Lens and Letters
Our stories are getting bigger. Mas marami na kaming naaabot, at patuloy ring dumarami ang ating community.
From #Tarlac, we're now expanding our content across Central Luzon.
07/08/2026
Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa second quarter ng 2026 matapos magtala ng 2.3% growth, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Ito ang pinakamahinang economic growth ng bansa mula pa noong 2009, hindi kasama ang panahon ng COVID-19 pandemic.
Mas mababa ito kumpara sa 2.8% noong first quarter ng taon at 5.4% sa parehong quarter noong 2025. Ayon sa mga ekonomista, nakaapekto ang mataas na presyo ng mga bilihin, mahinang investments, at pagbaba ng government infrastructure spending at household spending.
Dahil dito, ibinaba ng gobyerno ang growth target para sa 2026 sa 3.5% hanggang 4.5%. Sa kabila nito, inaasahan pa rin ng World Bank na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 3.7% ngayong taon.
06/08/2026
Nadaganan ng basketball goal ang 13-anyos na si Mahdy Panggaga Omar ng Barangay San Isidro, Pampanga, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Ayon sa ulat, lumambitin umano ang biktima sa basketball hoop kaya natumba ang goal at bumagsak sa kanya.
Sinabi ng barangay na hindi pa umano tapos ang konstruksyon ng basketball court. Gayunman, iginiit ng pamilya na tapos na ito, batay sa post ng kapitan ng Barangay San Isidro noong Hulyo 20.
Pahayag ng kaanak:
"... nananawagan kami ng hustisya para sa aking pamangkin. Dahil sa nangyaring insidente, nagtamo siya ng napakalubhang pinsala, kabilang ang halos maputol na balikat at pagkakaroon ng internal bleeding, na kalaunan ay naging sanhi ng kanyang pagpanaw. Umaasa kami na magkakaroon ng patas, masusing, at makatarungang imbestigasyon upang mapanagot ang sinumang may pananagutan at maiwasan na mangyari pa ito sa iba."
06/08/2026
REVENGE SERVED!
Nakabawi si Alex Eala matapos talunin ang World No. 71 na si Alycia Parks sa Canadian Open sa Toronto, Canada, isang matamis na ganti matapos siyang mapatalsik ni Parks sa first round ng 2026 Australian Open noong Enero. Noon, tinalo siya ni Parks sa Australia matapos baliktarin si Eala, 0-6, 6-3, 6-2. Ngayon, si Eala naman ang nagpakitang-gilas at itinuloy ang kanyang impressive run sa Canada. Kapag lumago, hindi hihinto.
04/08/2026
๐ต๐ญ HISTORY MADE! Alex Eala is now World No. 20!
Mula World No. 28, umakyat si Alexandra Eala sa World No. 20 matapos magkampeon sa 2026 Mubadala DC Open.
Sa kanyang historic title run, tinalo niya sina Leylah Fernandez, Elina Svitolina, Naomi Osaka, at World No. 3 Jessica Pegula sa finals.
Bukod sa pagiging kauna-unahang Pilipinong WTA champion, naiuwi rin ni Eala ang US$252,000 (โฑ15.3 milyon) na premyo.
Isa na namang makasaysayang tagumpay para sa Pilipinas!
04/08/2026
WORK IN SOUTH KOREA AS SEASONAL FARMER!
Magsasagawa ang PESO Cuyapo at mga Korean Representatives ng Face-to-Face Interviews para sa Seasonal Farm Workers Program (SFWP).
Magandang balita para sa mga nagnanais magkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho sa South Korea bilang Seasonal Farm Worker!
Sa pakikipagtulungan ng Goheung-Gun County, Republic of Korea, ang Public Employment Service Office (PESO) Cuyapo, kasama ang mga Kinatawan mula sa South Korea, ay magsasagawa ng face-to-face interview at applicant evaluation para sa mga kwalipikadong aplikante ng Seasonal Farm Workers Program (SFWP).
๐
Petsa: Agosto 6, 2026 (Huwebes)
๐ Oras: 2:00 PM โ 4:00 PM
๐ Lugar: Cuyapo Municipal Gymnasium
๐ Attire: White T-Shirt
Ang panayam ay pangungunahan ng opisyal na delegasyon mula sa Goheung-Gun County, South Korea, na personal na magsusuri sa mga applikante batay sa kanilang pisikal na kakayahan, karanasan sa pagsasaka, at pangkalahatang kahandaan para sa deployment sa ilalim ng E-8 Seasonal Worker Visa Program.
