National Service Training Program - PUP NSTP
This is the new official page of PUP National Service Training Program Sta. Mesa Campus
22/08/2026
MGA KA-NSTP, HANDA NA BA KAYO!?
Sa pagsisimula ng inyong unang taon sa kolehiyo dito sa Sintang Paaralan, alam naming sabik kayong malaman ang lahat tungkol sa inyong mga kurso, lalo na sa National Service Training Program (NSTP) para sa CWTS at ROTC!
Bilang mga bagong Iskolar ng Bayan, inaanyayahan namin kayong dumalo sa:
GABAY 2026: NSTP Student Orientation: Service Beyond Boundaries: Empowering the Youth as Stewards of the UN Sustainable Development Goals
๐
Kailan: Agosto 30, 2026 (Linggo)
โฐ Oras: 9:00 AM โ 12:30 PM
๐ Saan: LIVE via PUP-NSTP Official YouTube Channel
Kasama ang PUP-NSTP at PUP-SANDIWA, sama-sama nating:
1. Sagutin ang inyong mga katanungan ukol sa programa
2. Tuklasin ang layunin at kahalagahan ng NSTP at ang ambag nito sa Sustainable Development Goals (SDGs)
3. Makilala ang mga opisyal, kawani, at instruktor ng NSTP
4. Alamin ang mga serbisyo at adhikaing inihahandog ng NSTP at PUP-Sandiwa
Official Channels & Socials:
Siguraduhing naka-subscribe at naka-follow sa aming mga opisyal na pahina:
- YouTube: https://www.youtube.com/-nationalservicetrainin2623
- PUP NSTP Facebook: facebook.com/pupnstp
- PUP SANDIWA Facebook: facebook.com/pupsandiwaa
โ ๏ธ MAHALAGANG PAALALA:
Ang pagdalo sa oryentasyong ito ay magsisilbing unang araw ng inyong klase sa NSTP. Tanging ang mga mag-aaral na makatatapos ng nasabing online orientation ang makakatanggap ng Certificate of Participation na isa sa mga pangunahing requirements na ipapasa sa inyong mga CWTS o ROTC instructors.
Magkita-kita tayo, mga Ka-NSTP at Ka-DIWA! ๐
21/08/2026
Ngayong araw, Agosto 21, ginugunita ang kabayanihan, paninindigan, at sakripisyo ng dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. para sa demokrasya at kalayaan ng sambayanang Pilipino.
Ang kanyang tanyag na katagang "The Filipino is worth dying for" ay patuloy na nagpapaalala sa atin na ang tunay na pagmamahal sa bayan ay nangangailangan ng tapang, malasakit, at kahandaang tumindig para sa kapakanan ng nakararami. Ang kanyang buhay at naging sakripisyo ay naging mitsa upang magkaisa ang mga Pilipino tungo sa pagbawi ng ating mga karapatan at kalayaan.
Sa kasalukuyang panahon, patuloy nating buhayin ang diwa ng kanyang paninindigan. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa bawat kabataan at mamamayan upang maging mapagmatyag, mapanuri, at aktibong makilahok sa pagbuo ng isang makatarungan, malaya, at mapayapang lipunan.
Isang makabuluhang paggunita ng Ninoy Aquino Day sa ating lahat! ๐๐ต๐ญ
17/08/2026
A warm welcome to our new batch of Iskolar ng Bayan! โค
As you officially open a new academic chapter and start your journey in PUPโs National Service Training Program (NSTP), always remember na higit pa ito sa isang requirement. This is your chance to step up, hone your potential, and serve the community as future nation-builders.
Dito sa NSTP, you will learn the true essence of discipline, leadership, and public service habang bumubuo ng pundasyon ng samahan at unforgettable memories with your blockmates. Handa na ba kayong maging bahagi ng makabuluhang pagbabago?
Tara, sabay-sabay tayong maglingkod at maglakbay sa NSTP 2026โ2027 tungo sa maka-Diyos, makatao, makakalikasan, at makabansang pagbabago't pag-unlad! โค
16/08/2026
๐ผ๐๐๐๐๐๐พ๐๐๐๐๐: ๐๐พ๐๐๐ฟ๐๐๐ ๐๐ ๐พ๐๐๐ ๐ ๐พ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ผ.๐. ๐๐๐๐โ๐๐๐๐
Warm greetings, NSTP-CWTS takers!
