The Forerunner - Student Publication

The Forerunner - Student Publication

Share

The Official Student Publication of Bulacan State University - Bustos Campus.

Photos from The Forerunner - Student Publication's post 24/09/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Sa kabila ng ipinatutupad na hybrid class modality sa Bulacan State University (BulSU)-Bustos Campus, nagsama-sama ang mga mag-aaral at lider-estudyante sa campus walkout nitong Lunes, Setyembre 21, 2026, bilang paggunita sa anibersaryo ng proklamasyon ng Martial Law sa Pilipinas sa ilalim ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Suot ang kulay itim bilang simbolo ng sakit at pait na naranasan ng mamamayang Pilipino noong Batas Militar, pinangunahan ni BulSU-Bustos Local Student Council (LSC) Governor Jenoy Mario Silvio ang kilos-protesta sa loob ng pamantasan. Sinundan ito ng pagbabahagi ng mga personal na mensahe at panawagan mula sa mga kinatawan ng ibaโ€™t ibang organisasyon sa kampus.

Isa sa mga estudyanteng nagtungo sa kampus noong araw na iyon si Edmond Santiago, Vice President ng Junior Organization of Business Students (JOBS), sa kabila ng nakatakdang online class.

โ€œ... Pinilit ko pa ring sumama sa campus walkout dahil gusto kong [malaya] kong masabi โ€˜yung mga gusto kong i-voice out about sa sinapit noong Martial Lawโ€ฆโ€ aniya.

Nagpahayag din siya ng panawagang panagutin ang mga dapat managot at pakinggan ng pamahalaan ang hinaing ng mga Pilipino.

โ€œ... Sana maging accountable na yung mga politiko. Sana pakinggan na nila yung mga [hinaing] nating mga iskolar ng bayan dahil ang gusto lang naman natin ay yung maayos na pamamahala,โ€ aniya. Dagdag pa nito,โ€œSa mga kapwa ko BulSUans, huwag na nating hayaang maulit yung nangyari noong panahon ng Martial Law, [kung saan] sobrang lala ng pang-aabuso sa human rights. Panahon na para marinig ng masang Pilipino at ng gobyerno yung boses nating lahat.โ€

Naging bahagi rin ng programa ang pagsisindi ng kandila at pag-aalay ng panalangin ng mga mag-aaral bilang pag-alala sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar, at bilang panawagan para sa katarungan at kapayapaan.

Kaugnay nito, nagsagawa rin ng campus walkout sa iba pang kampus ng BulSU kasabay ng isinagawang pagkilos sa Bustos Campus. | via Alexie David ๐Ÿ“ท: Earl Louise Villaseรฑor, THE FORERUNNER

Photo courtesy of Shanel Moreno

Photos from The Forerunner - Student Publication's post 23/09/2026

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | ๐—–๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜ ๐—ถ๐—ป ๐—›๐—œ๐—ฉ ๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ, ๐—ณ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ ๐˜๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฆ๐—จ-๐—•๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ๐˜€

Amid growing concerns over Human Immunodeficiency Virus (HIV) infections among young people, Bulacan State University (BulSU)โ€“Bustos Campus held an HIV awareness seminar and free testing for class officers on Monday, September 21, at the Activity Center. In partnership with Balai Pag-asa, Baliwag District Hospital, and the BulSUโ€“Bustos Campus Local Student Council (LSC), along with other student leaders.

Themed โ€œStrengthening Information, Nurturing Awareness, and Guidance on HIV,โ€ the seminar aimed to provide students with accurate information on sexually transmitted infections (STIs), HIV, and Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS), as well as prevention strategies and the importance of early testing.

Recent data from DOH Epidemiology Bureau (DOH-EB) showed a continued increase in newly diagnosed HIV cases in the Philippines during the first quarter of 2026, further highlighting the importance of accessible information, prevention, and testing.

