Southern Tagalog Exposure

Southern Tagalog Exposure

Share

People's Center for Progressive Media | Independent Multimedia Collective

ST eXposure is an independent multimedia collective based in the Philippines’ Southern Tagalog region. Since its formation in 2001, it has produced film and video projects - from documentaries to animated music videos; as well as other multimedia initiatives to promote the rights and welfare of the country’s marginalized sectors and their struggle for social justice.

Photos from Southern Tagalog Exposure's post 25/09/2026

MGA LARAWAN: Bumaha ng mga kilos-protesta sa iba’t ibang panig ng Timog Katagalugan bilang paggunita sa ika-54 na komemorasyon ng Batas Militar. Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-Timog Katagalugan (BAYAN-TK), kasama ang iba’t ibang progresibong pormasyon at batayang sektor, isinagawa ang mga mobilisasyon sa mga probinsya ng Laguna, Batangas, Cavite, Rizal, Quezon at Mindoro.

54 na taon na mula nang lagdaan ni Marcos Sr. ang Proclamation No. 1081 na nagdeklara ng Batas Militar. Muling inalala ng mga nagprotesta ang mga krimen at paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng diktadura, kasabay ng pagtalakay sa mga krisis na patuloy na kinakaharap ng mamamayan sa loob at labas ng Timog Katagalugan.

Sa Laguna, nagsanib-puwersa ang iba’t ibang batayang sektor sa programa sa Crossing, Calamba, habang nagkaroon din ng mga pagkilos sa Biñan, Los Baños at iba pang bahagi ng lalawigan. Nagmobilisa rin ang mga sektor sa Batangas, Cavite, Rizal at Quezon upang ilatag ang kanilang mga panawagan para sa sahod, trabaho, edukasyon, kabuhayan, lupa, kalikasan at karapatang pantao.

Pasismo naman ang hinarap ng mga nagprotesta sa Rizal at Cavite matapos makaranas ng panghaharang, intimidasyon at panghaharas mula sa PNP. Sa kabila nito, itinuloy ng mga hanay ang kanilang mga programa at ipinarehistro ang kanilang mga panawagan.

Samantala, inilantad naman ng mga pormasyon sa Mindoro ang patuloy na militarisasyon at pasismo sa kanilang probinsya, kabilang ang mga epekto nito sa mga komunidad at mamamayan.

Tampok din sa mga pagkilos ang panawagan para sa pananagutan sa korapsyon at anomalya sa flood control, hustisya para sa mahigit 200 manggagawa ng SMILSI, at pagtutol sa militarisasyon at mga proyektong tulad ng Pax Silica at Luzon Economic Corridor.

Binigyang-diin ni Lucky Oraller, tagapagsalita ng BAYAN-TK, na magpapatuloy ang paglaban ng mamamayan at pagpapalakas ng mga pagkilos sa lansangan, kasabay ng pag-alala sa mga aral ng Batas Militar at pagpapatuloy ng diwa ng pakikibaka sa mga susunod na henerasyon.

“Our fight against this rotten system will continuously amplify in the streets and we will not falter, until the people attain their rights and true freedom from imperialism, feudalism, and bureaucrat-capitalism. We will not hesitate to replicate the downfall of the Marcos regime as we learn and live the People Power spirit today and in the succeeding generations to come,” ani Oraller

Mga litrato mula kina j.pl_pndy, xorthegreat at D.S.

23/09/2026

Panoorin ang talakayan sa updates sa impeachment trial ni VP Sara Duterte:

Photos from Southern Tagalog Exposure's post 22/09/2026

TINGNAN: Bilang pang rehiyonal na programa para sa ika-54 na komemorasyon ng malagim na Batas Militar, nagsama-sama ang iba’t ibang progresibong pormasyon sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-Timog Katagalugan (BAYAN-TK) sa Crossing, Calamba kahapon, Setyembre 21.

54 na taon na mula nang pirmahan ni Marcos Sr. ang Proclamation No. 1081 na nagdeklara ng Batas Militar. Muling inalala ng hanay ang mga krimen at paglabag na naganap sa ilalim ng diktadurang Marcos. Kasabay nito, binigyang-diin nila na makalipas ang isang taon mula sa malawakang pagkilos sa Kamaynilaan, nananatiling buhay ang panawagan para sa pananagutan sa korapsyon at karahasang patuloy na dinaranas ng mamamayan.

