Solid Bagumbayan
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Solid Bagumbayan, Public & Government Service, Bocaue.
Walang Hakot ng Basura
Kasalukuyan pong sarado ang transfer station. Iwasan po munang mag labas ng basura sa kalsada
31/08/2026
Mahalagang pabatid.
Dahil sa naranasang pagbaha noong sabado August 29,2026, dulot ng malakas na pag-ulan na dala ng habagat at marami pa rin sa ating mga paaralan ang nakalubog sa baha at kailangang linisin dahil sa mga putik na dala ng baha, ang iba naman ay naging evacuation center ng ating ibang kababayan na apektado ng habagat.
Sa direktiba ng ating Punongbayan, Mayor Jonjon Villanueva Jr at sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).
WALANG FACE TO FACE CLASSES SA LAHAT NG ANTAS NG MGA PRIBADO AT PAMPUBLIKONG PAARALAN bukas, SEPTEMBER 1, 2026 sa ating bayan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Ipapatupad ang ALTERNATIVE DELIVERY MODE OF LEARNING (ADM) upang ligtas na makapag-aral ang mga bata.
Maging alerto at mag-iingat po tayong lahat, Bocaueños.
31/08/2026
National Heroes Day
Isang dakilang pagpupugay at pag-alala sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at paglilingkod para sa ating bayan. Taos-pusong pasasalamat sa kanilang sakripisyo, na siyang nagbigay sa mga Pilipino ng kalayaan at marangal na pamumuhay na may dignidad.
Nananatiling buhay ang diwa ng kabayanihan sa bawat Pilipinong patuloy na tumutulong, naglilingkod, at ipinaglalaban ang tama, Isang paalala na ang kabayanihan ay hindi lamang pamana ng nakaraan, kundi isang tungkulin sa kasalukuyan.
Isang tawag ang tinugunan ng ating mga rescue personnels sa Abarientos Subd. Upang ilikas ang isang bedridden nating ka Barangay. Ligtas na po siya at inilipat sa Barangay Health Center.
29/08/2026
Kasalukuyang sitwasyon ng Kalsada sa ating barangay.
All roads Not passable to all types of vehicle.
Mag ingat po tayo at ipagdasal ang kaligtasan ng lahat
Lumikas na po ang mga gustong lumikas. Bukas po ang ating barangay Hall
29/08/2026
Pumapasok na ang tubig galing ilog sa ating Barangay.
P.Gomez St., A Bonifacio St, L Jaena St ay hindi passable sa light vehicle.
NIA ROAD still passable to all types of vehicle
Mag ingat po tayong lahat
29/08/2026
Kasalukuyang sitwasyon ng kalsada sa ating barangay
P.Gomez St. not passable to light vehicle lalo na sa may lugar ng 7th Day Adventist Church.
L.Jaena St. passable except to light vehicle malapit sa bahay ni Kap Marlon.
A Bonifacio at MH Del Pillar st ay passable sa lahat ng uri ng sasakyan.
Mag iingat po tayong lahat.
28/08/2026
COORDINATION UPDATE WITH CJSDM CDRRMO EOC AND BOCAUE MDRRMO EOC
As of 8:00PM / 28 AUGUST 2026
1)CSJDM Water level - Normal Level (Cadiz, Linawan Bridge)
2)Sitwasyon ng ulan - Ang CSJDM ay nakararanas mula 7PM hanggang ngayon ng Matinding pag ulan (Heavy Rains) na umabot sa 14.5mm sa kanilng Rainguage.
Bocaue River Water level as of 8:15PM - 11.30METERS
Maaring asahan ang matagal o mabagal na pag baba ng lebel ng tubig sa ilog ng Bocaue o posibleng pag taas pa ng lebel nito dahil sa inaasahan pag baba ng tubig ulan mula sa City of San Jose Del Monte sa loob ng 2 o 3 oras.
Pinapyuhan ang lahat na maging alerto.
Keep safe Bocaueños!
27/08/2026
Bagumbayan Child Development Center
McDonald’s Kiddie Tour 2026
Part 2/3
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Bocaue
3018