In tackling prevention, Mr. Rio Peralta of Balai Pag-asa presented the A-B-C-D approach to HIV prevention: Aโ€”Abstinence, Bโ€”Being mutually faithful to one partner, Cโ€”Correct and consistent condom use, and Dโ€”Avoiding drugs and alcohol that may contribute to risky behavior. He also emphasized the importance of education and early detection in preventing the further spread of HIV.

As part of the discussion, the proper and consistent use of condoms was also emphasized as one way to reduce the risk of HIV and other STIs.

Judith Duhinog, class vice mayor and one of the attendees, emphasized the role of student representatives in raising HIV awareness and disseminating accurate information among their peers.

โ€œFor me, meron akong responsibility, at the same time [ay] maging spokesperson din para sa mga kaklase ko na nangangailangan din na magkaroon ng kaalaman. Base sa mga nalaman ko, syempre ako yung may katungkulan, ibabahagi ko rin sa iba kung ano yung nalaman ko or natutunan ko [sa seminar] bilang class officer sa room namin.โ€

She also underscored the importance of challenging HIV-related stigma, emphasizing that a personโ€™s HIV status does not define their identity or worth.

โ€œAng tingin ko sa taong may HIV [ay] normal person pa naman kahit yung iba na ang sinasabi ay โ€˜kadiri, nakakahawa, huwag mo silang didikitan.โ€™ For me, hindi sila ganoon. Ang HIV ay hindi nakakapag-identify kung ano ka,โ€ Duhinog stated, calling for a more accepting and informed perspective toward people living with HIV. | via Federica Gonzales, ๐Ÿ“ท: Juliane Maglanque, THE FORERUNNER

21/09/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | Bentriloquo
akda nina: Cian at Cesia

May ibaโ€™t-ibang anyo ng pisi,
may makapal, may manipis,
may mahaba, may maikli,
may matatag, at mabilis matagpis,
pero sa kabila ng pagkakaiba,
kaya nitong magpatahimik
ng isang bayan, lipunan,
maging isang bansa.

Sa likod ng makukulay at malalawak na ngiti,
Toneladang kasinungalingan ang pilit na itinatagoโ€™t ikinukubli,
Takot at pangambaโ€™y walang humpay na ibinubulong,
Sa magkabilang tainga, hanggang manikaโ€™y tuluyang malulong.

Ang susunod na akto sa entablado,
Eksaheradong sinasambit gamit ang naratibo,
Panganib na inuukit sa bawat tagpo,
At dugo sa larawan ay pinapadanak nang husto,
Upang manikaโ€™y matutong sumunod sa daloy,
Na malayo sa katotohanan at tunay na anyo.

Sapagkat ang pisi, kahit anong anyo, ang siyang humihila sa galaw,
ng manikang ilang dekada nang pinipilipit sa bawat hila ng daliri,
at itinatapon sa hukay ng kawalan kapag tumangging sumunod.

Nais ng bentriloquo ng manikang
hindi marunong kumawala,
hindi marunong magtanong,
at higit sa lahatโ€”
marunong lamang maging pipiโ€™t bulag.

"Unang akto: May Panganib,โ€
At ang mga tauhaโ€™y nanginig.

โ€œIkalawang akto: Para sa inyong kaligtasan,โ€
At ang laruaโ€™y pinatahimik.

โ€œIkatlong akto: Para sa kapakanan ng lahat,โ€
At ang katawaโ€™y muling hinila ng pisi.

Ganito binalot ng manipulasyon
ang tanghalan,
upang maging daan sa padalos-dalos na desisyon,
na para raw sa serbisyo sa tao,
ngunit nakakubli ang pakayโ€”
ang ibalot sa kanilang mga daliri,
upang malaro muli ang manika
sa kanilang magagarang tanghalan,
na itinayo mula sa pera ng taong-bayan.

Itago ang isang bahagi.
Palakihin ang isang panganib.
Ulitin ang isang kuwento,
hanggang ang tanong
ay mapalitan ng takot,
at pekeng pangambang kayang sumaloโ€™t magligtas
ng mga bentriloquong nakabarong at sรกya sa labas.

