Ms Shay Vlog

Ms Shay Vlog

Share

Probinsyana living in Dinalungan, Aurora Province 🌊🌴
Sharing Tourism | Culture | Everyday Life in the heart of Dinalungan, Aurora

Photos from Ms Shay Vlog's post 22/09/2026

PAALALA SA LAHAT 📣🐷🐖
Mahalagang Abiso para sa ating mga kanabayan! Alinsunod sa Executive Order No. 40 Series of 2026 ng Pamahalaang Bayan ng Dinalungan, Aurora, ipinatutupad ang Temporary Ban sa pagpasok ng buhay na baboy, sariwa at frozen na karne ng baboy at iba pang pork products sa Bayan ng Dinalungan bilang hakbang upang makontrol at maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

🐖 Para sa kaligtasan ng ating mga alagang baboy at kabuhayan:

✅ Huwag magpasok o magdala ng baboy at pork products mula sa mga lugar na apektado ng ASF.

✅ Makipagtulungan sa mga itinalagang checkpoint at livestock monitoring personnel.

✅ Iwasang magbiyahe o maglipat ng mga alagang baboy nang walang kaukulang pahintulot.

✅ Agad na ipagbigay-alam sa kinauukulan kung may napansing pagkakasakit o biglaang pagkamatay ng mga baboy.
Ang ASF ay hindi sakit na naipapasa sa tao, ngunit maaari itong magdulot ng malaking pinsala sa industriya ng pag-aalaga ng baboy at kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Sama-sama nating protektahan ang ating mga alagang hayop, kabuhayan at buong komunidad. 🤝🐷

Para sa ligtas, maunlad at protektadong pamayanan.

21/09/2026

📣Attention Lahat ng Magsasaka at Maghahayupan
📍Dinalungan, Aurora

20/09/2026

Kalamansi with Sili & toyo na lang kulang.
Kain tayo

19/09/2026

Marami ang nagagalit kapag sinasabihan kong bawal pumasok o bawal tumambay malapit sa kulungan. Ang hindi nila naiintindihan, ang isang maling hakbang o dalang dumi sa sapatos ay puwedeng maging mitsa ng pagkalugi ng farm sa loob lang ng isang linggo. Ang biosecurity ay hindi kaartehan, ito ang proteksyon ng aming pangarap. 🧼🧠

Photos from Ms Shay Vlog's post 19/09/2026

CONGRATULATIONS👏 MERIN, MACLENARD DUSAYEN, RN August 2026 PH Nurses Licensure Examination

To God be all the Glory!

18/09/2026

Congratulations Rainer 👏👏
“Commit to the LORD whatever you do, and he will establish your plans.”
Proverbs 16:3

18/09/2026

🐷 PANAWAGAN sa Department of Agriculture - Philippines AT SA LAHAT NG KINAUUKULANG AHENSYA!
‎
‎KAILAN PO KAMI MAPAPANSIN?
‎
‎Sobrang taas na ng presyo ng feeds! Sobrang taas ng gastos sa gamot, vitamins, permits, kuryente, tubig at araw-araw na pag-aalaga.
‎
‎Pero ang presyo ng liveweight ng baboy?
‎❗ MABABA PA RIN!
‎
‎Ganito na lang po ba palagi?
‎Kami ang bumibili ng napakamahal na pakain, kami ang nag-aalaga, kami ang sumasagot sa panganib at pagkalugi—pero kapag ibebenta na ang baboy, kami pa rin ang kailangang tumanggap ng mababang presyo.
‎
‎PAANO PO KAMI MAKAKABAWI?
‎
‎Hindi biro ang puhunan ng isang small hog raiser. Ilang buwan naming inaalagaan ang mga baboy, araw-araw na trabaho at gastos, tapos sa huli ay baka malugi pa o halos wala nang maiuwi.
‎
‎📢 DA, SANA NAMAN PAKINGGAN NINYO ANG MGA HOG RAISERS!
‎
‎Kung patuloy na tumataas ang presyo ng feeds, DAPAT MAY MAKATARUNGAN DIN NA PRESYO ANG LIVEWEIGHT!
‎
‎Hindi kami humihingi ng sobra.
‎HINDI NAMIN HINIHINGI NA KUMITA NANG MALAKI.
‎
‎Ang hinihiling lang namin ay PRESYONG MAKATARUNGAN AT MAKAKABAWI SA PUHUNAN, para makapagpatuloy ang mga maliliit at backyard hog raisers.
‎
‎Dahil kung ganito palagi ang sitwasyon, UNTI-UNTI NANG MAWAWALA ANG MGA NAG-AALAGA NG BABOY.
‎
‎At kapag nangyari iyon, sino ang magsu-supply sa merkado?
‎
‎🐷 HOG RAISERS ARE ALSO FARMERS.
‎🐷 BIGYAN NAMAN NG HALAGA ANG AMING PAGOD AT PUHUNAN.
‎🐷 ITIGIL ANG PRESYONG LUGI!
‎🐷 IBALIK ANG MAKATARUNGANG PRESYO NG LIVEWEIGHT!
‎
‎📣 PAKI-SHARE PO. HAYAAN NATING MARINIG ANG BOSES NG MGA HOG RAISERS!
‎
‎

Want your business to be the top-listed Media Company in Baler?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Baler

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ms Shay Vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Baler.