Talim Isip
Karunungan at Diwa
23/05/2026
Kumusta ka?
Dalawang simpleng salita.
Madalas nating marinig.
Madalas din nating masabi nang hindi pinag-iisipan.
Pero para sa ilan, ang “Kumusta ka?” ay hindi lang basta pagbati.
Ito ay pahinga.
Ito ay pahintulot na mailabas ang bigat na matagal nang kinikimkim.
Ito ay paalala na may taong nakakapansin pa rin sa kanilang pagod, katahimikan, at pinagdaraanan.
Sa panahon ngayon na halos lahat ay abala sa sariling laban, malaking bagay na ang may isang taong tunay na may malasakit.
Hindi iyong nagtatanong dahil kailangan,
kundi dahil gusto talagang malaman kung ayos ka pa ba.
Pagbati kung ikaw ay may malasakit sa iba.
Dahil sa mundong mabilis humusga at madaling mang-iwan, bihira na ang mga taong marunong makinig, umunawa, at magbigay ng oras kahit walang kapalit.
Minsan, hindi natin alam na ang simpleng pangungumusta natin ang eksaktong kailangan ng isang tao para magpatuloy.
Kaya kung may pagkakataon,
maging mabait.
Mangamusta.
Makinig.
Magpakita ng malasakit.
Dahil hindi lahat ng sugat ay nakikita.
At hindi lahat ng lumalaban ay maingay.
17/05/2026
“Mangmang”
May isang a**o at tigre na nagtalo tungkol sa kulay ng damo.
“Bughaw ang damo,” matigas na sabi ng a**o.
“Hindi, berde ang damo,” sagot naman ng tigre.
Dahil walang gustong magpatalo, nagpunta sila sa leon, ang hari ng kagubatan.
Bago pa man sila tuluyang makalapit, agad sumigaw ang a**o:
“Mahal na Hari, totoo bang bughaw ang damo?”
Sumagot ang leon:
“Totoo, bughaw ang damo.”
Natuwa ang a**o at agad nagsumbong:
“Nakikipagtalo po sa akin ang tigre! Parusahan ninyo siya!”
At ipinataw ng leon sa tigre ang limang taong katahimikan.
Tahimik na tinanggap ng tigre ang parusa, ngunit kalaunan ay nagtanong ito:
“Mahal na Hari, alam naman po nating berde ang damo. Bakit ninyo ako pinarusahan?”
Ngumiti ang leon at sinabi:
“Oo, berde ang damo. Ngunit hindi dahil sa kulay ng damo kaya ka pinarusahan. Pinarusahan ka dahil bilang matalino at marangal na nilalang, pinili mong makipagtalo sa isang hangal. Dinala mo pa ang walang saysay na usapin upang lamang patunayang tama ka.”
Sa buhay, hindi lahat ng laban ay dapat pinapatulan.
May mga tao na kahit ilatag mo ang katotohanan, pipiliin pa rin nilang paniwalaan ang nais nilang paniwalaan.
Minsan, ang tunay na talino ay hindi nasusukat sa galing makipagtalo, kundi sa kakayahang malaman kung alin ang hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon at isip.
Hindi lahat ng ingay ay karapat-dapat sagutin.
Hindi lahat ng argumento ay dapat panalunan.
13/05/2026
“Palabra de Honor”
Madalas kong marinig noon ang katagang “palabra de honor.” Naging paksa pa ito ng isang tanyag na patalastas noong dekada ‘80, panahong ang salita ng tao ay may bigat, at ang pangako ay hindi basta binabawi.
Ang “palabra de honor” ay nangangahulugang isang salita - isang paninindigan. Kapag sinabi mo, pananagutan mo. Kapag nangako ka, tutuparin mo.
Noon, hindi man ganun ka-advance ang teknolohiya, walang recordings, screenshots, o social media receipts, ngunit mataas ang pagpapahalaga ng tao sa dangal at salita. May mga handang manindigan sa kanilang pangako kahit humantong pa sa pagkalugi, pagkakapiit, o minsan ay kamatayan.