At kapag ang isip ay nabalot na ng takot,
ito ay nagmamadali.
Ang pagdududa ay napapalitan
ng pagsunod sa hinihila ng pisi.
Ang pagsusuri ay napapalitan
ng paniniwalang isinusubo ng tagapagsalita,
hanggang ang manikaโ€™y makalimot
na mayroon itong sariling mata, bibig,
at paniniwala.

Kaya sa kasaysayan,
may mga pahinang kailangang basahin
hindi lamang upang malaman
kung ano ang nangyari,
kundi upang maunawaan
kung paano tayo
maaaring paniwalain.

Gasgas na sa tainga ang salitang โ€œhuwag kalimutan,โ€
Subalit ang mga ugat kung bakit ito nangyari?
Nandito at buhay na buhay, nakaupo pa rin sa posisyonโ€”
Mga bentriloquong sanay magpalit ng mukha,
ngunit iisa ang kamay na humihila sa pisi ng panahon.

At habang inuulit ng bayan ang โ€œhuwag kalimutan,โ€
sila namaโ€™y abala sa pagtuturo kung ano ang dapat iwananโ€”
kasabay ng paglilipat ng pahina,
hanggang ang kasaysayan ay tuluyang mabura.
Ngunit sa bawat pahinang kanilang nililipat,
ang parehong kasinungalingan ang muli nilang isinusulat.
__
Layout by: Rose Ann Francisco

Photos from The Forerunner - Student Publication's post 21/09/2026

๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก | Suot ang itim na damit, mga estudyante mula sa Bulacan State University (BulSU)โ€”Bustos Campus, kasalukuyan nang nagtitipon at sama-samang isinasagawa ang campus walkout ngayong araw Lunes, Setyembre 21, bilang paggunita sa anibersaryo ng Batas Militar.

Kasabay nito ay isinasagawa rin sa iba't ibang kampus ng BulSU ang kaparehong aktibidad kabilang na ang Main Campus. | via Alexie David ๐Ÿ“ท: Earl Louise Villaseรฑor, THE FORERUNNER
__

Photos from The Forerunner - Student Publication's post 20/09/2026

๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก | Kasalukuyang nagbabahagi ng kanyang kaalaman ang Editor-in-Chief (EIC) ng Philippine Colegian, ang official student publication ng University of the Philippines - Diliman (UP) sa Plaridel Guild (PG), samahan ng mga publikasyon sa Bulacan State University (BulSU) para sa isang webinar sa pamamagitan ng Microsoft Teams.

Pinamagatang "Press Pause: How to Manage Newsroom effectively", ang kauna-unahang webinar ng PG katuwang ang BulSU Office of the Student Publications (OSP), ay tatalakayin ang mga angkop na pagtugon sa pamamahayag. | via Gio Justin De Guzman, THE FORERUNNER
__

19/09/2026

Step into the lead role of your newsroom and take control of the story! โœ๐Ÿป๐Ÿง‘โ€๐Ÿ’ป

Plaridel Guild, together with the Office of Student Publications, proudly presents its first-ever webinar, ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜‚๐˜€๐—ฒ: ๐—›๐—ผ๐˜„ ๐˜๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ก๐—ฒ๐˜„๐˜€๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—บ ๐—˜๐—ณ๐—ณ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐˜†?, featuring guest speaker ๐—”๐— ๐——๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡, Editor-in-Chief of the Philippine Collegian.

Learn actionable strategies to streamline operations, lead your editorial team, and maximize your publicationโ€™s impact.

Mark your calendars for tomorrow, ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ, ๐—ฎ๐˜ ๐Ÿฒ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฝ.๐—บ. ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—ฐ๐—ฟ๐—ผ๐˜€๐—ผ๐—ณ๐˜ ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ๐˜€. Join us to gain insights and elevate your newsroom management skills.

See you there!

