Bullet
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bullet, Camera/Photo, Toronto, ON.
09/15/2026
Maraming Salamat sa Isang Pusong Nagkaisa. ๐คโค๏ธ
Sa gitna ng matinding pagbaha, nakita natin kung gaano kalakas ang isang komunidad kapag nagkakaisa. Mula sa simpleng pagbibigay, paghahanda ng pagkain at relief packs, hanggang sa pagtawid sa baha upang maihatid ang tulongโbawat maliit na ambag ay naging malaking bagay para sa mga nangangailangan.
Maraming salamat sa lahat ng nagbigay, tumulong, naglaan ng oras, sumama, at nagtiwala sa aming munting pagkilos. Hindi naging madali ang lahat, ngunit dahil sa sama-samang malasakit at bayanihan, mas marami tayong naabot at natulungan.
Ang baha ay maaaring lumipas, ngunit ang kabutihan at pagkakaisa na ipinakita natin ay mananatili.
Maraming salamat sa inyong lahat. Sama-sama, mas kaya nating tumulong. โค๏ธ๐ต๐ญ
09/14/2026
Napakamot si Boss JC
Deta pung bisa pang Anti lepto panulu pm kayumu kang John Joe Lorenzo Basilio at Joseph Monru Silvestre dakal kepa stock
LAMBINGAN SA COURT
09/11/2026
'Di na importante kung konti lang ang kaibigan mo, Ang importante ay tunay at mauutangan!๐ค
Sa tulong po ng Programa ng Jesus is Lord Church Sto. Tomas at I Care Program, nakapamahagi po tayo ng 350+ cups of Champorado.
Ang pagbabalik!
Maraming salamat po, RHU San Simon headed by Dr. Joey Rae Carlos for donating essential medicines for flood crisis.
Konting tulong para sa mga kababayan nating biktima ng habagat.
Maraming salamat po, Gary and Kristel Flores sa inyong donasyon!
300pcs of juice and buiscuits ang ating napamahagi!
No copyright infringement. Songs belong to the rightful owners.
Kamusta kayu pu?
Mimingat tamu pu!
08/26/2026
๐ก๐บ๐๐บ๐๐๐๐บ๐ ๐ฏ๐บ๐๐บ ๐๐บ ๐๐๐บ ๐ญ๐บ๐๐บ๐
๐บ๐๐๐บ!
Sa loob ng mahigit dalawang linggong pagtutulungan, malasakit, at bayanihan na ating isinagawa upang makalikom ng pondo para sa mga kababayan nating nasalanta ng pagbaha. Na nagsimula lamang sa munting pamamasada ng bangka upang makalikom ng pera. Sa bawat ambagโmaliit man o malakiโnabuo ang isang malaking tulong para sa mga nangangailangan.
Ang transparency report na ito ay aming ibinabahagi bilang pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng suporta at bilang pagpapakita ng katapatan at pananagutan sa bawat donasyong ipinagkatiwala sa atin.
Hindi lamang ito tungkol sa halaga ng nalikom, kundi tungkol sa maraming pusong nagkaisa upang tumulong. Maraming salamat sa bawat donor, volunteer, at kababayan na naging bahagi ng pagkilos na ito.
Dahil sa mga donasyon pong ito. Nakapagluto po tayo ng mahigit kumulang sa 1800+ cups of hot meals na ating naipamahagi sa mga kababayan nating nasalanta ng pagbaha.
Nakapamahagi din po tayo ng 300+ of juice and Biscuits.
At higit sa lahat po ay nakapamahagi po tayo ng 200+ of relief goods.
Hindi rin po lingid na kumukuha rin po kami sa pondo ng aming ginagamit upang makapagbigay ng serbisyo tulad ng pamasahe, tangke ng gas at miryenda ng grupo.
Sa ngayon po ay mayroon parin po kaming pondong hawak. Kasalukuyan po kaming nagpapahinga dahil ang ilan sa miyembro ng grupo ay nilalagnat at ang iba naman ay iniinda ang kanilang mga alipunga.
Sa panahon ng sakuna, bayanihan ang ating lakas.
Abe-abe, sawup sawup! ๐คโค๏ธ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Toronto, ON
2020