Kiko Rustia
Chasing history! :)
Late sharing our Sept 2 rips ❤️
24/09/2026
📢 💙 TSEK UP NA! – Libreng Serbisyong Medikal 📢 💙
sa darating na "September 26. 2026 ( Sabado/Saturday )",alagaan ang kalusugan para sa mas malusog na pamilya at komunidad! Kasama po natin ang opisina ni Konsi Coach Paul Senogat! 💙
Mga Ka-Barangay sa Bagong Ilog, alagaan natin ang ating kalusugan! Magandang opportunity ito para sa ating pamilya.
🏥 ANO ANG MGA LIBRE?
✅ Checkup at Konsulta sa Doktor
✅ Blood Pressure at Vital Signs
✅ Blood Test (Sugar, Uric Acid, atbp.)
✅ Laboratory Test (ihi, ECG)
👨👩👧👦 Tara na! Sabihan ang mga kapitbahay, kaibigan, at pamilya. Libre na, makakasiguro ka pa sa kalusugan mo!
🗓️ KAILAN: September 26. 2026 ( Sabado/Saturday )
📍 LUGAR: Bagong Ilog Covered Court
⏰ ORAS: 8:00 AM onwards
📋 PAALALA: MAGDALA NG ID
Kailangan po magdala ng XEROX COPY ng kahit anong VALID ID.
🗓️ KAILANGAN MAGDALA NG XEROX COPY NG INYONG ID:
Para sa mga dadalo, magdala po ng kahit anong Valid Government Issued ID (xerox copy):
• Driver’s license
• Passport
• PSA Birth Certificate
• PRC license
• SSS ID
• GSIS ID / UMID Card
• Pag-Ibig ID
• Phil-Health ID
• Voter’s ID / Voter’s Certification
• BIR / TIN ID
• Police Clearance
• Postal ID
• NBI Clearance
• PhilSys ID (National ID)
• Person’s With Disability (PWD) ID
• Solo Parent ID
• Senior Citizen ID
• Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ID
• Barangay ID
• School ID (up to college)
• Barangay Certificate with or without photo (for minors only)
• Barangay Certificate with photo (adult)
I-share at i-tag ang iyong mga mahal sa buhay upang maging malusog ang bawat pamilya! 🩺💪
[ Admin ]
22/09/2026
♻️ 3rd Quarter Pasig City Solid Waste Management Board Meeting
[ September 22. 2026 ]
Sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Mayor Vico Sotto, at ng inyong lingkod na Chairman ng Committee on Environmental Protection at Solid Waste Management ginanap ang SWMB 3rd Quarter Meeting: kung saan tinalakay at prinesenta ng Solid Waste Management Office Pasig City SWMO ang mga naging accomplishments ng lungsod, kabilang ang waste collection, clean-up drives, at mga kasalukuyang kampanya para sa mas mahusay na pagpapatupad ng ating solid waste management laws.
Nagbahagi rin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng kanilang endorsement sa 10-Year Solid Waste Management Plan ng Pasig City, habang nagbigay naman ng updates ang ating mga partners mula sa MMDA, Asian Development Bank, at United Nations Development Programme - UNDP tungkol sa kanilang mga proyekto kasama ang LGU para sa Innovation for Circular Economy (ICE) Hub.
Maraming salamat sa ating Vice Chairperson at kampeon ng Circular Economy na si Konsi Pao Santiago sa pagdalo at maraming salamat ulit sa lahat ng miyembro ng Board at sa ating mga partners sa patuloy na pakikiisa at pagtutulungan. Sama-sama nating isulong ang isang malinis, makakalikasan, at circular na Pasig City. ♻️💚
[ Admin ]
Human greed 😔
15/09/2026
🏠 Para sa Mas Maayos na Pabahay sa Pasig!
[ August 12. 2026 ]
Patuloy ang pagsusulong ng mga panukala para sa housing programs at community development sa iba’t ibang barangay ng Pasig. Kabilang dito ang mga lupang ilalaan para sa socialized at vertical housing, community-initiated housing, at iba pang proyekto para sa ating mga kababayang Pasigueño.
Tuloy-tuloy ang pagkilos para sa mas maayos at disenteng pabahay para sa bawat pamilya.💚
[ Admin ]
11/09/2026
🎉 Maligayang Kaarawan, Konsi Ryan Enriquez! 🎂💚
Taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan sa ating Konsehal ng Pasig, District 2!
Nawa’y patuloy kang pagpalain ng magandang kalusugan, lakas at tagumpay sa paglilingkod sa ating mga kababayang Pasigueño.
Happy Birthday, Konsi Ryan! Mabuhay po kayo! 🎉💚
03/09/2026
" ZONING ORDINANCE | COMMITTEE ON LAND USE "
[ September 2. 2026 ]
Bilang Chairperson ng Committee on Land Use, mahalaga para sa atin na marinig at maisaalang-alang ang mga komento at suhestiyon ng iba’t ibang departamento at opisina na may direktang ugnayan sa pag-update ng ating Zoning Ordinance.
Isinagawa natin ang 3rd Consultation Meeting na pinangunahan ng City Planning and Development Office upang mas mapag-usapan ang mga kinakailangang pagbabago at polisiya para sa mas maayos at organisadong paggamit ng ating lupain.
Maraming salamat sa ating mga kapwa Konsehal at Department Heads sa kanilang oras, pakikiisa, at mahalagang ambag sa talakayang ito. 🤝
Patuloy tayong magtutulungan para sa isang mas maayos, organisado, at progresibong Pasig. 💚
[ Admin ]
Click here to claim your Sponsored Listing.