami ang piniling magpalaya dahil doon nila natagpuan ang tunay na sarili. Huwag kang manghinayang sa binitawan mo, dahil ang kamay na walang hawak na maling tao ay ang kamay na handang tumanggap ng tamang pangako sa tamang panahon.
Outfits check😘❤️🎶🎸🎵
゚viralfbreelsfypシ゚viral
Click here to claim your Sponsored Listing.