Edgar Calabia Samar
Pagbabasa. Pagsusulat. Mapagpalayang Edukasyon at Paggawa. Pagkatha ng Mundong Higit sa Naririto.
20/09/2026
May mga nobelang iniwan natin dahil ayaw na talaga nating isulat. May iba namang hindi natin iniwan. Hindi lang natin alam kung paano babalikan.
Ilang taon na akong nagtuturo, sumusulat, nagrerebisa, tumitigil, at muling bumabalik sa mga nobela bago ko napansing baka mali ang tanong na “Paano labanan ang writer’s block?”
Baka ang mas mahalagang itanong: Ano talaga ang pumipigil sa akin ngayon?
Sa susunod na mga linggo, unti-unti kong ipapakita ang librong ginawa ko para sa tanong na iyon.
Kung gusto mong maunang makakita at makatanggap ng unang preorder invitation sa Oktubre, i-DM lang ang iyong e-mail address para makasama sa mailing list ng Silid Santinakpan.
May mga guhit ni 𝐌𝐚𝐜 𝐞𝐩𝐚𝐫𝐰𝐚
20/09/2026
May distansiyang nakatutulong sa pagsusulat. Pero hindi passport ang kondisyon ng magandang setting. Puwedeng mas maraming hindi mo pa napapansin sa limang minutong lakad mula sa bahay kaysa sa tatlong araw na bakasyon sa lugar na minsan mo lang nakita.
20/09/2026
Matatanda na pala ang mga ito? Chs haha suportahan n’yo ang mga ginagawa ng Packing Sheets! ❤️🪴
19/09/2026
Ang una kong naisip paggising:
Isang bansang hindi mapatahimik ang nabuo sa limang nobelang binili ko mula sa UP Press: sa Bikol, hinahanap ang katotohanan sa lupang tinabunan ng pagkawala; sa Maynila, pribilehiyo at relihiyon ang nakikipagsabwatan sa kapangyarihan; sa guho ng digmaan, muling binubuo ang sarili; sa sobrenatural, pati aswang ay ginagawang industriya; sa arkipelago, magkakabit ang mga pulong wari’y magkakahiwalay. Ito siguro ang hinahanap ko ngayon sa nobela: hindi Pilipinas bilang larawan, kundi bilang problemang patuloy na gumagawa ng ibang paraan para muli’t muling mabasa ang sarili.
Part 4/7 ito ng aking . Pagbati muli kina Niles Jordan D. Breis Raissa Falgui Al Vin Jang Jang
19/09/2026
Minsan, ang mahalagang tanong sa isang kuwento ay kung ano ang kinailangan para makarating ito sa atin. Kapag sinundan mo iyon, lumilitaw ang mga tao at taon, ang mga lugar at paggawa, na karaniwang nawawala sa pahina.
19/09/2026
❤️🪴
Nais pasalamatan ng Likhaan: UP Institute of Creative Writing si Dr. Galileo S. Zafra sa pagtatapos na kaniyang termino bilang direktor ng University of the Philippines Press.
Taos-puso ang aming pasasalamat kay Dr. Galileo S. Zafra sa kaniyang pagsisilbi at pangunguna sa UP Press at sa kaniyang ‘di matatawarang papel sa pagsulong ng malikhaing pagsulat at panitikang Filipino.
Si Doc Leo ang isa sa mga pinakamahalagang naging katuwang na Likhaan sa mga proyekto nito at publikasyon. Sa kaniyang pangunguna sa UP Press, nailathala ang mga aklat sa iba’t ibang iterasyon ng Philippine Writers Series at Philippine Translators Series. Walang sawa rin ang kaniyang naging suporta sa mga fellow, manunulat, at kawani ng aming tanggapan.
Padayon, Dr. Zafra, at mabuhay ang UP Press!
19/09/2026
May mga taong wala na sa tabi natin pero nahuhuli pa rin natin ang sarili nating gumagawa ng desisyong parang kasama sila. Baka kaya may mga larong mahirap tigilan: may ilang tuntunin doon na saka lamang natin nauunawaan kapag hindi na laro ang kapalit.
18/09/2026
Ang una kong naisip paggising:
May taong hindi mo agad hinahanap kapag matagal hindi sumagot dahil kilala mo na ang ugali niya. Babalik din iyan. Ang hindi natin napapansin: hindi lamang pagkawala ang nakasasanayan natin. Nasasanay din tayo sa pagbalik.
Ito ang iniisip ko sa Sa Kasunod ng 909, at sa pagsusulat ng repetition sa pangkalahatan. Kapag may paulit-ulit na pangyayari, tinuturuan ng akda ang mambabasa na umasa sa isang kasunod. Kaya minsan, ang pinakamahalagang pagbabago ay hindi bagong pangyayari. Ito ang dating laging nangyayari na biglang hindi na nangyari.
18/09/2026
Actually, may gumawa ng rendition niya nito at uploaded sa Youtube! Nasa comment ang link! ❤️🪴
18/09/2026
SALAYSAY
Sumilong tayo sa saradong tindahan.
Iyon ang ikinuwento ko.
Hindi kung sino ang unang nakapansin
na matagal nang tumila.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Ubud
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Edgar Calabia Samar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.