RicRod-PH
RICROD-PH
OFW & Filipino Information Hub
Founded by Ric Rodriguez
Content Creator • Construction Manager • Mentor
09/25/2026
REMINDER TO ALL WINNERS THIS SEPTEMBER 25's LIVESTREAM ❤
🚨 LIVESTREAM WINNERS — IMPORTANT! 🚨
Prize claiming is ONLY until Monday, 10:00 PM.
⏰ Deadline: Monday | 10:00 PM
Claims submitted after the deadline will result in prize forfeiture.
Please register your prize claim on time! Thank you!
Check this post for claiming prize and winners list:
https://www.facebook.com/share/p/19CPGtgY4a/
09/25/2026
Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pakiki-vibe! Binabati rin namin ang lahat ng participants-kayo ang nagbigay-buhay sa ating live!
Abangan ang next live ng RICRODPH sa YouTube at Facebook para sa mas malalaking surprises!
👉 I-post na ang inyong best moments gamit ang ating hashtags!
📌 CLAIM YOUR PRIZE HERE: https://forms.gle/nUxU5SoR6GAnL2in8
Tara na at maki-enjoy, matuto, at magkaroon ng chance manalo sa RICROD LIVESTREAM!
Habang nanonood, may learnings ka na, may pagkakataon ka pang manalo ng exciting prizes
Don’t miss our fun and interactive games:
Hard Q&A: 1 winner (₱300)
RicRod Facts: 3 winners (₱100)
Bingo BLACKOUT: 1 winner (₱500) – Jackpot ₱800
Top Fan Rewards: 3 winners (₱100 / ₱200 / ₱300)
Kaya ano pang hinihintay mo? Manood, makisaya, at baka ikaw na ang susunod na lucky winner!
09/25/2026
SEE YOU LATER!
After last week’s rescheduling, we’re finally going LIVE today!
Join us later for another fun and exciting RICROD-PH livestream. We’re excited to see you all again and spend time with our RICROD-PH community.
Mark your time, invite your friends, and don’t miss the LIVE!
See you later!
OFW CONTRACT VERIFICATION 2026 | Paano Malaman Kung Legit ang Employer Mo Bago Umalis
Disclaimer:
RICROD-PH is not affiliated with any agency or organization. All information shared is for educational purposes only and has been verified to the best of our knowledge. Viewers are encouraged to do their own research and verify details before making any decisions.
Alamin ang LEAP-OFWs Program para sa mga OFW na gustong bumalik sa pag-aaral! 🎓✈️
Dito malalaman natin kung paano tinutulungan ng OWWA at CHED ang mga eligible OFW na matapos ang kanilang degree, at kung paano pinapahalagahan ng ETEEAP ang work experience, trainings, at certifications bilang academic credits. I-cocover din natin kung bakit hindi na kailangang simulan ulit mula freshman kahit matagal kang huminto sa pag-aaral!
Panoorin hanggang dulo para malaman kung paano mas mapapaikli ang panahon para makuha ang diploma na dati mong ipinagpaliban!
📌 Para sa mas detailed pa na explanation, just check the comment section below!
09/22/2026
𝐀𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐃𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐈𝐃 𝐓𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐭𝐡𝐞 𝐞𝐆𝐨𝐯𝐏𝐇 𝐀𝐩𝐩
Ka-RICROD, alam mo ba na hindi na kailangan hawakan-hawakan pa 'yong physical National ID mo para lang ma-verify sa transactions?
Sa eGovPH App, andiyan na 'yong Digital National ID mo — valid proof of identity na accessible mo anytime, anywhere. Same validity din ito sa physical card, so hindi mo kailangan mag-alala.
Ganito ang steps para ma-access ito: https://e.gov.ph/
👉 I-download at i-install ang eGovPH App sa iyong mobile device.
👉 Mag-sign in sa existing eGovPH account mo, o mag-register kung wala ka pa nito.
👉 Piliin ang National ID icon sa home screen ng app.
👉 Kumpletuhin ang identity verification process.
✔ Once verified, ready na ma-view at ma-present ang Digital National ID mo kung saan man kailangan ng valid ID.
Practical na practical ito, ka-RICROD — lalo na kung malayo ka sa bahay o abroad, hindi ka mahihirapan mag-present ng valid ID kung kailangan mo ito sa mga transactions.
(Disclaimer: Basahin at sundin ang official guidelines mula sa PSA at eGovPH para sa buong detalye ng registration at verification process.)
09/20/2026
PRESYO NG PH PASSPORT, POSIBLENG TUMAAS
May balita ito para sa mga OFW at future travelers — dapat ninyo 'tong malaman bago mag-apply o mag-renew.
Posibleng tumaas ang standard fee ng Philippine passport mula sa kasalukuyang ₱950, batay sa napag-usapan sa budget briefing ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Senado.
Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Sen. JV Ejercito, may natanggap siyang sulat mula sa kumpanyang gumagawa ng Philippine passport, na humihiling na itaas ang fee sa ₱1,500 sa susunod na taon — dahil umano hindi na ito kaya sa kasalukuyang presyo.
Gayunman, sinabi ng DFA na nakiusap sila sa kumpanya na ipagpaliban muna ang pagtaas ng presyo, lalo't may ilulunsad na next-generation passport ang bansa sa 2028.
Bakit hindi basta-basta pwedeng magtaas? May batas — ang Philippine Passport Act — na nagbabawal sa pagtaas ng presyo ng passport within three years. Kaya kinukonsidera ng DFA kung paano ito babalansehin kasabay ng paglulunsad ng bagong henerasyong passport.
₱35.17 bilyon ang proposed budget ng DFA para sa 2027 — at kasama dito ang paghahanda para sa next-generation passport na may pinahusay na security features, target launch sa gitna ng 2028.
Isyu rin sa e-Gates: May mga naiulat na insidente kung saan hindi nababasa ang passport sa e-Gates, na nagresulta sa mahabang pila sa mga airport. Nilinaw ng DFA na hindi naman ang passport mismo ang may depekto — ang machine o reader umano ang may problema. Nakipag-ugnayan na rin sila sa NAIA at Bureau of Immigration, at nagtatag ng technical working group para tugunan ito.
📌 Disclaimer: Ang post na ito ay para sa layuning pang-edukasyon lamang. Para sa opisyal at pinaka-updated na impormasyon, direktang makipag-ugnayan sa DFA.
Source: GMA news
09/18/2026
Australia Job Opportunities 2026: Update para sa Fabricator, Welder, at Heavy Duty Mechanic Roles
May bagong job orders na lumabas para sa mga skilled Filipino workers na interesado sa Australia, partikular sa mga posibleng posisyon bilang Fabricator, Welder, at Heavy Duty Mechanic sa ilalim ng isang accredited employer. Kasama sa dapat malaman ng mga interesadong applicant ang mga pangkalahatang qualifications, ang legal na proseso ng application sa opisyal na platform, at mahahalagang paalala para maiwasan ang mga hindi awtorisadong ahente o mga humihingi ng bayad bago pa man ang proper hiring process.
Disclaimer:
RICROD-PH is not affiliated with any agency or organization. All information shared is for educational purposes only and has been verified to the best of our knowledge. Viewers are encouraged to do their own research and verify details before making any decisions.
📌 Alamin ang mga updates at buong guide just check the comment section below.
Click here to claim your Sponsored Listing.