PARA - Commuters' Network
PARA firmly believes that public transport is a public service, and that it should be safe, efficient, and accessible for all.
See you mga parehas namin ng nangangarap 🥰
Ilang linggo na tayong tuloy-tuloy binabaha, ang gobyernong Marcos naman ngayon ang dapat nating bahain! Last year, napakadami nating pumunta sa lansangan para ipakita ang galit natin sa gobyernong ninanakawan tayo at ang sistemang nagpapanatili sa kanila. Ngayon, may moro-morong pagkulong ng mga kabanggang paksyon, pero ang mastermind mismo na si Marcos at ang mga kasosyo niya ay hindi pa rin iniimbestigahan. PWEDE BA YUN??
Kaya babalik tayo sa lansangan para bahain sila ng protesta at mapanagot na ang lahat ng sangkot.
📆SEPTEMBER 21, 3PM, Liwasang Bonifacio. Message us to join!
PART 2 - Dapat ba tayong bayaran para sa damages ng baha? 🤔🤔🤔
💭Bakit nagbabaha ng ganito kalala?
🤨Sino ang pwede nating singilin?
🧐Paano tayo kililos?
Follow for more kwentuhang komyuter!
Sama kayo sa’min sa SEPTEMBER 21, 3PM, Liwasang Bonifacio para BAHAIN NG PROTESTA ang mga kurakot na yan! Message us to join!
17/09/2026
PARA mentioned! 📣📣📣
Panuorin natin itong CNA Insider documentary tungkol sa epekto ng oil price hike at oil importation sa Pilipinas.
Interested ka bang ilaban ang karapatan ng mga komyuter sa progresibo, makabayan, at makamasang public transport?
Join PARA Commuters' Network na!
Philippines’ Jeepney Drivers Face Soaring Fuel Prices. Can Going Electric Help? | A Life Without Oil The blockade of the Strait of Hormuz has triggered a fuel crisis in...
What eeefff bayaran tayo para sa damages sa baha? 🤔
Magkano kaya aabutin nun? Ikaw ba, anong napinsala sa’yo dahil sa baha at magkano ang gusto mong singilin?
Follow us for more kwentuhang komyuter!
Sama kayo sa’min sa SEPTEMBER 21, 3PM, Liwasang Bonifacio para BAHAIN NG PROTESTA ang mga kurakot na yan! Message us to join!
10/09/2026
Madalas na tinuturo ang korapsyon bilang puno’t dulo ng problema natin sa baha PERO TRU BA?
Last Aug 30, may member ang PARA Commuters’ Network na nag-travel from Baguio to Cubao at naipit siya sa traffic for MORE THAN 10 HOURS 😭
Ang daling isisi sa flood control scam ang nangyari pero kung titingnan natin ang big picture, makikita natin na ang matinding pagbaha at ang struggle natin sa komyut ay dahil sa paulit-ulit na pag-una sa profit over true public service.
⛰️ Ilan na bang bundok ang nakalbo dahil sa mining at quarrying?
🌳 Ilang kagubatan ang nasira dahil sa pagtayo ng infrastructure?
🌊 Ilang natural waterways ang nadisrupt dahil sa reclamation projects?
🚧 Ilang projects ang stalled, delayed, ghosted, at mali-mali ang gawa?
Hindi lang flood control scam ang issue natin. Ang buong sistema ang issue.
Ang sistemang pinapayagan ang mga pulitiko na makipagsosyo sa mga malalaking negosyante locally at internationally para pagkakitaan, nakawan, at lokohin ang taumbayan… this is our issue. This is what we have to change.
Kung hindi ka pa mulat, today is a good day to start.
Komyuter, makibaka! Baguhin ang sistema!
Sama kayo sa amin sa SEPTEMBER 21. Bahain ng Protesta ang mga magnanakaw at mandarambong sa bayan. ✊
06/09/2026
Hangga’t mga pulitiko, burukrata, technocrats, at consultants ang nagpaplano at nagdedesisyon kung paano ang disenyo at pagkakagawa ng mga mobility infrastructure kagaya ng sidewalks, mananatiling hindi lapat at hindi sapat sa pangangailangan ng masang PWDs, pedestrians, at komyuter ang mga imprastrakturang ito.
Dapat manggaling mismo sa mga PWDs, komyuter, at pedestrians ang plano at desisyon kung paano ang disenyo at pagkakagawa ng mga mobility infrastructure kagaya ng sidewalks. Demokratikong pagpaplano at pagpapatupad mula sa masa tungo sa masa!
