Ing Marangle
School Publication
BALITA | Manlalarong Paralaians Manlalarong Paralaians nagpamalas ng galing sa ginanap na Intramurals 2025
News Anchor: Gabriel Vince Pangan
News Presenter: Collyn Manalastas Gonzales
Director/Technical: Julianne Claire Culala
BALITA | Mekeni... Tuki ka! Paralaya High School nakiisa sa Pambansang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Oppa man ang nauuso,wikang Filipino mananatili sa ating puso.
News Anchor: Jillian Bulanadi
News Presenter: Zyra Eunice Batas
Director/Technical : Julianne Claire Culala
Paralaya High School celebrates Nutrition Month 2025
The event showcases the talent of Paralaians in poster making and cooking. The highlight of the event is the Mr.&Ms. Bodyfit 2025.
Food security is a shared responsibility!
Anchor: Gabriel Vince Pangan
News Presenter: Ehra Joi Roldan
Technical/Director: Zophia Roque
BALITA | KAISA PARA SA PAARALAN, SPTA MEETING 2025 SINIMULAN
Isang matagumpay na pagpupulong ang ginanap sa Paralaya High School. Ito ay dinaluhan ng mga magulang mula sa iba't-ibang baitang. Naglalayon ang pagpupulong na ito na mailahad ang mga proyektong isinagawa sa loob ng higit na isang buwan sa pamumuno ng bagong punong-guro Ma'am Jesusa V. Punzalan. Ibinahagi din niya ang planong pagbubukas ng Senior High School sa susunod na panuruang taon.
Tulong-tulong tungo sa pagsulong.
News Anchor: Jillian Bulanadi
News Presenter: Zyra Eunice Batas
Technical/Director: Zophia Roque
PARALAYA NEWS PATROL | Paralaians Dive into Discovery in Wetlands BioBlitz
Paralaians unite with Society for the Conservation of Philippine Wetlands (SCPW) which aims to update the ecological profile of Paligui Wetlands and involve the community together with our youth in raising awareness and building capacity for wetland conservation efforts.
Anchor: Jillian Bulanadi
News Presenter: Patrick Hipolito
Director/Technical: Zophia Roque
New academic year kicks off!
"Dream big, learn bigger π "
News Anchor: Jillian Bulanadi
News Presenter: Gabriel Pangan
Technical/Director: Zophia Roque
Pagpasa ng Tungkulin: Bagong School Head, Pormal nang Itinalaga
News Anchor: Jillian Louiji Bulanadi
News Presenter: Sabiha Hamed
12/06/2025
Kolum β’ Alaala Sa Likod Ng Bandila
ni : Zophia Roque
Tuwing sumasapit ang Hunyo 12, napupuno ng kulay ang paligidβ ang watawat ng Pilipinas na iwinawagayway at isinasabit sa bawat tahanan, paaralan, at gusali. May mga pagbati sa social media, programa sa paaralan, at kung minsan pa nga ay mayroong parada. Araw ng Kalayaan, ang araw noong 1898 nang ideklara ang kasarinlan ng ating bansa mula sa mahigit na 300 taong pananakop ng mga Kastila. Ngunit sa likod ng mga selebrasyon, naiisip pa rin kaya natin kung bakit ito ipinagdiriwang? O isa na lang ba itong araw ng pahinga na dinadaan sa obligasyon?
Ang Araw ng Kalayaan ay madalas inaabangan dahil ito ay isang araw na walang pasok sa paaralan at trabahoβ isang holiday, kung tawagin. Ngunit kung ating iisipin, ang araw na ito ay nagdadala ng mas malalim na kahulugan. Isa itong selebrasyon ng ating kalayaan, pagkakakilanlan, at katapangang ipinamalas ng ating mga bayani. Hindi lang ito simpleng kasaysayan. Ito ay kwento ng dugo, pawis, at paninindigan.
Noong una kong nalaman ang tungkol sa deklarasyon ng ating kalayaan, para sa akin isa lang itong bahagi sa aklat ng ating kasaysayan. Mga pangalan, petsa, at mahahabang talata na kailangan kabisaduhin sa pagsusulit. Pero habang tumatanda ako, unti-unti kong nauunawaan ang tunay na kwento sa likod ng ating kasarinlan. Ang ating mga bayaning nagbuwis ng lahat upang ipaglaban ang kalayaan ng bayan, sa kabila ng mga panganib at pagsubok. Hindi nila basta pinangarap ang kalayaanβ ipinaglaban nila ito. Iyan ang paniniwalang hindi natin kailanman dapat limutin.
Para sa karamihan saβtin, ang kalayaan ay hindi na natin kailangang ipaglaban ng literal. Ipinanganak na tayong malaya, wala na tayong dayuhang sumasakop. Hindi na natin kailangang makipagdigma o maghimagsik tulad nina Rizal, Bonifacio, at Aguinaldo. Ngayon, nabubuhay tayo sa ibang panahon. Malaya tayong maglabas ng ating mga saloobin, pumasok sa paaralan, at pumili ng kung anong gusto nating gawin. Subalit ang kalayaang ito ay hindi lang basta ipinasa saatin, pinaghirapan nila ito, maging ang kanilang sariling buhay ay ibinuwis. At ngayong tayoβy nasa panahon na ng kapayapaan, nawaβy protektahan natin ang ating kalayaan sa pagiging isang responsable at marespetong mamamayang may malasakit sa ating bansa.
Sa ibang banda, may laban pa rin tayong dapat harapin. Laban para sa katotohanan, laban para sa karapatan, at laban para sa katarungan. Sa simpleng pagiging tapat sa paaralan, pagtulong sa kapwa, o pakikilahok sa mga usaping panlipunan, iyon na rin ay paraan ng pagiging makabayan.
Ang Araw ng Kalayaan ay hindi lang tungkol sa nakaraan. Isa rin itong paalala sa kung sino tayong mga Pilipino. Ang ating kultura, salita, at mga pagpapahalagaβ lahat ng ito ay bahagi sa kalayaang minsan ipinaglaban. Bilang isang mag-aaral, naniniwala akong bawat isa sa atin ay may tungkuling panatilihing buhay ang diwa ng ating kalayaan. Alalahanin natin ito, parangalan, at ipagmalaki. Hindi lamang sa Araw ng Kalayaan, kundi sa bawat araw. Dahil ang kalayaan ay hindi lang isang petsa sa kalendaryoβ ito ay isang pamumuhay na may dangal, malasakit, at pagmamahal sa bayan.
Kartun: Jillian Bulanadi
ππππππππππ ππππ ππ π.π ππππ-ππππ, ππππππππππππ πππππππππ!
Handa na ba kayo sa susunod na byahe na puno ng kaalaman? Pasadong grade ang pamasahe para sa susunod na baitang. Hali na at mag-enroll sa Paralaya HS! ππ π πππππππππ πππ πππππ ππ ππππ πππ πππππ ππ ππππππππππ!
News Anchor: Jillian Bulanadi
News Presenter: Gabriel Pangan
Technical/Director: Zophia Roque
10/06/2025
Ang bawat upuan sa silid-aralan ay higit pa sa simpleng gamitβitoβy tahimik na saksi sa bawat paghihirap ng magulang na nagsusumikap maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang anak. Dito rin unti-unting binubuo ang mga pangarap ng kabataan, kasabay ng bawat araling natututuhan at pangarap na pinapalakas ng pag-asa. Sa katahimikan ng mga upuang ito, naroroon ang mga kwento ng pagpupunyagi at pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan.
Caption by: Jill, Pat & Sher
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Paralaya Higg School
Candaba
2013