Vibe ch3k PH.

Vibe ch3k PH.

Share

let's ch3k youre vibe ✔️

19/08/2026

HOW TO REGISTER IN UPLIFT VIA WEB https://uplift-g2p.dswd.gov.ph

Para sa mga benepisyaryong hindi pa nakakapag-register sa UPLIFT, narito ang simpleng gabay para makapagparehistro online!

✅ STEP 1: Piliin ang payout site kung saan ninyo natanggap ang inyong unang payout.

✅ STEP 2: Ilagay nang tama ang inyong personal na impormasyon.

✅ STEP 3: I-double-check ang lahat ng detalye bago i-submit ang registration.

📌 Mahalagang Paalala: Siguraduhing tama ang inyong impormasyon at ang napiling payout site upang maiwasan ang anumang problema sa registration.

Para sa karagdagang katanungan o assistance, maaaring makipag-ugnayan sa MSWDO sa Inyong Bayan o DSWD Field Office.

11/08/2026

Umapela si Senator Raffy Tulfo kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na makipagtulungan para makumpleto ang membership ng kanyang mga komite.

Ito ay matapos umano niyang hindi pa maibigay ang go signal para makaupo ang ilang miyembro ng minority bloc sa mga komite ni Tulfo.

Sa plenaryo, sinabi ni Tulfo, “To the minority leader, my good friend, Senator Alan Peter Cayetano, it is time that we cooperate so that we may get back to legislating. If you have time to go on FB Live, maybe you have time to confirm or give the go signal to your minority members.”

Sa pagdepensa naman sa kanyang kapatid, sinabi ni Senator Pia Cayetano, "Senator Tulfo, madali niyo naman akong tanungin, alam niyo namang kapatid ko si Alan kung may gusto kayong iparating. Huwag na ho kayo mag-drama ng pa-hostage hostage, hindi ho tayo ganito rito.” | via The Philippine Star

10/08/2026

Naghain si Sen. Bam Aquino ng Senate Bill No. 2386, o proposed National Disability Support Act, na naglalayong magbigay ng ₱2,000 buwanang allowance sa mga kwalipikadong Persons with Disabilities (PWDs) sa buong bansa.

Sa ilalim ng panukala, ipatutupad ang National Disability Support Allowance Program upang makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng mga PWD, kabilang ang transportasyon, healthcare, assistive devices at iba pang personal na pangangailangan.

Ayon kay Aquino, layunin ng allowance na madagdagan ang suporta sa mga PWD at mabigyan sila ng mas malaking pagkakataong mamuhay nang mas independent, makapag-aral, makapagtrabaho at aktibong makilahok sa lipunan.

Nakapaloob din sa panukala ang posibilidad ng regular na adjustment sa halaga ng allowance batay sa inflation upang mapanatili ang halaga nito sa paglipas ng panahon.

Photos from Vibe ch3k PH.'s post 06/08/2026

'PINANGAKUAN KAMI NI ATTY. BALIGOD NG MALALAKING HALAGA PAG NAGING MATAGUMPAY ANG SCAM NA ITO'

BASAHIN: Pagbawi ni Rosebert Macasasa Waupan, isa sa 18 'Maleta Boys' sa naunang sinumpaang salaysay na umano'y naghatid sila ng mga maleta ng pera kina Pangulong Bongbong Marcos, dating House Speaker Martin Romualdez at iba pang personalidad.

📸: Jesus Falcis / X

06/08/2026

LALAKI, BINARIL ANG KAPITBAHAY DAHIL SA PAULIT-ULIT NA PANGHIHINGI NG "BALATO"

Isang 33-anyos na lalaki ang nasugatan matapos umanong barilin ng kanyang 29-anyos na kapitbahay sa Cebu City dahil sa madalas nitong panghihingi ng "balato" matapos manalo ang suspek ng ₱500 sa isang online scatter game. Ayon sa imbestigasyon, sinabi ng suspek na hindi na niya napigilan ang kanyang galit dahil sa paulit-ulit na panghihingi ng biktima. Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at haharap sa kasong frustrated homicide, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

04/08/2026

Consumers are set to pay higher renewable energy (RE) charges this month following the Energy Regulatory Commission (ERC)’s approval of an increase in the feed-in tariff allowance (FIT-All)

03/08/2026

Pinayagan ng ERC ang Meralco na singilin sa mga konsyumer ang P8.71 bilyong halaga ng under recoveries o kulang na nasingil sa generation, transmission at government charges mula 2011 hanggang 2022.

Papatak lang ang dagdag-singil sa P0.08/kwh dahil tatlong taon babawiin ang nasabing charges.

Kung ibabangga sa naunang utos ng ERC na P9.51 bilyong refund sa loob ng anim na buwan, lalamang pa rin ang refund sa mga konsyumer.

02/08/2026

BREAKING: MERALCO is directed by the Energy Regulatory Commission (ERC) to refund P9,506,566,556 or an equivalent average refund rate for all customer classes in the amount of P0.3448/kWh.

"The refund scheme and implementation period shall be within six months or until such time that the amount of over recovery shall have been fully refunded to its customers," according to ERC.

01/08/2026

MERALCO, NANGANGAMBANG MALUGI SA PAG-AALIS NG SYSTEM LOSS CHARGE

July 30- Hinimok ng Meralco ang mga mambabatas na pag-aralang mabuti ang posibleng epekto ng pag-aalis ng system loss charge sa mga singil sa kuryente, dahil maaari umano itong makaapekto sa operasyon at pamumuhunan ng mga distribution utility (DU).

Iginiit ng kumpanya na may mga teknikal na pagkawala ng kuryente na hindi maiiwasan sa proseso ng distribusyon, kahit pa patuloy silang nagmo-modernisa ng kanilang sistema.

Nagpahayag ng pangamba si Manila Electric Company (Meralco) Chairman at CEO Manuel V. Pangilinan nitong Miyerkules kung sino ang sasagot sa gastos kung aalisin ang system loss charges sa mga bayarin sa kuryente ng mga consumer.

Sinabi ng Energy Regulatory Commission (ERC) na kung aalisin ang system loss charge sa bayarin ng mga konsyumer, nasa Kongreso ang pagpapasya kung sino ang sasagot sa naturang gastos. Ayon sa ERC, mahalagang matukoy kung saan manggagaling ang pondong sasalo sa naturang singil upang mapanatili ang maayos at maaasahang serbisyo sa kuryente.

Samantala, nanawagan si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa mga power distribution utility na agad sundin ang direktiba ni Pangulo na ihinto ang paniningil ng system loss charge sa mga konsyumer.

Ayon kay Diokno, hindi na dapat hintayin pa ng mga kumpanya ng kuryente ang pagpasa ng Kongreso sa kinakailangang batas bago ipatupad ang utos ng Pangulo.

31/07/2026

Hinamon ng National Association of Electricity Consumers for Reforms na mag-audit ang Meralco para mapatunayan na sila ay malulugi o kikita sakaling sila na ang sasalo ng system loss charge. | via TV Patrol

Want your business to be the top-listed Media Company in Tanay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address

Tanay