03/09/2026
4 years na tayo mga komyuter! 🎂🥳
4 years ng pakikibaka para sa progresibo, makabayan, at makamasang public transport para sa lahat!
Last Aug 31, kasama natin ang mga komyuter from all over para magsaya, magkwentuhan, at magsama-sama sa pakikibaka!
Sama-sama tayong:
🎈Nakinig sa mga panawagan ng mga komyuter
🎈Nagbigay ng wishes para sa future ng commuting
🎈Nagkantahan, naglaro, nagtawanan
🎈Nakilala ang new convenor at spokesperson ng PARA 🥳
🎈Naglook back sa ating history
🎈Nagkaisa sa panawagang gawing public service ang public transpo
🎈Kumain ng masarap na hotdog na may marshmallow, lumpia, at cake
Gaya ng sabi ni Spox Adrian Reign, hindi matatapos sa mga kusinang bayan, protesta at welga ang pakikibaka ng mga komyuter. Ang munting salo-salo natin ay patunay na marami tayong may puso para ipaglaban ang karapatan nating magkomyut nang may dignidad.
Marami sa atin ay galing pa sa malayo kaya special thanks to our members from PARA-Bicol Commuters’ Network at Baguio Commuters' Networkna sinuong ang traffic at baha papuntang Maynila. 🚌
Salamat din sa ating friends, families, ninongs, ang ninangs!
Inklusibo - Philippine Resource Center for Inclusive Development
BIEN Pilipinas
PISTON: Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide
PISTON Women
IBON Foundation
SUKI Network
Makô Micro-Press
Yani
Arangkada UP Network
Kadamay
Cosplayers For Charity
Kids for Kids
Harong
SIKAD
SINAGBAYAN UPD
SIKLABAN
Dani
we love you!!! ❤️❤️❤️
Commuters 4 life! ❤️
Komyuter, makibaka! Baguhin ang sistema!
27/08/2026
Sa Bulacan, hindi mo na tatanungin kung hanggang saan ang baha. Ang tanong na ay hanggang kailan ang baha?
Pumunta kami sa Bulacan noong August 23 at 24 kasi nakwento nilang ilang linggo na daw hindi bumibiyahe ang mga jeep dahil sa baha. Kasama namin ang church community at drivers association doon para tumulong magbigay ng kaunting relief packs para sa mga tsuper na apektado.
Grabe isipin nyo guys, may oil crisis na, tapos ganito pa yung kalagayan ng baha.
ISANG BUWAN NA ANG BAHA SA BULACAN.
Dati daw, sabi ng mga nakausap namin, hindi daw lumalala nang ganito ang baha. Pero simula nung ghost flood control projects at ang construction ng New Manila International Airport (NMIA), ayan ganyan na. May mga area na lagpas tao ang baha at kailangan na ng bangka para mapuntahan.
Noong 2020, napakaraming tumutol sa reclamation project para sa NMIA. Pero walang ginawa ang gobyerno at hinayaan lang itong magpatuloy. 3,000 residents displaced. 2,500 hectares for land development and reclamation.
Last year, nasiwalat ang sobrang lalang korapsyon sa Bulacan pero iilan pa lang ang napapanagot na kurakot.
9 BILLION PESOS ang budget ng flood control sa Bulacan pero ito ang kinahinatnan nila.
Stranded ang mga tsuper ng jeep.
Walang masakyan ang mga komyuter.
Nagkakaroon ng rashes ang mga tao dahil laging lumulusong sa tubig-baha.
Hindi na ito usapin nang kung sinong kurakot ang binoto.
Hanggang malaki ang parte ng negosyo sa pulitika, hindi magbabago ang sistema, kahit sino pa ang nakaupo diyan. Ang dapat na baguhin, ang sistema mismo!
HINDI ITO DESERVE NG MGA BULAKENYO.
Hindi ito deserve ng mga mamamayang lumalaban nang patas sa buhay.
Sa August 28, magkakaroon ng Pambansang Araw ng Paniningil sa Mendiola.
Sana po ay makasama tayong lahat para mapanagot na lahat ng kurakot, lahat ng negosyanteng nakikisosyo sa mga pulitiko, lahat ng pinagkakakitaan ang taumbayan, at lahat ng nagnanakaw sa bayan!
LAHAT NG SANGKOT DAPAT MANAGOT!
Komyuter ka ba sa Bulacan? Join PARA and help us organize projects for your community.
bit.ly/JOINPARA
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Calumpit