A brand new semester is officially underway, and the entire NSTP faculty and staff are thrilled to welcome every single one of you. Civic Welfare Training Service is more than just a course requirementโit is a space where leadership, civic responsibility, and community engagement come alive. We cannot wait to collaborate with you, learn alongside you, witness your meaningful contributions to nation-building, and see the passion each of you brings to community service this school year.
Please be guided by the ๐ค๐๐๐๐๐๐๐ก ๐จ๐๐๐๐๐ช๐ก๐ ๐ค๐ ๐๐ก๐๐จ๐จ๐๐จ ๐๐ค๐ง ๐พ๐ฎ๐๐ก๐๐จ ๐, ๐, ๐๐ฃ๐ ๐ provided by this poster.
Important Reminders & Action Items:
- ๐ผ๐ช๐๐ช๐จ๐ฉ ๐๐ to ๐ผ๐ช๐๐ช๐จ๐ฉ ๐๐ (๐พ๐ค๐ค๐ง๐๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ & ๐๐ฃ๐๐ค๐๐ง๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐ค๐): Class presidents and representatives are advised to reach out directly to their assigned instructors via the official email directory provided here: https://www.facebook.com/share/p/1DNrtcUcXB/ . These initial dates are specifically designated for locating section members, setting up official class group chats/channels, distributing necessary instructional materials, and orienting students on vital course information via their messaging applications. There are no face-to-face and synchronous meetings scheduled for these dates yet.
- ๐ผ๐ช๐๐ช๐จ๐ฉ ๐๐, ๐๐๐๐ (๐๐๐๐ ๐๐ฃ๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ง๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ): Mark your calendars! All students across all cycles (Cycles 1, 2, and 3) are required to attend the unified NSTP Online Student Orientation. Specific platform details and meeting links will be shared prior to the event.
Let's make this semester fruitful, inspiring, and service-driven. See you all soon!
13/08/2026
Good day, NSTP-CWTS takers!
Here is the pool of faculty members who will be handling your respective classes for the First Semester of Academic Year 2026-2027.
The schedule of your cycle's class will be posted here on our page soon. For the meantime, class presidents/representatives must coordinate directly with their assigned instructors through the institutional email addresses provided through this link: https://drive.google.com/file/d/13VkLR-Zcx6e_DfumG7ssoYW1mw6bGPZH/view?usp=sharing
Open University System (OUS) Students: For OUS CWTS classes, please refer to your official schedule as indicated in your Student Information System (SIS), if already available.
Thank you, and we look forward to meeting you both virtually and face-to-face this semester!
23/07/2026
MALIGAYANG ARAW NI APOLINARIO MABINI! ๐ต๐ญ
Ngayong araw, Hulyo 23, buong pagmamalaki at pagpupugay na ginugunita ng buong pamayanan ng Polytechnic University of the Philippines ang kaarawan ng "Dakilang Paralitiko" at "Utak ng Rebolusyon"โsi Apolinario Mabini!
Ang ating pangunahing kampus sa Sta. Mesa ay opisyal na ipinangalan sa kanya bilang Mabini Campus. Dito rin matatagpuan sa loob ng ating pamantasan ang makasaysayang Museo ni Apolinario Mabini, kung saan itinaguyod at iningatan ang mismong bahay na kanyang tinirhan, na naging saksi sa kanyang huling mga sandali at sa mga dakilang akdang kanyang naisulat para sa bansa.
Ang kanyang katalinuhan, prinsipyo, at hindi matitinag na pagmamahal sa kalayaan ang patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat Iskolar ng Bayan. Sa kabila ng kanyang pisikal na kapansanan, pinatunayan ni Mabini na ang tunay na lakas ng isang Pilipino ay nagmumula sa paninindigan at tapat na paglilingkod sa bayan.
Itaas ang noo, mga Iskolar ng Bayan! Isabuhay natin ang mga aral, prinsipyo, at pagmamahal sa bayan ng ating dakilang bayani. โ
20/07/2026
๐ข ADVISORY: Please be informed that all NSTP onsite and online transactions will be temporarily unavailable on July 20 and 21 to accommodate our Midyear Assessment and Planning activities.
