One Cainta Cemetery
A sacred resting place where souls find peace and loved ones find comfort in remembrance.
19/09/2026
Sa likod ng malinis, maayos, at mapayapang sementeryo, may mga taong araw-araw na nagsisikap at nagtatrabaho para mapanatili ang kaayusan at maibigay ang serbisyong nararapat sa bawat pamilya.
Mabilis na aksyon at malasakit para sa mga nangangailangan ng ating serbisyo. Alam natin na isa sa pinakamabibigat na bahagi ng buhay ang mawalan ng mahal sa buhay. Sa mga panahong mahirap at puno ng lungkot, narito kami upang umalalay, tumulong, at magbigay ng maayos at mahabaging serbisyo sa abot ng aming makakaya.
At para sa ating mga bisita, isa lamang ang ating hinihiling, Huwag magkalat at itapon ang basura sa tamang basurahan.
Maliit na aksyon para sa bawat isa, ngunit malaking ambag sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kapayapaan ng ating sementeryo.
Sama-sama nating alagaan ang lugar na nagsisilbing huling hantungan ng ating mga mahal sa buhay.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa, pang-unawa, at malasakit.💙
15/09/2026
MAGANDANG UMAGA, CAINTA!
MAHALAGANG PAALALA SA LAHAT NG AMING MGA KABABAYAN
Nais po naming ipabatid sa publiko na may mga indibidwal na nangungontrata o nag aalok ng serbisyo para sa pagpapagawa, pag aayos, o pag aalaga ng lapida sa paligid ng ating sementeryo.
Upang maiwasan ang panloloko at mga hindi awtorisadong transaksyon, mariin po naming ipinapaalala:
🔹 Bago makipagtransaksyon, siguraduhing awtorisado at lehitimo ang inyong kausap.
🔹 Ang sinumang nagsasabing siya ay empleyado o kinatawan ng One Cainta Cemetery ay kinakailangang magpakita ng valid Identification Card (ID) bilang patunay ng kanyang awtoridad.
🔹 Huwag basta magbigay ng pera o magpagawa ng serbisyo kung hindi pa nakukumpirma ang pagkakakilanlan at awtoridad ng taong kausap.
🔹 Kung may nag-aalok ng serbisyo o nangungontrata gamit ang pangalan ng One Cainta Cemetery, mangyaring beripikahin muna sa aming tanggapan bago makipagkasundo.
⚠️ MAHALAGANG PAALALA
Ang One Cainta Cemetery Management ay HINDI mananagot sa anumang transaksyon, bayaran, o kasunduan na isinagawa ng publiko sa mga taong hindi awtorisadong empleyado o kinatawan ng aming pamunuan.
Para sa inyong proteksyon, MAG-VERIFY MUNA BAGO MAGBAYAD.
Kung may mapansin kayong kahina-hinalang indibidwal o transaksyon, mangyaring ipagbigay alam agad sa aming tanggapan.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag iingat.
ONE CAINTA CEMETERY MANAGEMENT
14/09/2026
MAHIGPIT NA PAALALA SA LAHAT NG NAKA-ILLEGAL PARK
ONGOING ANG TOWING OPERATIONS sa loob ng One Cainta Cemetery para sa mga sasakyang nakaparada sa mga PROHIBITED / NO PARKING AREAS.
Kung sino man ang may-ari ng mga sumusunod na sasakyan, MAARI LAMANG NA AGARANG TANGGALIN ANG INYONG SASAKYAN.
⚠️ Walang exemption at walang special treatment.
Ang mga sasakyang hindi susunod ay maaaring I-TOW AT/O I-CLAMP alinsunod sa ating parking regulations.
Huwag nang hintayin na ma-tow ang inyong sasakyan bago ito alisin.
PAKIUSAP: SUMUNOD AT MAKIPAG-COOPERATE.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.
One Cainta Cemetery Administration
10/09/2026
Kindly Follow our Official page for One Cainta Dog Pound & Animal Shelter for concern & inquiries 🐶💙✨
09/09/2026
Magandang Umaga, Cainta!💙
Para sa kaligtasan ng lahat at upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at dignidad ng ating sementeryo, mahigpit po nating ipinatutupad ang oras ng pagbisita at iskedyul ng mga gate.
🪦 ORAS NG PAGBISITA
• Mga bibisita sa puntod: 6:00 AM – 8:00 PM
• Mga bibisita sa Chapel: 24 ORAS
🚪 ISKEDYUL NG MGA GATE
• Ortigas Gate: 6:00 AM – 6:00 PM
• Ricarte Gate: 6:00 AM – 8:00 PM
• Gate 3: 4:00 AM – 8:00 PM
Para sa mga bisita ng Chapel, maaaring buksan ng ating Security Guard ang gate upang kayo ay makapasok sa Ricarte Gate.
⚠️ MAHIGPIT PO ANG PATARAKARANG ITO.
Ang hindi pagsunod sa itinakdang oras at mga alituntunin ng sementeryo ay maaaring magresulta sa hindi pagpapapasok o pagpapaalis sa lugar.