Kasama rin sa aktibidad ang orientation para sa mga kwalipikadong aplikante tungkol sa:
โ
Mga tuntunin at kondisyon ng kontrata sa trabaho
โ
Kalagayan at kondisyon ng pagtatrabaho sa mga sakahan sa South Korea
โ
Sahod, benepisyo, at iba pang kompensasyon
โ
Mga batas, kultura, at inaasahang asal sa lugar ng trabaho sa South Korea
Ang programang ito ay patunay ng patuloy na lumalakas na ugnayan sa pagitan ng Municipality of Cuyapo at Goheung-Gun County, na naglalayong makapagbigay ng mas maraming legal, ligtas, at maayos na oportunidad sa pagtatrabaho sa ibang bansa para sa ating mga kababayan.
๐ข Para sa lahat ng applikante: Mangyaring dumating nang maaga sa itinakdang oras at kunin ang inyong mga folder sa aming tanggapan upang makuha ang inyong mga dokumento..
Sama-sama nating buksan ang mas maraming oportunidad para sa trabaho, kabuhayan, at mas magandang kinabukasan ng bawat Cuyapeรฑo.
Trabaho. Kabuhayan. Pag-asa. ๐ต๐ญ๐ค๐ฐ๐ท
03/08/2026
MAKAKATULOG KA NA NANG MAHIMBING!
Walang pasok sa buong
๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐ก๐๐ฌ ๐๐ข๐ง๐๐๐ก๐
911
๐ฃ๐๐๐๐ฆ๐
Trunk Line: (02) 8284-0800
๐๐ฆ๐ช๐
Text Hotline: 0918-912-2813
Trunk Line: (02) 8931-8101 to 07
๐ฃ๐ก๐ฃ (๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ฒ)
Emergency Hotline: 117 / (02) 8722-0650
Text Hotline: 0917-847-5757
๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐ฑ ๐๐ฟ๐ผ๐๐
Hotline: 143 / (02) 8527-8385 to 95
Trunk Line: (02) 8790-2300
03/08/2026
SLEEP WELL MGA BII!
Suspendido ang mga klase sa lahat ng antas bukas sa buong !
FOR EMERGENCY HOTLINES:
MDDRMOโผ๏ธ
๐Tarlac City - 0921-930-0047
๐La Paz - 0998-414-6421
๐Concepcion - 0917-890-5652/ 0939-082-9273
๐Gerona - 0917-145-0035
๐Victoria - 0939-513-1408
๐San Jose - 0939-937-4798
๐Bamban - 0933-819-9485
๐Capas - 0951-127-9465
๐Moncada - 0969-156-6151
๐Anao - 0939-349-0511
๐Camiling - 0939-117-3553
๐Mayantoc - 0917-327-9733
๐Paniqui - 0948-867-5614
๐Ramos - 0919-811-6700
๐Pura - 0915-001-8954
๐San Clemente - 0969-106-1138
๐San Manuel - 0995-836-6638
๐Sta Ignacia - 0936-694-0001
๐Tarlac Provincial Hospital (TPH): (045) 982-6885
๐Jecson Medical Center: (045) 982-5501
๐Ramos General Hospital: (045) 982-0542
๐CLDH: (045) 982-0806
๐National Hotline - 911
๐Tarlac Provincial DRRM Office - 0908-887-2339 (SMART)
0917-806-9276
๐Provincial Fire Marshall: (045) 491-0475
Stay Safe Tarlaquenos!
30/07/2026
Pormal nang humiling si Capas Mayor Atty. Roseller "Boots" Rodriguez sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ng isang mas komprehensibo at detalyadong presentasyon tungkol sa panukalang Pax Silica Project sa New Clark City.
Ayon sa alkalde, mahalagang magkaroon muna ng malinaw na pagpapaliwanag sa proyekto upang lubos na maunawaan ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan ang mga posibleng epekto nito sa kapaligiran, kalusugan, at kinabukasan ng Capas.
Binigyang-diin din ni Mayor Rodriguez na suportado niya ang pag-unlad, ngunit iginiit niyang dapat itong isagawa nang may transparency, pananagutan, at sapat na impormasyon para sa publiko.
Aniya, nararapat lamang na marinig ang boses ng bawat Capaseรฑo at mabigyan sila ng pagkakataong malaman ang buong detalye ng proyekto bago gumawa ng anumang mahahalagang desisyon na makaaapekto sa kanilang komunidad.
28/07/2026
Nakapag check na ba ang lahat?
sana all nalang talaga may 2K monthly! ๐ฉ
https://uplift-g2p.dswd.gov.ph/
Dapat alam mo to! ใviralใท
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Camiling
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Lens and Letters posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.