UCCP-Sucol

UCCP-Sucol

Share

United Church of Christ in the Philippines- SUCOL
Local Church in the Northeast Southern Tagalog Conference under the South Luzon Jurisdiction Area

Photos from UCCP-Sucol's post 27/09/2026

Ang saya ng puso namin ngayong araw! First time nating hinati ang Sunday School—hiwalay na ang maliliit sa mga mas nakatatandang kids para mas maasikaso natin sila nang maayos. Mula sa pagbisita sa kanila sa bahay-bahay, sobrang nakakataba ng puso na makita silang nandito na talaga sa church!

Umabot sa 17 kids ang nakasama natin ngayon! Malaking jump na ito kumpara sa 5 to 8 kids lang nung mga nakaraang buwan. Kahit hindi pa natin naabot 'yung pangarap nating 25 to 30, dahan-dahan lang at patuloy tayong nagdarasal na lumago pa ang klase natin.

Maraming salamat sa mga mommy at daddy sa pagtiwala at pagdala ng inyong mga anak. Magkita- kita po ulit tayo upang kumanta, sumayaw at matuto ng salitang ng Diyos sa susunod na Linggo!

26/09/2026

MGA MOMMY, DADDY, AT KIDS!

Sama-sama tayo ngayong Linggo sa Kids Church! ⛪✨ May Bible stories, kantahan, crafts, at fun games na naka-ready para sa mga chikiting (4-12 years old)! 🎈

📅 WHEN: Every Sunday, 8:00 AM – 9:00 AM

📍 WHERE: UCCP Sucol Church of Christ Disciples (Domingo St., Brgy. Sucol, Calamba City)

Free 'to and open for everyone, kaya ayain na rin ang mga kaibigan at kapitbahay! See you this Sunday! 👋

20/08/2026

Yoohooo, dito ang tingin! 👀

UCCP SUCOL, ARE YOU READYYY?! 📣 The wait is over—here comes our 1st Congregational Fellowship for this Ecclesiastical Year! Kaya naman sa Team Ryzza (at sa lahat ng gustong sumama), ano... TARA?! 🔥

It’s time for our 1st Congregational Fellowship of the year! Together, let’s learn what it means to be Refined and Radiate His light into our community (Isaiah 60:1).

📍 UCCP Sucol

📅 Saturday, Aug 22, 2026 | 6:00 PM - 8:00 PM

Kitakits ngayong Sabado, mga kapatid! Magdala ng sigla at kakilala!

Photos from Amara's Events: Style and Catering 's post 14/05/2026
Photos from UCCP-Sucol's post 12/05/2026

Matagumpay na unang araw ng ating Vacation Church School! ✨

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglingkod. Sa temang “Ako ay Kawangis ng Diyos” mula sa 1 Corinto 12: 12-27, nawa’y patuloy na maipadama sa bawat bata ang kanilang halaga at pagmamahal ng Diyos. 💖🙌

Photos from UCCP-Sucol's post 05/04/2026

"Siya ay wala rito, sapagkat siya'y muling nabuhay, gaya ng kanyang sinabi." — Mateo 28:6 📖

Ngayong Linggo ng Pagkabuhay, ipagdiwang natin ang tagumpay ng ating Panginoon laban sa kamatayan. Nawa’y maging paalala ito na sa bawat dilim, laging may darating na liwanag at bagong pag-asa. Isang mapagpalang Easter Sunday sa inyong lahat!

Photos from UCCP-Sucol's post 03/04/2026

Ang Huling Pitong Wika ay hindi lamang mga huling salita ni Kristo; ito ay hamon sa atin na magpatawad, magmalasakit, at magtiwala sa Diyos hanggang sa huli. Nawa’y hindi lang natin ito pakinggan, kundi isabuhay din. Isang taimtim na Biyernes Santo sa inyong lahat.

Photos from UCCP-Sucol's post 02/04/2026

Hindi naparito ang Panginoon upang paglingkuran, kundi upang maglingkod. Gaya ng paghugas Niya sa paa ng mga alagad, nawa'y matutunan din nating magpakumbaba at maglingkod sa isa't isa nang may pagmamahal. 🙏✨

‘Binigyan ko kayo ng halimbawa upang inyong tularan ang ginawa ko sa inyo.’ — Juan 13:15

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


R. Domingo Street, Sucol
Calamba
4027

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UCCP-Sucol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Calamba.