Kinondena rin ng hanay ang kawalan ng pananagutan sa mga anomalya sa mga proyekto ng flood control, habang patuloy na humaharap sa sakuna at kapabayaan ang mga komunidad sa Timog Katagalugan.

Mariin din nilang kinondena ang patuloy na pagpapaka-papet ng administrasyong Marcos Jr. sa imperyalistang US, kabilang ang pagtutulak sa Pax Silica at Luzon Economic Corridor na anila’y higit na nagbubukas sa kasarinlan, rekurso, at patrimonya ng bansa sa dayuhang interes.

Litrato mula kay j.pl_pndy

Photos from Southern Tagalog Exposure's post 21/09/2026

MGA LARAWAN: Bilang pang lalawigang programa para sa ika-54 na komemorasyon ng malagim na Batas Militar, nagsama-sama ang iba’t ibang progresibong pormasyon sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-Laguna (BAYAN-Laguna) sa Crossing, Calamba ngayong araw, Setyembre 21.

54 na taon na mula nang pirmahan ni Marcos Sr. ang Proclamation No. 1081 na nagdeklara ng Batas Militar. Muling inalala ng hanay ang mga krimen at paglabag na naganap sa ilalim ng diktadurang Marcos. Kasabay nito, binigyang-diin nila na makalipas ang isang taon mula sa malawakang pagkilos sa Kamaynilaan, nananatiling buhay ang panawagan para sa pananagutan sa korapsyon at karahasang patuloy na dinaranas ng mamamayan.

Kinondena rin ng hanay ang kawalan ng pananagutan sa mga anomalya sa mga proyekto ng flood control, habang patuloy na humaharap sa sakuna at kapabayaan ang mga komunidad sa Timog Katagalugan.

Mariin din nilang kinondena ang patuloy na pagpapaka-papet ng administrasyong Marcos Jr. sa imperyalistang US, kabilang ang pagtutulak sa Pax Silica at Luzon Economic Corridor na anila’y higit na nagbubukas sa kasarinlan, rekurso, at patrimonya ng bansa sa dayuhang interes

21/09/2026

PANOORIN: Nagsagawa ng kilos protesta ang mga kultural na manggagawa ng Timog Katagalugan sa pangunguna ng Kultura Kontra Kolonya (K*K) sa Biñan, Laguna bilang bahagi ng ika-54 na komemorasyon sa madilim na nakaraan ng Batas Militar sa ilalim ni Marcos Sr.

Binigyang-diin ng hanay na mula noon hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring pasismo ang tugon ng estado sa mga kahilingan para sa batayang karapatan ng mamamayan. Ani nila, nananatili pa ring lubog sa baha ang ilang komunidad sa Timog Katagalugan, kabilang ang ilang komunidad sa Biñan, Laguna, partikular sa Brgy. de la Paz, ngunit malinaw na wala pa ring kongkretong hakbang mula sa estado upang tugunan ito.

Mariin din nilang kinondena ang patuloy na panghihimasok ng imperyalistang US sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng PAX Silica at Luzon Economic Corridor. Giit nila, pasismo sa mga katutubo, magsasaka, at pangkaraniwang mamamayan ang dadalhin ng mga proyektong ito, hindi ang ipinapangakong huwad na kita para sa mamamayang Pilipino.

Photos from Southern Tagalog Exposure's post 21/09/2026

TINGNAN: Nag-alay ng isang Sambang Bayan ang Kasimbayan kasama ang mga progresibong grupo mula sa Cavite bilang paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng Deklarasyon ng Batas Militar sa harap ng People Power Monument - Dasmarinas.

Mga Larawan ni D.S.

21/09/2026

PANOORIN: Gumugulong na ang kilos protesta ng mga progresibong kabataan ng Timog Katagalugan kasama ang iba’t ibang sektor sa Olivarez, Los Baños, Laguna bilang paggunita sa diktadura at Batas Militar sa ilalim ni Marcos Sr. ngayong araw, Setyembre 21.

Tampok sa pagkilos ang militanteng kasaysayan ng mga kabataan at ang kanilang paglaban noong panahon ng Martial Law, na para sa nagkakaisang pormasyon ay tunay na buhay at patuloy nilang tatanganan.Binigyang-diin din ng hanay na mula noon hanggang ngayon ay malaki ang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa patuloy na paglaban sa mapanupil na sistema.

