EdWord
Let the Word of God enlighten your life. Be Edified and Evangelized! Congregation of the Most Holy Redeemer
09/09/2026
Minamahal kong mga Anak,
Ang tunay na mapalad ay hindi ang taong nasa kanya ang lahat, kundi ang taong natuklasan na kapag nasa kanya ang Diyos, mayroon siyang sandigan na hindi kailanman bibitaw.
May Diyos kang makakapitan.
Iyong Masintahing Ina,
Maria
26/08/2026
Minamahal kong mga Anak,
Ang pagiging propeta ngayon ay hindi lamang pagsasalita laban sa mali. Ito rin ay pamumuhay nang tama. Ang tunay na propeta ay hindi lamang nagtuturo ng dumi sa lipunan; hinahayaan muna niyang linisin ng Diyos ang kanyang sariling puso. Sapagkat mahirap ipaglaban ang katotohanan kung kayo mismo ay nabubuhay sa kasinungalingan. Kailangan ng lipunan ngayon ng mga propeta—mga taong may tapang magsalita ng katotohanan, ngunit may kababaang-loob ding suriin ang sarili. Mga propetang hindi nabibili, hindi natatakot, at hindi nananahimik sa harap ng mali. Nawa ang inyong pagdedebosyon ay mag akay sa pagiging propeta sa ngayon.
Iyong Masintahing Ina,
Maria
19/08/2026
Minamahal kong mga Anak,
Bigyan nawa ng kapahingahan at kapayapaan ang iyong mga pusong pagod. At sa bawat paglapit nyo sa Panginoon ay ang pagpapala ng kaginhawahan.
Iyong Masintahing Ina,
Maria
12/08/2026
Minamahal kong mga Anak,
Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa Panginoon, naroon Syang kasama nila. Sa bawat sama sama nating pagdarasal ay ang pagpapala na ipinagkakaloob.
Iyong Masintahing Ina,
Maria
05/08/2026
Minamahal kong mga Anak,
Hindi pinababayaan ng Diyos ang pusong tumatawag sa Kanya. Ang inyong paglapit ay mayroong pagpapala na matatamo.
Magtiwala at patuloy na magdasal.
Iyong Masintahing Ina,
Maria
06/05/2026
Minamahal kong mga Anak,
Pinaputol ng Diyos ang mga bagay na akala natin ay nagbibigay-buhay sa atin, pero sa totoo lang, iyon na pala ang humahadlang sa mas malalim na paglago. Minsan, pinapayagan Niya tayong mawala sa isang sitwasyon, hindi dahil wala na tayong halaga doon, kundi dahil may mas malawak Siyang plano para sa atin.
Iyong Masintahing Ina,
Maria
15/04/2026
Minamahal kong mga Anak,
Ibinigay ng Diyos Ama ang kanyang bugtong na Anak upang ang kanyang pag ibig at awa ay patuloy na dumaloy sa atin. At hindi tayo pinabayaan ng Diyos.
Iyong Masintahing Ina,
Maria
08/04/2026
Minamahal kong mga Anak,
Huwag tayong matakot lumapit kay Hesus—kahit ano pa ang ating nararamdaman. Dalhin natin sa Kanya ang ating galit, lungkot, pagod, at kahit ang ating pagdududa. Dahil si Hesus ay hindi lamang naghihintay sa dulo ng ating paglalakbay—Siya ay kasama natin sa bawat hakbang ng buhay.
Sa Kanyang presensya, ang malamig na puso ay muling mag-aalab, ang nawawalang pag-asa ay muling mabubuhay, at ang ating buhay ay mapupuno ng Kanyang pag-ibig at pagpapala.
Iyong Masintahing Ina,
Maria
01/04/2026
Minamahal kong mga Anak,
Sa paanan ng Krus naganap ang pagliligtas at pagmamahal. Tanggapin nawa ninyo ang grasyang ito at mamuhay ng may pagpapala.
Iyong Masintahing Ina,
Maria
25/03/2026
Minamahal kong mga Anak,
Ang bawat “oo” na ibinibigay natin sa Diyos ay may malaking epekto. Sa kasaysayan ng kaligtasan, nais ng Diyos na iligtas tayo, ngunit ang kaligtasan ay bunga ng pakikipagtulungan ng Diyos at ng tao, ang pakikipagtulungan ng ating pag “oo” sa kalooban ng Diyos.
Iyong Masintahing Ina,
Maria
Click here to claim your Sponsored Listing.
Telephone
Website
Address
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when EdWord posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.