๐๏ธ Services will resume on Wednesday, July 22, 2026.
๐ง For urgent concerns, please send an email to [email protected].
Thank you for your patience and understanding!
20/07/2026
CONTINUING THE LEGACY OF EXCELLENCE IN NSTP-CWTS! ๐
As we close out another meaningful academic year, we are immensely proud to recognize our outstanding NSTP-CWTS (National Service Training Program - Civic Welfare Training Service) instructors for the 2nd Semester of School Year 2025โ2026! โจ
Empowering students through civic engagement requires extraordinary passion. Our faculty members have consistently gone above and beyond by instilling a spirit of volunteerism, fostering social responsibility, and inspiring our youth to lead with heart in every community project.
Swipe through to see our remarkable educators, ordered sequentially based on their combined student and supervisor evaluation ratings! ๐ธ๐
To our dedicated faculty: Thank you for your unwavering commitment to excellence, your heart for community service, and your guidance in shaping our students into proactive, compassionate leaders. The seeds you plant in the classroom continue to bloom across the communities we serve.
Note: This post exclusively features faculty evaluations for traditional classes at the Sta. Mesa Campus.
17/07/2026
CELEBRATING EXCELLENCE IN NSTP-CWTS!
16/07/2026
BRIDGING RESOURCES, EMPOWERING DREAMS: SUCCESSFUL SCHOOL SUPPLIES DONATION DRIVE! โ๏ธ
Isang maalab at makabuluhang pagpupugay sa buong pamayanan ng unibersidad! Noong nakaraang July 8, 2026, matagumpay nating naisakatuparan ang pamamahagi ng mahigit 2,700 packs ng mga school supply kits para sa mga batang mag-aaral na nangangailangan!
Sa ilalim ng ating temang NSTP in Motion: Bridging Youth Leadership and Community Development, ang proyektong ito ay pinangunahan ng PUP National Service Training Program (NSTP), sa malaking kontribusyon at effort ng mga mag-aaral mula sa PUP Open University System (PUP-OUS).
Sa pamamagitan ng kolektibong kabutihang-loob ng OUS community at mga PUPCET marshals na masigasig na nangolekta ng mga lapis noong nakaraang PUP College Entrance Test, ay matagumpay nating naipaabot ang tulong na ito sa mga sumusunod na paaralan at komunidad:
๐ซ Bacood Elementary School (Manila)
๐ซ Pio Del Pilar Elementary School (Manila)
๐ซ Burgos Zamora Elementary School (Manila)
๐ซ Jose Burgos Elementary School (Manila)
๐ซ Diosdado Macapagal Elementary School (Quezon City)
๐ซ Community Extension Learning Center of the PUP College of Education
Dito natin napatunayan ang tunay na esensya ng civic engagement: ang maging tulay upang ihatid ang mga kagamitang pang-eskwela nang direkta sa mga mag-aaral na nagnanais magpatuloy sa kanilang pangarap. Isang napakalaking pasasalamat sa ating mga mag-aaral, student leaders, at mga dedikadong faculty members na siyang naging gabay upang masiguro ang ligtas at maayos na koordinasyon sa bawat benepisyaryong paaralan.
Salamat sa bawat nag-donate at nakiisa! Ang inyong tulong ay hindi lamang simpleng gamit sa pag-aaral, kundi sandata ng mga kabataan para sa mas maliwanag na bukas! ๐โค๏ธ
๐ Global Goals sa Aksyon:
SDG 4: Quality Education - Pagbibigay ng suporta at de-kalidad na kagamitan sa mga batang mag-aaral upang mapadali ang kanilang pag-aaral.
SDG 10: Reduced Inequalities - Pagbabawas sa kakulangan sa pinagkukunang-yaman sa pamamagitan ng paghahatid ng tulong sa mga marginalized na sektor at komunidad.
SDG 17: Partnerships for the Goals - Pagpapakita ng epektibong ugnayan sa pagitan ng unibersidad, mga organisasyon, at mga pampublikong paaralan para sa iisang layunin.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Manila
1016
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |