Cainta OSCA
page para sa Senior Citizen ng Cainta, Rizal
23/09/2026
19/09/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐จ๐๐ฎ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐๐ฅ๐จ๐ค ๐ง๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐๐ง๐ฌ
Nagbabala ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) laban sa mga mapanlinlang na scammer na nagpapanggap bilang mga kawani ng gobyerno upang makapanloko at makapanamantala ng mga senior citizens sa pamamagitan ng pekeng alok na financial assistance o ayuda.
Kasunod ito ng mga naiulat na insidente sa Cebu at Aklan kung saan naloko umano ang ilang senior citizens at nakuhanan pa ng pera at iba pang ari-arian.
Mariing kinokondena ng Komisyon ang naturang panloloko at hinihikayat ang mga senior citizens na agad magsumbong sa awtoridad. Maaari ring makipag-ugnayan sa Komisyon upang ma-refer sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) para sa libreng tulong legal.
๐.๐.๐.๐.๐.๐. SA SCAM:
L โ Laging suriin ang ID ng sinumang nagpapakilalang kawani ng gobyerno.
I โ I-verify sa OSCA o kinauukulang ahensya kung lehitimo ang representative o programang ayuda
G โ Gawing pribado ang personal na impormasyon. Huwag ibahagi online ang birthday, address, account number, o iba pang sensitibong detalye.
T โ Tanggihan ang hindi kilala.
Huwag papasukin sa bahay ng mga hindi kilalang tao at huwag basta maniwala sa kanilang mga alok.
A โ Agad magsumbong sa pulisya o kinauukulang awtoridad kung may kahina-hinalang tao o operasyon.
S โ Siguraduhing may kasama. Kung kailangan talagang makipagkita o makipag-usap sa hindi kilala, magsama ng pinagkakatiwalaang tao.
Tandaan: Laging mag-ingat. Laging maging mapanuri. Manatiling L.I.G.T.A.S. sa scam!
Para sa mga opisyal na mensahe at anunsyo ng NCSC, makipag-ugnayan sa pamamagitan ng:
๐ (02) 8567-5646
๐ฒ 0962-2743-622
๐ง [email protected]
๐ www.ncsc.gov.ph
โ
PusoParaSaSeniors
21/08/2026
PAGGUNITA SA NINOY AQUINO DAY
Ngayong Agosto 21, ating ginugunita ang Ninoy Aquino Day bilang pag-alala sa buhay, sakripisyo, at paninindigan ni dating Senador Benigno โNinoyโ Aquino Jr.
Nawaโy patuloy na magsilbing inspirasyon ang kanyang pagmamahal sa bayan at pakikipaglaban para sa demokrasya at kalayaan.
Alalahanin ang kanyang sakripisyo. Ipagpatuloy ang pagmamahal sa bayan.
-One Cainta๐ต๐ญ
20/08/2026
๐ LONG WEEKEND ALERT, CAINTA! ๐
Mga kababayan, samantalahin ang dalawang long weekend ngayong August para sa pahinga at oras kasama ang pamilya at mga kaibigan. โค๏ธ
๐
Unang Long Weekend
โข August 21 โ Ninoy Aquino Day
โข August 22 โ Sabado
โข August 23 โ Linggo
๐
Ikalawang Long Weekend
โข August 29 โ Sabado
โข August 30 โ Linggo
โข August 31 โ National Heroes Day
Planuhin na ang inyong mga lakad at pahinga. Mag-ingat at enjoy sa long weekend, mga Cainteรฑo! ๐ต๐ญ
-One Cainta Public Information Office
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Cainta Municipal Hall Brgy Sto. Domingo
Cainta
1900
Opening Hours
| Monday | 8am - 5am |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |