Motobhe
10/06/2026
KAGAWAD
Land Transportation Office - Philippines
05/06/2026
Yown
πππ πππππ
, πππππ ππππππππππ πππ ππππππππππ πππππ ππππ ππππ ππππππππ; πππππ ππ ππππππππ ππ πππππ πππππππππ, πππππππππ ππ πππ, ππππππππππ ππππππππ, ππππππππ ππππππππππ
Muling nagpakita ng mabilis na aksyon ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang Honda Click motorcycle rider na sangkot sa panibagong viral road rage incident na kumakalat sa social media.
Sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na inilabas ng Intelligence and Investigation Division (IID) ang Show Cause Order (SCO) laban sa rider upang pagpaliwanagin kaugnay ng insidenteng nakuhanan ng video.
Batay sa nasaksihan na viral video, biglang lumipat ang rider ng Honda Click motorcycle mula sa kaliwang linya patungo sa kanang linya at napalapit sa isa pang rider na nasa parehong direksyon. Dahil dito, tumama umano ang paa ng kanyang babaeng angkas sa harapang bahagi ng motorsiklo ng kabilang rider. Kasunod nito, nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga sangkot, kung saan makikita ang Honda Click motorcycle rider na nakikipagtalo at gumagamit ng hindi angkop na pananalita laban sa kapwa motorista na nagre-record ng insidente.
Dahil dito, inatasan ang naturang rider at ang rehistradong may-ari ng Honda Click motorcycle na humarap sa itinakdang pagdinig ng LTO kaugnay ng mga pangyayaring nakapaloob sa viral video kung bakit hindi sila dapat papanagutin sa ilalim ng umiiral na mga batas ng LTO.
Kasabay nito, inilagay sa alarm status ang motorsiklong sangkot habang ipinataw ang 90-day preventive suspension ng driver's license ng rider at inatasan siyang isuko ang kanyang lisensya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
βPaulit-ulit po natin pinaaalalahanan ang bawat motorista na magpakita ng disiplina, respeto, at pananagutan sa lahat ng oras. Kapag may mga insidenteng nagpapakita ng iresponsableng pag-uugali sa lansangan, tungkulin nating tiyakin na ito ay agad na naaaksyunan at nabibigyan ng kaukulang proseso,β ani Lacanilao.
Patuloy na paiigtingin ng LTO ang kampanya nito laban sa road rage, reckless driving, at iba pang mapanganib na pag-uugali sa kalsada. Kaya naman, hinikayat ng LTO ang publiko na maging katuwang ng ahensya sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang paglabag sa batas trapiko at iresponsableng pag-uugali sa pagmamaneho. Maaaring isumite ang mga ulat sa pamamagitan ng opisyal na mga plataporma ng LTO, kabilang ang βI-Report Mo kay LTO Chiefβ page at ang website na https://ireportmokayltochief.ph/, upang agad na maimbestigahan at maaksyunan.
04/06/2026
Mabait na anak yan.sabi nung nanay
πππππ ππππ ππππ ππ ππππππππ, ππππππ, πππππ ππππππππππ ππ πππ πππππ
; πππππ ππ πππππππ, πππππππππ ππ πππ, ππππππππππ ππππππππ, ππππππππ ππππππππππ
Agad na ipinag-utos ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang pag-isyu ng Show Cause Order (SCO) laban sa motorcycle rider na sangkot sa viral road rage incident sa Sampaloc, Maynila, bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng ahensya laban sa road rage at iresponsableng pagmamaneho.
Batay sa facebook video na in-upload ni "Real Ryan" sa social media, naganap ang insidente nang magkasalubong sa isang one-way street sa Sampaloc, Manila ang dalawang motorcycle rider. Makikita sa footage na ang rider na biktima ng pananakit ay nasa tamang direksiyon ng daloy ng trapiko nang sinundan umano ng kapuwa rider at backrider nito. Sa sumunod na komprontasyon, hinampas umano ng backrider ang biktima gamit ang helmet habang ang rider naman ay sumigaw ng mga pagmumura laban dito, na itinuturing na insidente ng road rage.
Ayon sa Show Cause Order (SCO) na inilabas ng Intelligence and Investigation Division (IID), ang nanakit na rider at ang kanyang backrider ay kinakailangang humarap sa IID upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga kasong Reckless Driving, Disregarding Traffic Signs, Failure to Wear the Standard Protective Motorcycle Helmet, at Operating a Motorcycle with Improper Footwear, gayundin kung bakit hindi sila dapat patawan ng suspensyon o pagbawi ng lisensya bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
Kasabay nito, inilagay sa alarm status ang nasabing motorsiklo at isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver's license ng rider habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
βMahigpit naming kinukondena ang anumang uri ng karahasan at road rage sa ating mga lansangan. Ang pagmamaneho ay may kaakibat na responsibilidad, at ang sinumang mapapatunayang lumabag sa batas ay haharap sa kaukulang parusa. Patuloy naming titiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng ating mga kalsada para sa lahat ng motorista,β ani Lacanilao.
Binigyang-diin ng ahensya na hindi nito kinukunsinti ang anumang uri ng road rage, agresibong pag-uugali, at paglabag sa batas trapiko na naglalagay sa panganib sa kapwa motorista at publiko. Nanawagan din ito sa publiko na manatiling mahinahon sa kalsada, sumunod sa mga batas trapiko, at maaaring i-report ang anumang insidente ng paglabag sa pamamagitan ng opisyal na plataporma ng LTO, kabilang ang βI-Report Mo kay LTO Chiefβ page o website (https://ireportmokayltochief.ph/) upang agad na maaksyunan.
Click here to claim your Sponsored Listing.