๐ŸŽจ: Raphael Sto. Domingo & Iris Santos/The Mentors' Journal

15/09/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐—–๐—ข๐—ก๐—š๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ' ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿด๐˜๐—ต ๐—”๐—ก๐—ก๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ

Nakalimbag ang makasaysayang araw na ito, Setyembre 15, ang ating paggunita ang ika-128 taon anibersayo ng Kongreso ng Malolos na pinasinayaan sa simbahan ng Barasoain sa Malolos noong 1898. Ito ang kauna-unahang pambansang asembleya ng mga Pilipino na nagbigay daan sa pagkatha ng unang konstitusyon sa buong Asya, na nagluwal sa Unang Republika ng Pilipinas.

Ang makasaysayan at matagumpay na inagurasyon ng Kongreso ng Malolos ay simbolo ng mitsa tungo sa kalayaan sa bansa para sa pagkakapantay-pantay, hustisya, at maayos na pamahalaan para sa Pilipino.

Ang araw na ito ang nagpapaalala sa lahat na ang pundasyon ng isang mapagpalayang republika ay hindi lamang nakasalig sa madugong digmaan o giyera, bagkus ito ay pinatitibay ng sama-samang pagtindig para sa kabutihang panlahat ukol sa makataong pamahalaan, kalayaan, katarungan, at soberanya.
__
Layout by: Eman Rolluque

Photos from The Forerunner - Student Publication's post 13/09/2026

๐—œ๐—ก๐—™๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—›๐—œ๐—–๐—ฆ | On September 10, 2026, the Bulacan State University (BulSU) Bustos Campus local administration held an online meeting with The Forerunner (TFR) and the BulSU Bustos Local Student Council (LSC) to provide clarifications and updates about the Pancho Hall renovation.

For a comprehensive breakdown of the projectโ€™s expenses, hereโ€™s an infographic prepared by the publication.
__
โœ๏ธ: Anika France Bisco & Ivan Manalad
๐ŸŽจ: Rexter Jassen Blas & Rose Ann Francisco

Photos from The Forerunner - Student Publication's post 11/09/2026

๐“๐‡๐„ ๐…๐Ž๐‘๐„๐‘๐”๐๐๐„๐‘'๐’ ๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐€๐‹ ๐๐Ž๐€๐‘๐ƒ๐Ÿ–ค๐Ÿ–‹๏ธ
A.Y. 2026-2027

โ€ŽWith 11 years of illuminating truth and cultivating episteme, The Forerunner proudly presents its Editorial Board for Academic Year 2026โ€“2027. The sentinellae of truth, custodians of the press, and cornerstones of a publication steadfast in its pursuit of truth and service.
โ€Ž
โ€ŽFor veracity and reckoning, we question, scrutinize, and pursue the truth until the ink runs dry.
โ€Ž
๐—˜๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ-๐—ถ๐—ป-๐—–๐—ต๐—ถ๐—ฒ๐—ณ: Anika France D. Bisco
๐—”๐˜€๐˜€๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—˜๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ: Samantha Edlyn J. Gedraga
๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ: Ivan Manalad
๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—”๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป: Justine Ria J. Polintan
๐—”๐—ฟ๐˜ ๐——๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—–๐—ถ๐—ฟ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐—ฟ:
Rexter Jassen C. Blas
๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ต๐—ถ๐—ฐ๐˜€ ๐—–๐—ผ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ: Rose Ann Y. Francisco
๐—ก๐—ฒ๐˜„๐˜€ ๐—˜๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ: Gio Justin C. de Guzman
๐—™๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—˜๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ: Kristen Paula P. Burcio
๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—˜๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ: Roxzette N. Luartez
๐—•๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฐ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ฎ ๐——๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ: Madelene M. Sabado
๐—–๐—ต๐—ถ๐—ฒ๐—ณ ๐—ฃ๐—ต๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ท๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜: Mark Albert P. Mendoza
๐—ฉ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ผ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐—ฟ: Earl Louise C. Villaseรฑor
__

11/09/2026

| ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฒ๐—ฐ๐—ธ ๐—•๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ?๐Ÿคจ๐Ÿคจ

Illustration by Rexter Jassen Blas
Layout by Rose Ann Francisco
__

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Bustos?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Bustos