Provincial Legal Extension Services Program - PLESP

Provincial Legal Extension Services Program - PLESP

Share

Offers legal support and essential amenities to the local governing units and people of Palawan

01/10/2026
Photos from PIO Palawan's post 22/09/2026
Photos from IBP Palawan Chapter's post 18/09/2026
Photos from Provincial Legal Extension Services Program - PLESP's post 15/09/2026

278 PSU-ILS Students, nakiisa sa PLESP On-Campus

PUERTO PRINCESA CITY, PALAWAN — Aktibong nakiisa ang 278 mag-aaral mula Grades 7–10 ng Integrated Laboratory School (ILS) ng Palawan State University–Main Campus, kasama ang kanilang mga g**o, sa PLESP On-Campus na isinagawa noong Setyembre 14, 2026 sa PSU Amphitheater.
Ang programa, na inilunsad ng Provincial Legal Extension Services Program (PLESP) ng Provincial Legal Office, ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Tanggapan na mailapit ang legal education sa mga paaralan at kabataan sa lalawigan.

Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa kanilang mga karapatan, responsibilidad, at mga batas na nagbibigay-proteksyon sa kanila, gayundin ang paghikayat sa kanila na maging mapanuri, responsable, at may sapat na kaalaman upang maiwasan at matugunan ang mga suliraning legal.

Nagbigay ng welcoming remarks si CTE Dean Restie Allan A. Puno, habang nakibahagi rin sa programa sina Prof. Aileen C. Garcellano, ILS Principal, at Prof. Mary Juris Joy L. Ednilao, ILS Junior High Assistant Principal.
Pinangunahan naman nina PLESP Focal Person/Attorney V Atty. Mary Joy Ordaneza-Cascara, Atty. Gellian Grace Baaco-Padilla, at Atty. Mae Joyce Magbanua-Anjalin ang talakayan tungkol sa mahahalagang batas na may kaugnayan sa kabataan, kabilang ang Juvenile Justice and Welfare Act (RA 9344, as amended), Safe Spaces Act (RA 11313), at Anti-Bullying Act of 2013 (RA 10627).

Sa pamamagitan ng PLESP On-Campus, patuloy na isinusulong ng Provincial Legal Office ang proactive legal education bilang mahalagang hakbang tungo sa paghubog ng kabataang may sapat na kaalaman sa batas, may kamalayan sa kanilang mga karapatan, at handang maging responsableng mamamayan.

Mas marami pang paaralan at kabataan sa Palawan ang inaasahang maaabot ng PLESP sa pagpapatuloy ng programang ito sa mga susunod na buwan.

10/09/2026
Photos from Provincial Legal Extension Services Program - PLESP's post 20/08/2026

PLESP sa Bayan ng San Vicente
Agosto 18–19, 2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kaalaman ng mga tagapagpatupad ng batas sa lokal na antas, isinagawa ang Provincial Legal Orientation Seminar on Law and Enforcement noong Agosto 18, 2026 sa pangunguna ni Acting Provincial Legal Officer Atty. Mary Joy Ordaneza-Cascara, matagumpay na naisakatuparan ang seminar at orientation na nilahukan ng mga kawani ng Municipal Public Safety and Enforcement Program (MPSEP) ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente.

Pinasinayaan ang programa nina Municipal Mayor Ramir Rodriguez Pablico at Sangguniang Bayan Member Rowell C. Molo, na nagpaabot ng kanilang mensahe at suporta sa mga kalahok at sa layunin ng aktibidad.

Tinalakay sa nasabing orientation ang mahahalagang batas na nagsisilbing gabay sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin patungkol sa pangangalaga sa kapaligiran:

• P.D. No. 705 — Revised Forestry Code of the Philippines
• R.A. 9003 — Ecological Solid Waste Management Act of 2000
• R.A. 9175 — Chain Saw Act of 2002
na ibinahagi ng Provincial Council for Sustainable Development o PCSD sa pamamagitan nina Atty. Caroline Legaspino, Atty. Ria Gabinete, at Atty. Jan Vemer Ponce de Leon.

Tinalakay din ang:
• R.A. 8749 — Philippine Clean Air Act at
• R.A. 9275 — Philippine Clean Water Act
na ibinahagi naman ni Atty. Ariel A. Abis ng Provincial Legal Office.

Binigyang-diin sa seminar na sapat na kaalaman sa batas ang susi sa maayos at tapat na pagtupad sa kanilang mandato.
Sa pamamagitan ng mga talakayan, inaasahang lalo pang mapauunlad ang kanilang kakayahang ipatupad ang mga ordinansa at batas lalo na sa pangangalaga ng kalikasan, pagpapanatili ng kaayusan, at paghahatid ng mas mahusay na serbisyo publiko.

Sa ikalawang araw, nagsagawa naman ng Libreng Legal Konsultasyon, Paggawa ng Sinumpaang Salaysay (Affidavit), at Libreng Serbisyong Notaryo para sa mga mamamayan ng San Vicente. Sa kabuuan, 74 na kliyente ang nakinabang sa nasabing aktibidad.

Kasama ang Integrated Bar of the Philippines-Palawan Chapter (IBP - Palawan) naglaan ng kanilang oras at libreng serbisyo ang mga sumusunod na abogado: Atty. Rolando Ba-alan, Atty. Pen Angelo Rombo, Atty. Elgieraydolph Buison, Atty. Ira A. Dela Rosa, Atty. Roky Dayoan, Atty. Caroline A. Legaspino, Atty. Ria Lynne Gabinete, Atty. Jan Vemer Ponce de Leon, at Atty. Ariel Abis ng Provincial Legal Office.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente, Provincial Legal Office, Integrated Bar of the Philippines, at iba pang katuwang na ahensya, patuloy na inilalapit ang kaalaman sa batas at libreng serbisyong legal sa taumbayan. ⚖️🤝

Photos from Bayan ng San Vicente, Palawan's post 20/08/2026
Photos from Bayan ng San Vicente, Palawan's post 20/08/2026

PLESP in San Vicente, Palawan

Want your practice to be the top-listed Law Practice in Palawan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Provincial Capitol Rizal Avenue Puerto Princesa City
Palawan
5300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Legal Extension Services Program - PLESP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Palawan.