TAU - LS Social Science Club

TAU - LS Social Science Club

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from TAU - LS Social Science Club, Nonprofit Organization, Camiling.

20/09/2026

Noong Setyembre 21, 1972 ipinatupad ang Martial Law. Isang mapait na kabanata ng ating kasaysayan kung kailan sinubok ang ating kalayaan at karapatan. Ngunit sa tinig ng kabataan, patuloy ang paninindigan—ipaglaban ang katarungan at huwag nang hayaang maulit ang dilim ng nakaraan
‎
‎Sa ika-54 na anibersaryo ng Batas Militar, hindi lang natin inaalala ang nakaraan — pinagpapatuloy natin ang paninindigan para sa ating kalayaan at karapatan.
‎
‎🖋️: Alfred Domingo
‎🖌️: Judeah Pascual

31/08/2026

Mga Bayani, Hinding-hindi Maisasantabi
‎
‎Ngayong ika-31 ng Agosto, parangalan natin ang mga nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bayan. Tayo ay magnilay para sa kasarinlang ating nakamit at patuloy na ipinaglalaban.
‎
‎Taos-pusong pagkilala sa ating mga bayani!

🖋️: George Blas III
🖌️: Fiona Castañeda

29/08/2026

With the continuous rain, we wish all LSians to remain safe and dry! Ingat po tayong lahat! 🌧️

21/08/2026

‎𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘶𝘭𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘮𝘰𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘬𝘢, 𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘨𝘢𝘮𝘪𝘵𝘪𝘯 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢?
‎
‎Sa bansang napalilibutan ng maraming pulo, ang dagat ang nag-uugnay sa maraming aspeto ng ating buhay. Noon pa man, ang karagatan na ang naging pangunahing gabay at sandigan ng ating mga ninuno. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang ating kultura, tradisyon, at wika ay unti-unti nang inaagos pababa sa kailaliman. Sa ilalim na ito, natatakpan ang bakas ng ating kasaysayan at tuluyan nang nalilimutan.
‎
‎Ngayong Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika at Kasaysayan, panahon upang balikan at pahalagahan ang mga kuwentong bumuo sa ating pagkakakilanlan. Sa wika natin naipapasa ang mga alaala, tradisyon, at kuwentong nagmula sa ating mga ninuno.
‎
‎𝐇𝐢𝐧𝐮𝐛𝐨𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐃𝐢𝐧𝐮𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐨𝐧.
‎
‎🖊️: Nathalie Corpuz, Dorothy Tejada
‎🖌️: Jamaica Bornilla

01/05/2026

Anumang pagsubok ang iharap, patuloy pa rin sa pagsusumikap. Ang inyong sipag at sakripisyo ang tunay na haligi ng ating lipunan—mga tahimik na bayani sa likod ng pag-unlad ng bayan.

Mabuhay ang Manggagawang Pilipino!

🖌️: Jamaica Bornilla

09/04/2026

Ngayong ika-9 ng Abril, ginugunita natin ang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na buong tapang na lumaban sa Battle of Bataan noong 1942 sa gitna ng matinding labanan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kabila ng panganib mula sa Hukbo ng Hapon, ipinakita nila ang tunay na diwa ng katapangan at pagmamahal sa bayan.

Kasunod nito ang Bataan Death March, kung saan mahigit 76,000 bilanggo ng digmaan ang napilitang maglakad nang higit sa 100 kilometro sa ilalim ng di-makataong kondisyon, na nagdulot ng libu-libong pagkamatay dahil sa pagod, gutom, sakit, at pang-aabuso.

Ang araw na ito ay pagpupugay sa kanilang sakripisyo at tapang. Tulad ng inspirasyon at dedikasyon ng ating mga bayani, nawa’y magliwanag ang diwa ng pagiging Pilipino sa bawat isa sa atin. Magkaisa tayo sa pagharap sa mga hamon ng kasalukuyan at patuloy na pahalagahan at ipaglaban ang ating kalayaan at karapatan.

🖋️: Mia Abriella Gapultos
🖌️: Evanah Avril Salcedo

25/02/2026

Sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue, nagkaisa ang milyun-milyong Pilipino upang ipaglaban ang demokrasya sa makasaysayang EDSA People Power Revolution na naganap noong Pebrero 22 hanggang 25, 1986. Sa pagkakaisa ng taumbayan, tuluyang nawakasan ang 21 taong diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr.

Sa ika-40 anibersaryo ng EDSA, patuloy nating alalahanin ang tapang, pagkakaisa, at pananampalatayang nagbuklod sa bayan. Hindi lamang ito bahagi ng nakaraan, ito ay paalala na ang lakas ng mamamayan ang tunay na sandigan ng kalayaan.

Sa gitna ng mga pagsubok ng kasalukuyan, patuloy tayong tumindig para sa katotohanan at ipaglaban ang ating mga karapatan. Mananatiling buhay ang diwa ng EDSA at ang kasaysayan ay hindi kailanman mabubura at malilimutan.

30/12/2025

Sa paggunita natin ngayong ika-30 ng Disyembre, binibigyang-pugay si G*t José Rizal, ang pambansang bayani na nag-alay ng kanyang buhay at talino para sa kalayaan ng Pilipinas. Sa halip na armas, ginamit niya ang panulat upang ipahayag ang katotohanan at gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.

Ang kanyang mga isinulat at ipinamalas na prinsipyo ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon hanggang sa kasalukuyan at nagsisilbing paalala na ang tunay na pagmamahal sa bayan ay nagmumula sa tapang, kaalaman, at paninindigan.

🖌️: Jamaica Bornilla

30/11/2025

Ngayong ika-30 ng Nobyembre, ating inaalala ang kapanganakan ni Andres Bonifacio — isang bayaning naglaan ng tapang at dekikasyon sa pagkamit ng kalayaan ng ating bansa. Si Bonifacio ang nagtatag at naging Supremo ng Katipunan.

Ang kanyang buhay at sakripisyo ay sumisimbolo ng tapang, dangal, at kapangyarihan ng karaniwang mamamayan na lumaban para sa kalayaan ng bansa.

23/10/2025

On October 24, the world comes together to honor the founding of the United Nations in 1945, a symbol of peace, unity, and global partnerships. United Nations Day reminds us of the importance of collaboration in addressing global challenges and promoting shared values that lead to progress and harmony.

As we celebrate this day, let us reaffirm our commitment to peace, human rights, and sustainable development, continuing the UN’s mission to build a better, more inclusive, and sustainable world for all.

🖋️: Kathleen Kyla Cachero
🖌️: Jamaica Bornilla & Dioselle Baylon

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Camiling?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Camiling
2306

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TAU - LS Social Science Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Camiling.