Ninya Botika
Lucsuhin Ibaba, Alfonso, Cavite
02/04/2026
‼️
Ang Philippine Health Insurance Corporation YAKAP ay programa ng pamahalaan para sa lahat ng Pilipino—miyembro man o dependent, bata o matanda. Sa tulong ng YAKAP Clinics, natitiyak ang maagang pagtukoy ng sakit, tamang gamutan, at pag-iwas sa pagpapa-ospital.Layunin nitong palakasin ang kalusugan ng pamilya at komunidad para sa mas malusog na kinabukasan.
Para sa listahan ng mga accredited YAKAP Clinics sa buong bansa, bisitahin anghttps://www.philhealth.gov.ph/.../accredited/YAKAP.pdf
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin: https://www.philhealth.gov.ph/yakap/
02/04/2026
PHILHEALTH YAKAP LIBRENG GAMOT (Php 20,000 per Philhealth member per year)
Para sa mga nais mag-avail ng libreng gamot sa ilalim ng PhilHealth YAKAP program, narito ang mga kailangang ihanda 👇
✔️ Valid ID ng pasyente
✔️ Reseta (mula sa YAKAP doctor) na naglalaman ng "UPSC"
Kung representative naman ang kukuha ng libreng gamot, maaaring magdala ng mga sumusunod:
✔️Valid ID ng Pasyente
✔️Valid ID ng Representative
✔️Authorization Letter
Teka.. Ano ba yung "UPSC" na kailangan?
Ang UPSC (Unique Prescription Security Code) ay isang special code na nasa PhilHealth GAMOT prescription 👇
✔️ Isang unique/one-time code na nakaprint sa reseta
✔️ Galing sa PhilHealth system
✔️ Ginagamit para ma-verify na valid at legit ang prescription
📝 Paano makakuha ng reseta na naglalaman ng UPSC?
1. Magpa-check up sa YAKAP doctor
- Sa ACCREDITED health center, clinic, o ospital
- Hindi puwedeng kahit anong reseta lang
2. YAKAP doctor ang mag-iissue ng reseta
- Gamit ang PhilHealth system
- May nakaprint na UPSC
3. Dalhin ang prescription na may UPSC sa accredited pharmacy tulad ng Ninya Botika.
Kung may karagdagang tanong, magpadala lamang ng mensahe sa aming page o messenger. Maraming Salamat po.
02/04/2026
Sa paggunita ng Semana Santa, narito ang aming updated na schedule ng botika.
Habang inilalaan natin ang panahong ito para sa pagninilay at pananalangin, patuloy pa rin kaming handang maglingkod para sa inyong mga pangunahing pangangailangang pangkalusugan. Mangyaring tingnan ang aming oras ng operasyon upang makapagplano nang maayos ang inyong pagbisita.
Nawa’y magkaroon ang lahat ng mapayapa at makabuluhang Semana Santa. 💜
22/03/2026
We are pleased to announce that NINYA BOTIKA is now an ACCREDITED PHILHEALTH GAMOT PACKAGE PROVIDER.
LIBRENG GAMOT? Anong kailangang dalhin? PHILHEALTH GAMOT PRESCRIPTION LAMANG! Kung representative naman ang kukuha ng libreng gamot, maaaring magdala ng mga sumusunod:
1. Valid ID ng Pasyente
2. Valid ID ng Representative
3. Authorization Letter
Anu-anong gamot ang pwede ma-avail na libre sa Ninya Botika? Marami po! Tignan ang mga picture sa baba para sa kumpletong listahan.
Kung may iba pang katanungan ukol sa YAKAP o GAMOT, mag-iwan lamang ng mensahe sa aming FB page or account at susubukan naming tumugon agad.
______________________________________________________________________
Narito ang mga frequently asked questions:
Tanong #1: Paano makakakuha ng Philhealth Gamot Prescription?
Sagot #1: Maaring magpakonsulta sa inyong YAKAP Physician para sa inyong Philhealth Gamot Prescription.
Tanong #2: Saan po may malapit na YAKAP Physician sa atin?
Sagot #2: Ayon sa listahan ng YAKAP Clinics (Feb 28, 2026) na matatagpuan sa link:https://www.philhealth.gov.ph/partners/providers/facilities/accredited/YAKAP.pdf, narito ang mga malalapit na YAKAP Clinics:
1. RIVERA'S MATERNITY HEALTH CARE CENTER KONSULTA (Alfonso, Cavite)
2. TAGAYTAY CITY HEALTH OFFICE (Tagaytay City)
3. MENDEZ RURAL HEALTH UNIT (Mendez, Cavite)
4. INDANG RURAL HEALTH UNIT (Indang, Cavite)
5. CAVITE MUNICIPAL HOSPITAL (Maragondon, Cavite)
6. OSPITAL NG TAGAYATY (Tagaytay, City)
7. SILANG SPECIALISTS MEDICAL CENTER INC. (Silang, Cavite)
8. MENDEZ SPECIALISTS MEDICAL CENTER INC (Mendez, Cavite)
9. at marami pang iba.
We wish you a very MERRY CHRISTMAS and a PROSPEROUS NEW YEAR!
A sneak peak of some of our Christmas giveaways. Maraming salamat, mga suki! 💙 May God bless each of us more. 🙏
*until supplies last 😘
25/11/2025
19/11/2025
‼️ SA BAWAT SIGARILYONG HINIHITHIT, KALUSUGAN NG BAGA ANG KAPALIT ‼️
Ang paninigarilyo ay ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease o COPD ng 7 sa bawat 10 pasyente.
Ang COPD ay isang sakit na nagdudulot ng pagbara sa daluyan ng hangin. Ang pagkakaroon ng COPD ay nagpapataas ng tsansa na magkaroon ng kanser sa baga, sakit sa puso at iba pa.
✅ Tumawag sa DOH Quitline 1558 para matulungan kang itigil ang paninigarilyo and pagvavape.
✅ Kumonsulta sa pinakamalapit na Smoking Cessation Counselling Clinic sa inyong lugar
'Wag magyosi! 'Wag magvape!
Source: World Health Organization
14/11/2025
10/11/2025
‼️ PAUNANG LUNAS PARA SA MGA SUGAT AT HIWA ‼️
Maaaring magka-impeksyon ang sugat o hiwa kapag iniwang nakabukas.
Agad na hugasan ang sugat gamit ang malinis na tubig at sabon, at takpan ito gamit ang gasa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Cavite
4123
Opening Hours
| Monday | 6:30am - 7pm |
| Tuesday | 6:30am - 7pm |
| Wednesday | 6:30am - 7pm |
| Thursday | 6:30am - 7pm |
| Friday | 7am - 8:30pm |
| Saturday | 7am - 8:30pm |
| Sunday | 7am - 8:30pm |
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Ninya Botika posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.