CON KILOS NA
Tunay. Palaban. Makabayan. The leading progressive student alliance in CvSU's College or Nursing. Est. 2026.
02/10/2026
02/10/2026
๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ ๐๐ข๐ฅ๐๐๐ง ๐ง๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฃ๐ง๐๐ข๐ก, ๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ก ๐ง๐ข ๐๐ ๐ฃ๐จ๐ก๐๐ง๐ฌ! ๐๐จ๐๐๐๐ง ๐๐จ๐ง ๐ฆ๐ ๐๐๐ฆ๐จ, ๐ง๐จ๐ง๐จ๐๐๐ก! ๐๐๐๐๐ก๐๐ก! ๐๐จ๐ช๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ก๐ง๐จ๐๐จ๐ง๐๐ก!
Hindi na bago ang pagnanakaw at pangingipit ng pondo sa edukasyon. Mula pa sa madilim na panahon ng Diktadurang Marcos Sr. hanggang sa kasalukuyang rehimeng Marcos-Duterte, bitbit ng mga mag-aaral ang tungkuling maningil at lumaban sa bawat bawas sa ating kinabukasan.
Habang ipinagtutulakan ang mga proyektong tulad ng Pax Silica at hinahayaang makalusot ang bilyon-bilyong anomalya sa flood control, confidential funds, at militarisasyonโedukasyon naman ang pinagkakaitan at ninanakawan! Ang parusa nito sa CvSU: napakalaking โฑ67 MILYONG BUDGET CUT na direktang aapekto sa ating mga pasilidad, laboratoryo, at sahod ng kaguruan!
Hindi tayo mananatiling tahimik sa loob ng mga silid-aralan habang binabarat ang ating pamantasan. Sa gitna ng tumitinding krisis, ang panawagan ng panahon ay ang dumaan sa kalsada at buong-lakas na manindigan.
Kaya bukas, sama-sama tayong ๐๐จ๐ ๐๐๐จ๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฆ๐ง๐!
๐๐๐ฆ๐จ ๐ช๐๐๐๐ข๐จ๐ง!
SEPTEMBER 21 | WEAR BLACK โฌ
๐ 10:00 AM | Assembly Points:
CAFENR | CAS | CEIT | CED Quadrangle
๐ 11:00 AM | Main Program:
Laya't Diwa Plaza
๐ Sumama sa CvSU LBC Coordinating Group Chat:
https://tinyurl.com/CvSULabanSaBudgetCutNetwork
02/10/2026
๐ ๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ง๐๐ฌ๐ข! | "Inaanyayahan natin ang lahat ng mga Kabsuhenyos na makiisa tayo! Kumausap kayo ng inyong mga kasama, mga kaklase, mga kaibigan, ipaalam sakanila ang 67M Budget Cut sa CvSU, ang epekto nito sa bawat estudyante, faculty, at staff, at sa tinutulak nating tunay na libre, dekalidad, at makamasang edukasyon para sa lahat."
โ ๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐๐น๐น๐ฎ๐, Lead Convenor, CvSU Laban sa Budget Cut Network
Sa Regional Day of Action Against Budget Cuts in Education and Social Services ngayong Setyembre 18 sa Layaโt Diwa Plaza ng Cavite State University, umalingawngaw ang panawagan ng mga Kabsuhenyos laban sa budget cut, korapsyon, at mga imperyalistang interes ng rehimeng US-Marcos at Duterte, kabilang ang huwad na Pax Silica, at Luzon Economic Corridor.
Hindi hiwalay ang mga usaping ito sa laban ng mga Iskolar ng Bayan. Habang kinakaltasan ang pondo para sa edukasyon at batayang serbisyo, patuloy nating kinekwestyon ang prayoridad ng gobyerno pagdating sa pondo ng bayan, kung saan napupunta ang mga likas na yaman ng bansa, at kung kaninong interes ang pinaglilingkuran ng palpak na Pamahalaan.
Mula sa โฑ67M budget cut sa CvSU, hanggang sa korapsyon at mga kasunduang tulad ng Pax Silica, malinaw ang ating kampanya: ang pondo ng bayan ay dapat mapunta sa edukasyon at serbisyong panlipunan, hindi sa interes ng iilan at dayuhang kapangyarihan.
Kabsuhenyos, huwag manatiling tahimik. Kumausap, mag-organisa, at sama-samang manindigan kasama ng masa!
IBALIK ANG โฑ67M BUDGET SA CvSU!
LABANAN ANG KORAPSYON!
