Lisa Ermita
The Official page of ๐ ๐๐ฌ๐ข๐ฅ ๐๐๐ฆ๐ ๐๐ฅ๐ ๐๐ง๐-๐๐๐๐
Sa ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, UNA ang ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ โฅ๏ธ๐ซฐ๐
#team๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
#๐๐๐ding๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ 4, ๐ฆ๐๐ข๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ฉ๐๐ซ๐๐ง ๐ง๐!
Isa na namang mahalagang tagumpay para sa ating bayan! Buong kagalakan kong ibinabalita ang pagsisimula ng pagpapatayo ng ating Tulay sa Barangay 4.
Ang proyektong ito ay tugon sa matagal na nating hangarin na magkaroon ng mas maayos at ligtas na tulay para sa ating mga residente. Sa pamamagitan ng bagong tulay na ito, mas mapapadali ang transportasyon at paggalaw ng ating mga kababayan sa Barangay 4, habang tinitiyak ang kanilang seguridad sa bawat pagtawid.
Ramdam ko ang kasiyahan dahil ang proyektong ito ay direktang makatutulong sa kaayusan ng trapiko, kaligtasan sa panahon ng tag-ulan, at pangkalahatang kaginhawaan ng ating mamamayan.
Bilang inyong Punong Bayan, mananatili tayong nakatutok sa mga proyektong may tunay at direktang pakinabang sa buhay ng bawat mamamayan. Maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng pagsasakatuparan nito. Samahan niyo po ako sa patuloy na pagtataguyod ng mga proyektong magpapatatag at magpapaliwanag sa ating bayan!
#๐๐๐๐ข๐ก๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก โค๏ธ๐ซฐ๐
๐
02/09/2026
๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐ฐ๐๐ง, ๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ
Sa unang larawan, makikita ang aking ama, si Retired General Ermita, hindi lamang bilang isang heneral, kundi bilang isang lingkod-bayan na marunong makinig, makisama at makitungo nang may malasakit sa bawat mamamayan. Sa mahabang panahon ng kanyang paglilingkod, pinili niyang manatiling tapat sa kanyang tungkulin at malapit sa mga taong kanyang pinagsisilbihan.
Sa ikalawang larawan naman, ako ang inyong nakikita. Isang simpleng sandali, ngunit paalala sa akin kung bakit mahalaga ang bawat pagkakataong makasama at makapaglingkod sa ating mga kababayan.
Magkaiba man ang panahon at pagkakataon, iisa ang ipinapaalala sa akin ng dalawang larawang ito: ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa posisyon, kundi sa pusong handang maglingkod.
Ito ang legasiyang nais kong ipagpatuloy. Ang iniwan sa akin ng aking ama na si General Ermita ay hindi lamang pangalan, kundi isang halimbawa ng pagiging mabuti, tapat at makataong lingkod-bayan.
Hangad kong sa bawat serbisyong naihahatid natin, maramdaman ng bawat Balayeรฑo na ang kanilang pamahalaan ay nandiyan, nakikinig at handang tumulong.
Para sa aking Papa, at para sa ating mga kababayan, ipagpapatuloy ko ang serbisyong may puso, malasakit, at integridad.
Napakalaking kagalakan para sa akin na makita ang matagumpay na pagsisimula ng ating ๐๐จ๐ฅ๐๐ซ ๐๐ญ๐ซ๐๐๐ญ ๐๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ๐ฌ sa 11 barangay ng ating bayanโBarangay 2, Carenahan, Cayponce, Dao, Lanatan, Munting Tubig, Magabe, Navotas, Palikpikan, Sampaga, at Santol.
Matagal na nating ninanais na magkaroon ng mas maayos na ilaw sa ating mga kalsada at mga lugar na madalas daanan ng ating mga kababayan. Kaya naman napakasaya para sa akin na sa wakas ay nasimulan na natin ang proyektong ito.
Ramdam ko ang saya at excitement dahil alam kong hindi na lamang ito isang plano. Nagsimula na itong maging realidad. Bawat ilaw na mailalagay natin ay dagdag na liwanag sa ating mga barangay, at higit sa lahat, makatutulong upang maging mas ligtas at mas maaliwalas ang paglalakad at paglalakbay ng ating mga kababayan, lalo na sa gabi.
Bilang inyong Punong Bayan, malaking kasiyahan para sa akin na makita ang isang proyekto na may direktang pakinabang sa ating mga mamamayan ay unti-unti nang maisasakatuparan. Para sa akin, bawat ilaw na ating itatayo ay simbolo rin ng ating patuloy na pagsisikap na gawing mas maayos, mas ligtas, at mas progresibo ang ating mga barangay.
Maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng pagsasakatuparan ng proyektong ito. Masaya ako dahil 11 barangay na ang sabay-sabay nating sisinagan ng bagong liwanag.
At ito ang patuloy nating gagawin, ang maghanap ng mga paraan, magsikap, at magsagawa ng mga proyektong tunay na makatutulong sa ating mga kababayan at sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.
#๐๐๐๐ข๐ก๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก โค๏ธ๐ซฐ๐
๐
29/08/2026
Isang malaking karangalan po para sa akin na pangunahan ang Ground Breaking Ceremony para sa concreting ng Farm to Market Road sa Brgy. Malalay.
Malaking tulong po ang proyektong ito para mas maging madali at maayos ang pagbiyahe ng ating mga kababayan, lalo na ang mga magsasaka na araw-araw na naghahatid ng kanilang mga produkto.
Masaya po ako na unti-unti nating naisasakatuparan ang mga proyektong matagal nang hinihintay ng ating mga kababayan. Isa na naman po itong hakbang tungo sa mas maunlad na agrikultura at mas magandang kinabukasan para sa buong komunidad ng Brgy. Malalay.
#๐๐๐๐ข๐ก๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก โค๏ธ๐ซฐ๐
๐
21/08/2026
Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Balayan, sa pangunguna ni Mayor Lisa Ermita-Abad, sa paggunita ng ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐๐๐ฒ para sa kanyang sakripisyo, tapang, at pagmamahal sa bayan.
Sa araw na ito, inaalala natin si Benigno โNinoyโ Aquino Jr., isang Pilipinong nag-alay ng kanyang buhay para sa paninindigan, kalayaan at demokrasya.
Ang paggunita sa Ninoy Aquino Day ay hindi lamang tungkol sa nakaraan. Paalala rin ito sa atin ngayon na ang mga kalayaan at karapatang tinatamasa natin ay may kasaysayan at may mga taong nagsakripisyo para rito.
Sa panahon ngayon na maraming pagsubok at pagkakaiba ng pananaw, mahalagang manatili tayong mapagmatyag, may respeto sa isaโt isa at may malasakit sa bayan. Sapagkat ang tunay na diwa ng kalayaan ay hindi lamang ang malayang makapagsalita, kundi ang pagkakaroon ng tapang na manindigan para sa tama at para sa kapwa.
Sa mga naiwan ni Ninoy at sa lahat ng pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa kanilang paninindigan, ang kanilang sakit ay hindi dapat malimutan.
Ngayong araw, ating alalahanin. Ating pahalagahan. At higit sa lahat, ating isabuhay ang mga aral ng kanyang sakripisyo para sa bayan.
#๐๐๐๐ข๐ก๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก โค๏ธ๐ซฐ๐
๐
20/08/2026
๐๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐๐น๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐, ๐๐ป๐ด๐ฟ. ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ผ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ ๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ๐๐๐ถ๐๐๐ฎ, ๐ฅ๐ ๐ ๐๐ง
Isang malaking karangalan para sa atin sa Balayan ang iyong tagumpay bilang bagong Registered Mechanical Engineer mula sa Batangas State University - Alangilan Campus nitong Agosto 2026.
Si Jayson, o mas kilala natin bilang "Bads," ay bahagi ng ating pamilya sa Munisipyo bilang Multimedia Staff sa ilalim ng Public and Media Relations Unit ng Office of the Municipal Mayor.
Nasaksihan ko ang kanyang sipag, dedikasyon, at husay sa pagtatrabaho, kaya't hindi nakapagtatakang narating niya ang tagumpay na ito.
Ipinagmamalaki ka namin, Bads! Nawa'y gamitin mo ang iyong lisensya upang lalong maglingkod at magbigay karangalan sa ating bayan.
Mabuhay ka, Engr. Bautista! ๐
18/08/2026
#๐ช๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ฆ๐ข๐ | AUGUST 19, 2026 (MIYERKULES)
Alinsunod sa rekomendasyon ng MDRRMC at pakikipag-ugnayan ni Mayor Lisa Ermita-Abad, kanselado ang lahat ng face-to-face classes bukas, August 19, 2026, (Miyerkules) sa Lahat ng Antas mula Pre-School hanggang College (pampubliko at pribado) sa Bayan ng Balayan dulot ng kasalukuyang masamang panahon o Habagat ayon sa forecast ng PAGASA.
Sa halip, ang mga paaralan ay inaatasang magpatupad ng Online/Modular Distance Learning.
Manatili po tayong ligtas at alerto. Ingat po mga kababayan!
#๐๐๐๐ข๐ก๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก โค๏ธ๐ซฐ๐
๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Batangas
Balayan