MENRO Angat
This is the Municipality Environment and Natural Resources Office (MENRO) official page.
08/07/2026
Ngayong National Disaster Resilience Month, oras na para maging mas mapanuri at handa!
READY KA NA BA? π€π Subukan nating i-check kung kumpleto ang iyong Emergency Go Bag!
Siguraduhing madaling mabitbit at naglalaman ito ng mga sumusunod para sa bawat miyembro ng pamilya:
π§ Tubig (inuming sapat sa loob ng 3 araw)
π₯« Pagkaing hindi agad napapanis (biskwit, de-lata, easy-open)
π First Aid Kit at mga personal na gamot
π¦ Flashlight, radio, at powerbank (may extra batteries)
π Mahahalagang dokumento (naka-plastic o waterproof)
πΆ Cash (barya at papel sakaling walang ATM)
π Extra na damit at personal hygiene kit (sabon, toothbrush, sanitary pads)
May Go Bag na ba kayo? Kung wala pa, i-save ang checklist na ito at simulan ang pag-aayos ng inyong emergency bag ngayon. Huwag nating hintayin ang susunod na sakuna bago tayo kumilos.
08/07/2026
Puno ng Pag-asa, Puno ng Kinabukasan!
Matagumpay na isinagawa ang Tree Planting Activity sa SEPAR Environmental Corporation sa Banaban, Angat Bulacan. Ito ay isinagawa sa inisyatiba ng nasabing Kompanya para sa kanilang adbokasiya sa malasakit sa kalikasan.
Kabilang ang tanggapan ng MENRO Angat sa pamumuno ni Engr. Eveliza J. De Guzman, katuwang ang mga Barangay Officials ng Banaban sa pangunguna ni Barangay Chairman Fernando Dela Torre, at ang mga masisipag na volunteers.
Ang bawat punla na itinanim ay simbolo ng ating malasakit sa kalikasan at pangako para sa mas luntian at mas ligtas na komunidad.
Sa pagkakaisa ng pamahalaan at mamamayan, tiyak na mas magiging matatag ang ating laban para sa sustainable environment at mas maliwanag na kinabukasan.
07/07/2026
07/07/2026
Training Orientation on WACS 2026
Ngayong July 7, 2026, ang Tanggapan ng Menro Angat na pinangungunahan ni Engr. Eva Julian De Guzman ay kasalukuyang isinasagawa ang Training Orientation para sa Waste Analysis and Characterization Study (WACS).
Ang programa ay dinaluhan ng mga Punong Baranggay, Kalihim at Kagawad sa Komiteng Pangkalikasan.
Ang seminar ay pinangungunahan ni Sir Mario Francisco F. Obispo, Kram Opsibo na nagbigay-diin sa kahalagahan ng tamang pagsusuri ng basura bilang batayan ng mas epektibong Solid Waste Management.
Layunin ng aktibidad na palalimin ang kaalaman ng mga kalahok sa tamang proseso ng Waste Segregation, pagbuo ng baseline data, at pagpapalakas ng community awareness tungo sa mas malinis at mas maayos na kapaligiran.
Sama-sama nating isulong ang adbokasiya ng RA 9003 para sa kalikasan at komunidad!
06/07/2026
Bayanihan para sa Kalikasan at Kalusugan!
Sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month at Nutrition Month, matagumpay nating naisagawa ang Joint Tree Planting Activity!
Sama-sama ang ibaβt ibang sektor ng komunidad upang ipakita na ang pagtatanim ng puno ay hindi lamang hakbang para sa kalikasan, kundi simbolo rin ng katatagan at malusog na pamumuhay.
Ang bawat punla ay pag-asa. Ang bawat pagtatanim ay pamana ng mas ligtas, mas luntian, at mas masustansyang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
01/05/2026
π πππ¬ π§π’ ππ’!
Are you ready? Join us for Kabataan para sa Kalikasan: A Youth Empowerment Webinar on Environmental Responsibility and Sustainability!
π
April 30, 2026 (Thursday)
β° 9:00 AM β 12:00 NN
π₯οΈ Microsoft Teams
Hurry up and sign up here!
bit.ly/KabataanParaSaKalikasan2026
bit.ly/KabataanParaSaKalikasan2026
bit.ly/KabataanParaSaKalikasan2026
06/04/2026
Hello, mga taga-Angat! Exciting news!
Permitting on Wheels is rolling into Marilao, Bulacan!
May mga tanong ba kayo tungkol sa environmental applications? O gusto niyo lang malaman ang aming mga serbisyo? Dito, makakakuha kayo ng sagot diretso mula sa mga eksperto.
Tara na sa gaganaping One Stop Shop at CEPA Caravan para sa hands on guidance at on site assistance.
π
April 14, 2026 (Martes), 9 AM β 5 PM
π Diamond Hall, New Marilao Municipal Hall, Brgy. Patubig
π
April 15, 2026 (Miyerkules), 9 AM β 5 PM
π Municipal Atrium, Brgy. Patubig
To confirm your attendance, kindly accomplish the form through this link:
https://bit.ly/POWConfirmationFormApril2026
https://bit.ly/POWConfirmationFormApril2026
Sama sama tayong kumilos para sa mas Luntian, malinis, at sustainable na kinabukasan. Kita kits, Taga Angat!
27/03/2026
Celebrating Earth Hour, 2026
Sumali sa milyun-milyong boses ngayong Earth Hour. Sama-sama tayong magbigay oras para sa Inang Kalikasan.
MARCH 28,2026
8:30 PM - 9:30 PM
21/03/2026
March 15, 2026
Barangay Santo Cristo , Angat, Bulacan
Matagumpay na nakapag sagawa ng IEC/SOBA TUNGKOL sa R.A 9003,
Binigyang diin sa nasabing aktibidad ang pagpapa akala na ISABUHAY NA ANG TAMANG PAMAMAHALA NG BASURA lalo na ang WASTE SEGREGATION.
Ipinaalala din na hindi na TATANGGAP ng mixed waste ang transfer station sa CENTRAL MRF .
Kayaβt tungkulin ng bawat mamamayan na pairalin ang disiplina sa tamang segregation upang makamit ang mas maayos at ligtas na kapaligiran.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Address
Angat
Bulacan
3012