Project BOTE
BOTE-Basurang kapaki-pakinabang, Obligasyon ng bawat mamamayan, Tulong na koleksyon para sa Edukasyon
09/06/2026
Magandang araw po sa ating lahat.
Noong Mayo 22, 2026, nadala na po natin sa junkshop ang unang batch ng mga naipong recyclable na kalakal. Dahil nasa trial phase pa lamang po ang proyektong ito, wala pa po tayong tiyak na ideya kung magkano ang maaaring malikom mula rito.
Narito po ang naging kabuuang resulta:
81 kilo ng plastic bottles at iba pang plastik × ₱8.00 = ₱648.00
19.75 kilo ng lata × ₱6.00 = ₱118.50
2 kilo ng green bottles × ₱2.00 = ₱4.00
Kabuuang nalikom: ₱770.50
Ang halagang ito ay naiabot na po sa SPTA. Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa po kung ipagpapatuloy ang proyekto sa kasalukuyang pamamaraan o kung may iba pang mas epektibong paraan.
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nagbahagi para sa gawaing ito.
07/06/2026
Thank you po Analyn Perez and JayCell Quiballo Suarez 😊
11/05/2026
Maraming Salamat po Zhai Miras 😊
Bakit nga ba nabuo ang Project BOTE?
Pwede namang direktang mag-donate ng anumang makakayanang halaga para sa edukasyon. Ngunit kung mas lalaliman natin ang pagtingin dito, makikita natin na hindi lamang ito simpleng pangangalap ng pondo. Isa itong paraan upang mapalakas ang kooperasyon ng komunidad sa iisang layunin. At ito ay ang makatulong sa edukasyon habang may malasakit din sa kalikasan.
Sa pamamagitan ng simpleng pag-iipon ng mga bote at recyclable materials, natututo tayong makibahagi sa isang makabuluhang gawain. Ang maliit na ambag ng bawat isa ay maaaring maging malaking tulong kapag pinagsama-sama.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit nabuo ang proyektong ito ay dahil walang partikular o nakalaang pondo para sa edukasyon pagdating sa pamahalaang barangay. Kaya bukod sa limitadong kakayahan, kinakailangan ding maghanap at mag-isip ng mga alternatibong paraan upang magkaroon ng pondong maaaring makatulong sa mga programang pang-edukasyon.
Sa huli, ang Project BOTE ay hindi lamang tungkol sa bote at mga kalakal. Ito ay tungkol sa pakikiisa, malasakit, at paghahanap ng simpleng paraan upang makagawa ng positibong pagbabago para sa komunidad higit lalo para sa Edukasyon at Kalikasan.
08/05/2026
Maraming Salamat po Jennifer Manuel 😊
06/05/2026
Maraming Salamat po Joana Marie Dela Cruz
05/05/2026
Maraming Salamat po Maica Mag-isa 😊
26/04/2026
Maraming salamat po Neriz Julian Bartolome 😊
26/04/2026
Maraming Salamat po Marianne Dayao 😊
20/04/2026
Thank you po Guila Julian 😊
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Malawak
Bustos
3007