Mariin ding kinondena ng hanay ang patuloy na paglobo ng pondo para sa militarisasyon. Giit nila, habang patuloy ang pagtatapyas sa badyet para sa edukasyon, patuloy namang lumolobo ang badyet ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginagamit umano sa militarisasyon sa kanayunan at maging surveillance at red-tagging sa mga progresibong sektor. Dagdag pa nila, dapat dagdagan ang badyet para sa edukasyon upang tugunan ang lumalalang krisis sa edukasyon na nararanasan ng mga kabataan sa loob at labas ng Timog Katagalugan.

Photos from Southern Tagalog Exposure's post 21/09/2026

‎“SERBISYO SA BAYAN, HINDI SA MAY KAPANGYARIHAN,”

sigaw ng mga mamamayang Rizaleno matapos silang pigilan sa pagdaraos ng kanilang programa bilang paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng Martial Law. ‎Sa kabila nito, matagumpay na nairaos ng iba’t ibang sektor sa Rizal ang kanilang programa sa C-6, San Mateo, Rizal, na una sanang gaganapin sa Bayan ng San Mateo.
‎
‎Kabilang sa mga pangunahing panawagan ng mga organisasyong lumahok ang AB/KPL Rizal, na nanawagan laban sa repression sa mga student organization at student publication, gayundin sa mga hakbang na kanilang tinuturing na manipestasyon ng burukratang kapitalismo bilang tugon sa mga kalamidad. Iginiit din ng grupo ang pagtutol sa Pax Silica, dagdag na budget para sa University of Rizal System (URS), pagtaas ng sahod ng mga propesor, at pagkakaroon ng maayos na mga pasilidad.
‎
‎Samantala, nanawagan ang ACT Rizal laban sa budget cuts sa edukasyon at sa revision ng GE electives, na kanilang tinuturing na manipestasyon ng imperyalista at komersyalisadong edukasyon. Binatikos din ng grupo ang tugon sa mga insidente ng school shooting sa mga paaralan at iginiit ang pangangailangan para sa psychosocial intervention at suporta sa mga estudyante.
‎
‎Para naman sa MOAP, pangunahing panawagan nito ang pagkakaroon ng mas konkretong suporta at tugon ng pamahalaan sa mga hinaing at pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), partikular sa mga usaping kinakaharap ng mga migranteng manggagawa.
‎
‎Litrato mula kay xorthegreat

Photos from Southern Tagalog Exposure's post 21/09/2026

ALERT: Hinarang ng PNP ang delegasyon ng BAYAN-Rizal sa C-6 Road sa San Mateo, Rizal habang nasa byahe ang mga delegado patungong Guitnang Bayan bilang bahagi ng paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa bansa ngayong araw, Setyembre 21.

Ayon kay Sasa Rapisora ng Karapatan Rizal, pilit na iginigiit ng kapulisan na "out of bound" ang mga jeep at gustong ipa-impound ang mga ito.

Sinubukan ding kunin ng mga pulis ang camera ng isang staff ng Southern Tagalog Exposure at pilit na pinapa-delete ang mga kuhang litrato.

21/09/2026

PANOORIN: Nagsagawa ng desentralisadong pagkilos ang mga manggagawa ng Laguna sa pangunguna ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan–Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) at Alyansa ng mga Manggagawa sa Probinsya ng Laguna (ALMAPILA-KMU), kasama ang mga progresibong pormasyon ng Laguna, bilang bahagi ng ika-54 na komemorasyon ng deklarasyon ng Batas Militar. Isinagawa ang pagkilos sa Amar, Balibago, Sta. Rosa ngayong araw, Setyembre 21.

Tampok sa programa ang panawagan laban sa patuloy na hindi makataong kondisyon ng mga manggagawa sa probinsya ng Laguna. Matatandaang noong nakaraang Hulyo lamang, higit 800 manggagawa sa San Miguel Integrated Logistics Services Inc. (SMILSI) sa Cabuyao ang ilegal na inalis sa kanilang mga trabaho.

Giit ng hanay, walang aasahan ang mga manggagawa ng Laguna sa mapanupil, makapitalista, at makadayuhang administrasyong US-Marcos-Duterte. Ani nila, manipestasyon lamang ng patuloy na paglobo ng singil ng Meralco at ng mas malawak na konteksto ng makadayuhang interes ng estado ang dambuhalang programa ng Pax Silica, na ang tanging nais ay tubo.

Inaasahan ang mas malalawak pang pagkilos sa iba't ibang bahagi ng Timog Katagalugan bilang bahagi ng komemorasyon sa deklarasyon ng Batas Militar.

Want your business to be the top-listed Media Company in Cavite?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Cavite

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Southern Tagalog Exposure posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Cavite.