BasicGainz

BasicGainz

Share

Progression over Perfection💪🏼

FB PAGE: BasicGainz✅
TIKTOK PAGE: BasicGainz✅

03/10/2026

“Mag gygym ako pero Hindi ako magbuhuhat. Baka lumaki muscles ko e…” 😭🤣

Girls, hindi ganoon kadali mag-build ng malaking muscle overnight. 😂

Ang resistance training ay hindi automatic na magiging “muscular” agad ang katawan mo. Muscle growth takes consistent training, proper nutrition, recovery, and time.

Kaya kung gusto mong maging:
✨ strong
✨ toned-looking
✨ Mas capable sa daily activities
✨ Mas confident sa katawan mo

Huwag mong katakutan ang weights. Matutong gamitin ito nang tama. 🏋️‍♀️

Misinformation kills your fitness journey✅💯

As always, Progression over Perfection 💪🏼

01/10/2026

Busy sa work❓Sa school❓
Walang time mag exercise❓

Try this TABATA workout 💪🏼
4-12 minutes lang tapos ka agad Dito

Mabilis lang at madaling sundan👌🏼
Beginner friendly workout ito💯

01/10/2026

FITNESS IS EXPENSIVE💯 SICKNESS IS MORE.💯💯💯💯

Gym membership, healthy food, quality sleep, supplements, at oras para alagaan ang katawan—oo, may gastos at sacrifice talaga.

Pero tandaan: ang health ay investment, hindi luho.

Hindi mo kailangang maging sobrang laki, sobrang lean, o magkaroon ng abs para masabing healthy.

Start with the basics:
🏋️‍♂️ Galaw-galaw at mag-exercise
🥗 Kumain nang mas maayos
😴 Matulog nang sapat
💧 Uminom ng maraming tubig
🚭 Tanggalin ang bisyo
🧠 Alagaan ang katawan bago pa ito maningil

Hindi natin kailangang hintayin na magkasakit bago natin pahalagahan ang ating katawan.

Mahal maging fit.
Pero mas mahal ang magkasakit sa bansang puno ng 🐊🇵🇭

As always Progression over Perfection💪🏼

24/09/2026

REALTALK MUNA TAYO ABOUT SA FITNESS DITO SA PINAS.💯💯

20/09/2026

Bukod sa common na ginagamit natin na whey at creatine, Anu pa Yung vitamins/minerals na ginagamit nyo❓

Ako Kasi eto lang⬇️⬇️
Vitamin C✅
Iron✅
Multivitamins✅
Fishoil✅

Kayo anung mga gamit nyo❓
Share nyo naman sa comment section⬇️⬇️

19/09/2026

Under-rated supplement na kailangan mong gamitin 💯👌🏼

16/09/2026

HINDI KA GYMRAT KUNG HINDI MO ’TO NARANASAN 🤣🏋️
EP. 2

Yung bigla kang nagbuhat ng mas mabigat kaysa sa usual mong weight…

Dahil may mga bebot na nagwo-workout malapit sa’yo. 😂

Normal workout lang dapat eh…

Pero biglang:

“Kaya ko ‘to.” 😤💪

Normal weight 80lbs 🏋🏼
Real quick naging 150lbs🤣💪🏼

Pasikat yarn? 🤣💀

Aminin mo…
nangyari na rin sa’yo ’to. 😂

Tag mo yung gym bro mong biglang lumalakas kapag may bebot!🤣

15/09/2026

HINDI KA GYMRAT KUNG HINDI MO NARANASAN ’TO — EP. 01

Yung mas matagal pa ang chismisan niyo ng kasama mo kaysa sa actual workout mo. 🤣
Workout: 30 minutes
Chismisan: 1 hour
Sets: 3
Usapan: 10 topics 💀😂
Pero at least…
may workout, may bonding, may bagong chismis. 🤣

Tag mo yung gym buddy mong madaming chika sa buhay kaysa sa workout! 🤣

08/09/2026

KAHIT ANONG GAWIN MO, MAY MASASABI PA RIN SILA.💯

NUNG MATABA KA…
“Magpapayat ka nga. Ang laki-laki mo na, wala ka nang leeg. Mukha ka pang maasim.” 😭

NUNG NAGPAPAYAT KA…
“Sobrang payat mo naman. Hindi na bagay sa’yo. Mukha kang may sakit.” 🥲

NUNG NAGPALAKI KA NG KATAWAN…
“Ang laki ng katawan mo. Mukha kang bouncer. Ang sagwa.” 😂

San kaba talaga lulugar❓

Ang totoo,
Kahit anong gawin natin, may masasabi at masasabi ang ibang tao.

Kapag nakinig ka sa lahat ng opinyon nila, baka habang buhay kang mag-aadjust para lang mapasaya sila.💯🤷🏼🙅🏼

Kaya gawin mo kung saan ka masaya at kung ano ang makakabuti sa’yo.👌🏼🫵🏼

Hindi mo kailangang gawin lahat ng gusto nila para lang ma-please Sila.

Ang mahalaga, pinili mong baguhin ang lifestyle mo, alagaan ang sarili mo, at maging mas healthy kaysa dati. ❤️💪

At the end of the day, katawan mo ‘yan. Buhay mo ‘yan. Desisyon mo ‘yan.🫵🏼💯

Progress for yourself, not for people’s approval. 🫶

As always Progression over Perfection 💪🏼

07/09/2026

Ito na Ang sign na hinihintay mo💯

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address

Tondo Manila
Manila
1013

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BasicGainz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Manila.