Ang Elijan
Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Sulat National High School
13/09/2026
๐ฆ๐จ๐๐๐ง, ๐ฆ๐จ๐๐๐ง, ๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ง, ๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ง!
โ
โSa kabila ng mas maliit na bilang ng mga delegado, pinatunayan ng Sulat National High School ang husay at galing nito matapos masungkit ang tropeo bilang 2nd runner-up sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) sa Maydolong, Eastern Samar.
โ
โNatuyo na ang tinta at oras na upang batiin ang lahat ng mga estudyanteng mamamahayag, kasama ang kanilang mga tagapayo sa, kanilang pambihirang talentong ipinamalas. Kami ay lubos na sumusuporta at nagnanais ng inyong patuloy na tagumpay.
โ
โSubalit, hindi dito nagtatapos ang mga kwentong naisusulat. Para sa aming matatapang na campus journalist na buong lakas na hinarap ang hamon, maraming salamat sa inyong dedikasyon at sa taas-noong pagdadala ng pangalan ng ating paaralan.
โ
โHanggang sa muling paglathala ng mga panibagong kwento ng tagumpay, kita-kits, Elijanons!
๐ป: mrxian
โ
โ
โ
07/06/2026
๐๐๐ฌ๐ฎ๐ค๐๐ง ๐ง๐ ๐ง๐๐ฆ๐๐ง, ๐๐ฅ๐ข๐ฃ๐๐ง๐จ๐ง๐ฌ! HANDA ๐ค๐ ๐ง๐ ๐๐?
Ano nga ba ang naghihintay sa atin ngayong linggo sa Sulat National High School? ๐ค
Bilang paghahanda sa panibagong taon ng pagkatuto, sama-sama nating sisimulan ang Opening Block 2026 mula Hunyo 8โ11, 2026, isang linggong puno ng mga makabuluhang gawain na magbibigay-daan sa mas maayos, mas masaya, at mas makabuluhang pagbabalik-eskwela!
Narito ang mga pangunahing aktibidad bawat araw:
๐ค Day 1 โ Getting-to-Know-You Activities
Kilalanin ang iyong mga kaklase, g**o, at bagong kapaligiran habang isinasagawa rin ang mga Beginning-of-School-Year (BOSY) Assessments.
๐ Day 2 โ Learning Engagement Activities
Makilahok sa mga masayang learning activities at dumalo sa Learners' Orientation para sa mga mag-aaral ng Grade 7 at Grade 8. Magpapatuloy rin ang BOSY Assessments.
๐ Day 3 โ Learners' Orientation Day
Para naman sa mga mag-aaral ng Grade 9 hanggang Grade 12, ihahandog ang mga orientation sessions tungkol sa mga programa, polisiya, at inaasahan sa bagong school year, kasabay ng pagpapatuloy ng mga assessment activities.
๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆDay 4 โ Parents' Orientation Day
Inaanyayahan ang mga magulang at tagapag-alaga na makilahok sa Parents' Orientation habang pinagsasama-sama ng mga g**o ang resulta ng BOSY Assessments upang mas mapaghandaan ang mga pangangailangan ng bawat mag-aaral.
โจ Tandaan: Maaaring magkaroon ng kaunting pagbabago sa iskedyul at daloy ng mga gawain depende sa pangangailangan ng paaralan. Gayunpaman, makatitiyak ang lahat na ang mga kinakailangang aktibidad at target ng Opening Block ay maisasakatuparan sa loob ng linggong ito.
Kaya tara na! Simulan natin ang School Year 2026โ2027 nang may sigla, kahandaan, at pagkakaisa!
28/05/2026
Hey guys,
As we gear up for the opening of classes, we invite the whole community to join our Brigada Eskwela 2026 at Sulat National High School.
Our learners deserve a fresh, clean, and safe space to study, so we're turning this into a massive community effort. Bring your tropa, your dabarkads, your besties, and even your kapitbahays- the more hands we have, the faster we get things done!
Here are the details for this year's cleanup:
June 1 - Grade 7
June 2 - Grade 8
June 3 - Grade 9
June 4 - Grade 10
June 5 - Senior High
Note: Please bring your own cleaning materials. We also conduct reading/storytelling sessions with learners.
Ano ang gagawin natin?
We'll be doing general classroom cleaning, repainting walls and desks, fixing broken chairs, and doing some yard work. Whether you can spare a couple of hours or stay the whole day, your help would go a long way.
If you can't make it but still want to support:
Donations are very much welcome to help keep our volunteers going.
Salamat nang marami sa suporta! See you there, mga tropa!
Best Regards,
Sulat National High School Family
20/04/2026
๐ฃ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฆ. Sa pagtatapos ng prescon season, aming taus-pusong binabati at pinasasalamatan ang mga nagsipagtapos na senior journalist na nagbahagi ng kanilang talento at husay sa pamamahayag. Ang inyong mga kuwentong ibinahagi, larawang kinuha, at mga pahinang dinisenyo ay sumasalamin sa dedikasyon, sipag, at tiyagang inyong ipinamalas.
โ
โSa paglisan ninyo sa ating paaralan, hindi mabubura ang kasaysayang inyong iniwan. Ngayon, haharapin ninyo ang panibagong talata ng inyong buhay, at hangad namin ang inyong patuloy na pagsulong at tagumpay. At sa puntong ito ng inyong paglalakbay, nawaโy inyong baunin at isapuso ang bawat aral, alaala, at katangiang inyong nasungkit mula sa mga oras na inyong inilaan bilang mga mamamahayag.
โ
โTandaan, nasa inyong mga kamay ang bolpen ng inyong kinabukasan, kayaโt maging mapanuri sa buhay na ilalathalaโdahil sa inyo nakasalalay ang susunod na kabanata ng inyong paglalakbay.
โMula sa panitik ng Sinirangan, hatid ang balitaโt katotohanan. Hanggang sa muli, Senior Journos! ARYAAA! ๐๐
โ
โ๐ป: mrxian
โ
โ
โ
๐๐จ๐ฆ๐ง ๐๐ก | ๐
Ikaapat na Gantimpala โ Jade C. Necessito, Pagsulat ng Kolum, Region 8, Eastern Samar Division.
Tagapayo: Sir Nestor Radaza
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Eastern Samar
6815
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Ang Elijan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.