TUTULAN ANG PAX SILICA!
IPAGLABAN ANG EDUKASYON AT BATAYANG SERBISYO!
SUMAMA SA CvSU WALKOUT NGAYONG LUNES!
17/09/2026
๐๐๐๐ฆ๐จ๐๐๐ก๐ฌ๐ข๐ฆ, ๐ฆ๐จ๐ ๐๐ ๐ ๐ฆ๐ ๐ช๐๐๐๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ โฑ๐ฒ๐ณ๐ ๐๐๐ฆ๐จ ๐๐จ๐๐๐๐ง ๐๐จ๐ง, ๐๐ข๐ฅ๐๐ฃ๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก, ๐๐ง ๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ฌ๐๐๐๐ฆ๐ ๐ข! โ๐ผ
Sa 2027, haharap ang Cavite State University sa โฑ67 milyong budget cut. Sa panahong patuloy na nangangailangan ng sapat na pasilidad, serbisyo, at suporta ang mga Kabsuhenyos, ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ฒ๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป?
Hindi ito hiwalay sa mas malawak na krisis sa badyet ng bayan. Habang binabarat ang edukasyon at serbisyong panlipunan, patuloy na itinutulak ang pondo at mga patakarang nakatuon sa militarisasyon, panunupil, at interes ng malalaking negosyo at dayuhang kapangyarihan. Sa ilalim ng US-Marcos at Duterte, lalong lumalalim ang ganitong mga prayoridad, habang ang mga proyektong gaya ng Pax Silica ay nagbubukas ng panibagong banta sa likas-yaman at lupang ninuno ng mga katutubo.
Habang tinatapyasan ang badyet ng pamantasan, lalong dapat singilin ang pamahalaan! Kung may pondong inilalagak para sa militarisasyon, korapsyon, at mga proyektong nagsisilbi sa interes ng dayuhan, bakit edukasyon at serbisyong panlipunan ang laging pinagkakaitan?
Kaya, mula BUKAS, kasabay ng iba't ibang mga pamantasan sa buong bansa, sama-sama tayong DUMALUYONG sa Baha ng Protesta!
๐๐๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐ฌ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฆ๐ง
๐ข ๐ฆ๐๐ฃ๐ง๐๐ ๐๐๐ฅ ๐ญ๐ด, ๐ฐ ๐ฃ๐
๐๐ฆ๐จ๐ช๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญ ๐๐ข๐บ ๐ฐ๐ง ๐๐ค๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐จ๐ข๐ช๐ฏ๐ด๐ต ๐๐ถ๐ฅ๐จ๐ฆ๐ต ๐๐ถ๐ต๐ด ๐ช๐ฏ ๐๐ฅ๐ถ๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ฐ๐ค๐ช๐ข๐ญ ๐๐ฆ๐ณ๐ท๐ช๐ค๐ฆ๐ด (Wear BLACK)
๐๐๐ฆ๐จ ๐จ๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ๐ฆ๐๐ง๐ฌ-๐ช๐๐๐ ๐.๐.
๐ป ๐ฆ๐๐ฃ๐ง๐๐ ๐๐๐ฅ ๐ญ๐ต, ๐ฒ ๐ฃ๐
๐๐ฏ๐ข๐ต๐ฐ๐ฎ๐บ ๐ฐ๐ง ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ ๐๐ฅ๐ถ๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ถ๐ฅ๐จ๐ฆ๐ต
Via Google Meet
#๐ ๐๐ฑ๐ฐ ๐๐๐ฆ๐จ ๐ช๐๐๐๐ข๐จ๐ง!
โ๐ผ ๐ฆ๐๐ฃ๐ง๐๐ ๐๐๐ฅ ๐ฎ๐ญ, ๐ญ๐ฌ ๐๐
10:00 AM | Snake Rally | ๐ CAFENR โก๏ธ Laya't Diwa
11:00 AM | CvSU Mobilization | ๐ Laya't Diwa
3:30 PM | Provincial Mobilization | ๐ SM Bacoor
Mula CvSU hanggang buong Timog Katagalugan, ipaglaban ang dagdag pondo sa edukasyon, serbisyong panlipunan, at badyet na tunay na nagsisilbi sa mamamayan!
the corruption. to impunity! โค๏ธโ๐ฅ
๐ Join the CvSU LBC Coordinating Group Chat:
https://tinyurl.com/CvSULabanSaBudgetCutNetwork
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Indang
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when CON KILOS NA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.