VAL Files

VAL Files

Share

One city. Dozens of untold stories. And now, we're opening the FILES.

17/08/2026

๐Ÿšจ FACE-TO-FACE CLASSES IN VALENZUELA CITY, SUSPENDIDO PARA BUKAS, AUGUST 18, 2026. ALL LEVELS

13/08/2026

๐Ÿšจ FACE-TO-FACE CLASSES IN VALENZUELA CITY, AUTOMATICALLY SUSPENDED

Ipinag-utos ang awtomatikong suspensiyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pribado) sa Lungsod ng Valenzuela ngayong araw, Agosto 14, 2026.

Ito ay matapos itaas ng PAGASA ang ๐ŸŸก Yellow Rainfall Warning sa Metro Manila dulot ng patuloy na pag-ulan mula sa Habagat.

Photos from WES Gatchalian's post 27/07/2026

๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ% ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ% ๐——๐—ฟ๐˜‚๐—ด-๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜‡๐˜‚๐—ฒ๐—น๐—ฎ!

Nitong Biyernes, iniharap sa atin ng ating kapulisan ang isang malaking drug pusher na naaresto matapos makumpiskahan ng mahigit โ‚ฑ1 milyon halaga ng ilegal na droga.

Ang nakakabahala pa dito, hindi taga-Valenzuela ang suspek. Dito pa niya piniling isagawa ang kanyang ilegal na gawain.

Malinaw ang ating mensahe: Walang puwang ang droga sa Valenzuela.

Maraming salamat sa mabilis at mahusay na pagkilos ng ating kapulisan. Patunay ito na seryoso tayo sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng ating lungsod.

Mas paiigtingin pa natin ang kampanya laban sa ilegal na droga. Kasama ang ating mga barangay officials, kailangan natin magjng bantay sarado sa bawat komunidad upang maagap na matukoy at matigil ang mga bentahan ng illegal na drugs.

Nakikiusap din ako sa bawat Valenzuelano: maging mapagmatyag. Kung may kahina-hinalang aktibidad sa inyong lugar, agad itong ipagbigay-alam sa ating mga awtoridad.

Sa pagkakaisa ng pamahalaan, kapulisan, mga barangay, at bawat mamamayan, makakamit natin ang ating layuninโ€”isang 100% Drug-Free Valenzuela.

Photos from WES Gatchalian's post 12/07/2026
Photos from Valenzuela City's post 12/07/2026
11/07/2026

Congratulations, Mayor WES Gatchalian!

Excellence in governance deserves to be celebrated๐ŸŽ‰

Congratulations to Mayor WES Gatchalian for earning not one, but TWO major recognitionsโ€”being named a 2025 Good Financial Housekeeping Passer and a 2025 SDG ACES Awardee.

These honors reflect a leadership rooted in transparency, accountability, and a steadfast commitment to sustainable development. They are proof that genuine public service and responsible governance lead to real, lasting progress. Thank you for leading Valenzuela with integrit and a vision for sustainable progress. Your dedication continues to bring pride and honor to every Valenzuelano. ๐Ÿ’™

10/07/2026

Mula sa opisyal na direktiba ni Mayor WES Gatchalian, suspendidong muli ang klase sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa Lungsod ng Valenzuela, ngayong araw ng Sabado, July 11, 2026. Ito'y dahil sa masamang panahon na patuloy na nararanasan dulot ng Habagat at Bagyong .

Manatiling updated.
Stay safe and dry, Valenzuelanos!

10/07/2026

Sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian, pormal nang nai-turnover ang pitong bagong ambulances, dalawang siltation trucks, at isang disaster response truck para sa Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO).

Bahagi ito ng pagpapainting sa kahandaan ng lungsod sa mga disaster emergency at paghahanda upang mapabilis ang responde tuwing may sakuna.

Pinangunahan ni Mayor Wes Gatchalian ang pormal na blessing at turnover ng pitong bagong ambulances, dalawang siltation trucks, at isang disaster response truck para sa Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO).

Ang pagdaragdag ng mga makabagong sasakyang ito ay nakatutok sa pagpapalakas ng disaster preparedness ng lungsod. Ang mga ambulansya ay magpapabilis sa pagbibigay ng emergency medical assistance, habang ang mga siltation trucks at disaster response truck ay mahalagang gagamitin para sa epektibong flood control at mas mabilis na rescue operations.

Kasabay nito, binigyang-pugay din ni Mayor Gatchalian ang 25 responders na nagtapos sa kanilang Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) mission sa Mindanao matapos ang lindol doon.

Photos from VAL Files 's post 03/07/2026

Pamaskong handog para kina Lolo at Lola sa Valenzuela City, magsisimula na ulit!

Mas maagang hatid ang diwa ng Pasko para sa libu-libong senior citizens sa Valenzuela City.

Bahagi ito ng taunang programa ng lungsod bilang pagkilala at pasasalamat sa mga nakatatanda na naging bahagi ng paghubog ng komunidad. Sa pamamagitan ng pamaskong handog, hangad ng lokal na pamahalaan na makapaghatid ng kaunting ginhawa at dagdag na saya sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ng bawat pamilyang Valenzuelano.

Patuloy namang hinihikayat ang mga benepisyaryo na sundin ang itinakdang iskedyul at venue ng distribusyon upang maging maayos at mabilis ang pagtanggap ng kanilang Pamaskong Handog.

Want your business to be the top-listed Media Company in Valenzuela?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Valenzuela
1440