Hinihiling po namin ang inyong pakikiisa at pang-unawa. Ang mga alituntunin ay ipinatutupad hindi lamang para sa seguridad ng lahat, kundi upang mapanatili rin ang katahimikan, respeto at dignidad na nararapat para sa ating mga namayapa at sa kanilang mga pamilya.
Sama-sama nating igalang ang mga patakaran.
Maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan.
Maraming Salamat po..🙏🏻
28/08/2026
MAHALAGANG PAALALA:
MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG ALITUNTUNIN SA NITSO AT LAPIDA.
Ang PANGATLONG LARAWAN ang siyang OPISYAL NA STANDARD NA ITSURA ng mga nitso na nararapat at pinahihintulutan sa ating sementeryo.
Ang mga SUMUNOD NA LARAWAN ay mga halimbawa ng mga nitso na HINDI NAAAYON SA ITINAKDANG ALITUNTUNIN AT PAMANTAYAN NG SEMENTERYO.
📌 Bibigyan ang mga may-ari o pamilya ng ISANG (1) BUWAN NA PALUGID mula sa pag-abiso upang maitama at maiayos ang kanilang nitso alinsunod sa itinakdang standard.
⚠️ MAHIGPIT NA BABALA:
Matapos ang itinakdang palugit, ang sinumang hindi susunod o hindi magsasagawa ng kinakailangang pagbabago ay maaaring PATAWAN NG KAUKULANG AKSYON AT PARUSA alinsunod sa umiiral na mga patakaran, ordinansa, at regulasyon ng sementeryo.
WALANG SPECIAL TREATMENT. WALANG EXEMPTION.
Ang mga patakaran ay ipatutupad SA LAHAT, anuman ang estado, katayuan, o relasyon sa pamunuan.
Para sa paglilinaw, koordinasyon, o katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa aming official page, mobile number, o tanggapan.
Ang layunin nito ay hindi mang-abala kundi mapanatili ang kaayusan, kalinisan, kaligtasan, at dignidad ng ating sementeryo.
PAALALA: ANG HINDI PAGSUNOD AY MAY KAUKULANG KONSEKWENSIYA.
-ONE CAINTA CEMETERY ADMINISTRATION
19/08/2026
ATTENDANCE CHECK📋✅
“Behind every service is a team willing to stand through the storm.”🌧️
Kahit may bagyo, laban para sa serbisyo. 💙
Sa likod ng bawat bukas na pinto, bawat serbisyong naibibigay, at bawat pamilyang natutulungan, naroon ang ating mga empleyadong hindi sumusuko kahit mahirap ang sitwasyon.
Ulan man, baha man, o malakas na hangin, they still showed up. Patuloy silang pumapasok, kumikilos, at ginagawa ang kanilang tungkulin. Dahil alam nilang may mga pamilyang umaasa sa ating serbisyo.
Maraming salamat sa inyong tapang, malasakit, at dedikasyon. Kayo ang tunay na mukha ng serbisyo. 💙🤍
18/08/2026
Magandang umaga, Cainta! 💙
Dahil sa malakas na ulan at mataas na baha kahapon, may ilang trabaho at serbisyo tayong na-pending.
Bagama’t walang pasok sa munisipyo ngayong araw, ang One Cainta Cemetery ay isa sa mga pasilidad na bukas at patuloy na handang maglingkod at tumulong sa ating mga nangangailangan.
Nais po naming ipabatid na BUKAS ang aming opisina ngayong araw, at ang lahat ng pending na set-up, libing at human & pet cremation services ay ipagpapatuloy ngayong araw.
Para sa mga katanungan o concerns, maaari po kayong mag-iwan ng mensahe sa aming page o tumawag sa aming tanggapan.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
Stay safe, Cainta! 🙏🏻💙
ONE CAINTA CEMETERY, At Your Service.
15/08/2026
ONE CAINTA PET CREMATION SERVICES 🐾
Giving our beloved pets a dignified and respectful farewell. 🤍🐾
📌 PET CREMATION PROCEDURE
MONDAY–FRIDAY
1. Present your Cainta Valid ID at the Mayor’s Office.
2. Secure the approved Pet Cremation Form.
3. Proceed to the One Cainta Cemetery Admin Office and present the approved form. Accomplish the Animal Cremation Form, Certification & Pet Owner’s Consent.
4. Proceed to the Pet Crematorium and submit the signed documents to the crematorium attendant.
FOR NON-CAINTA RESIDENTS
Kindly proceed to the Mayor’s Office, subject to approval.
SATURDAY–SUNDAY–HOLIDAYS
• Proceed directly to One Cainta Cemetery and present your Cainta Resident ID.
🐾 AGE REQUIREMENT: 1 year old and above
🕗 SCHEDULE
Open Monday–Sunday, including holidays
8:00 AM–5:00 PM
📞 (0956) 068 8910
📧 [email protected]
📍 General Ricarte, Brgy. San Juan, Cainta, Rizal 1900
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
General Ricarte Street Brgy. San Juan, Cainta Rizal
Cainta
1900
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when One Cainta Cemetery posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.