Sapagkat para sa kanila, ang pagkatao ay sinusukat hindi lang sa talino o yaman, kundi sa kakayahang panindigan ang sariling salita.
Ngunit sa makabagong panahon, tila unti-unting nawawala ang halaga ng palabra de honor. Madaling mangako, madaling bumawi. Madaling magsalita, ngunit bihirang manindigan.
At mas nakakalungkot, kadalasan yaong mga inaasahang maging huwaran - mga pinuno, opisyal, at taong may impluwensya, sila pa minsan ang kapos sa isang salita.
Marahil dahil nasanay na tayong mas pinahahalagahan ang magandang pahayag kaysa tunay na paninindigan.
Pero sa huli, hindi ang dami ng ating sinabi ang maaalala ng tao, kundi kung alin doon ang ating tinupad.
Sapagkat ang tunay na dangal ay hindi nasusukat sa lakas ng boses, kundi sa bigat ng salitang kaya mong panindigan.
13/05/2026
Balimbing
Bihira nang makakita ng puno ng balimbing sa Kamaynilaan, subalit madalas pa ring marinig ang salitang “balimbing.”
Hindi na nga halos kilala ng bagong henerasyon ang mismong prutas, pero kilalang-kilala nila ang kahulugan nito kapag ikinabit sa tao.
Paboritong gamitin ang balimbing sa pagsasalarawan ng ugali ng isang taong walang paninindigan at madaling magpalit ng panig depende sa kung saan sya makikinabang. Katulad ng hugis ng prutas na maraming mukha, ang taong balimbing ay may iba’t ibang anyo depende sa kung sino ang kaharap.
Sa harap ng isa, kakampi ka.
Sa likod mo, iba ang kanyang sinasabi.
Kapag malakas ka, nariyan sya.
Kapag humina ka, tila hindi ka na kilala.
Kaya delikado ang taong balimbing sapagkat ang katapatan nya ay hindi nakaugat sa prinsipyo kundi sa pakinabang. Hindi sya sumusunod sa tama—sumasabay lamang sya kung saan mas magaan, mas ligtas, o mas kapaki-pakinabang para sa kanya.
Sa pulitika, mabigat na paratang ang matawag na balimbing dahil ipinapakita nitong ang isang tao ay walang matibay na paninindigan. Ngunit kung tutuusin, hindi lamang sa pulitika umiiral ang pagiging balimbing.
May balimbing sa pagkakaibigan.
May balimbing sa trabaho.
May balimbing sa negosyo.
At minsan, maging sa pamilya.
Ang masakit, kadalasan hindi mo agad sila makikilala. Madalas mababait magsalita ang mga balimbing. Mahusay silang makisama. Marunong silang sumabay sa agos. Ngunit kapag dumating ang panahon na kailangan mo ng taong maninindigan, doon mo makikita kung sino ang totoo.
Hindi naman masama ang magbago ng pananaw kung ito’y bunga ng pagkatuto at mas malalim na pag-unawa. Ang tunay na problema ay yaong taong nagpapalit ng prinsipyo hindi dahil mali ang dati niyang pinaniniwalaan, kundi dahil may bago syang mapapakinabangan.
Ang taong may prinsipyo ay maaaring mag-isa, ngunit matatag.
Ang taong balimbing ay maaaring maraming kakampi, ngunit walang tunay na pinaninindigan.
Sa mundong mabilis magbago, mahalagang marunong tayong makibagay. Ngunit ibang usapin na kapag pati prinsipyo ay ipinagbibili para lamang manatiling komportable.
Sapagkat ang dangal, kapag paulit-ulit ipinagpapalit, unti-unti ring nawawala.
09/05/2026
Hindi ikaw ang dulo ng biyaya.
Madalas tayong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga biyayang ating natatanggap. At tama lamang iyon, sapagkat Siya naman talaga ang pinagmumulan ng lahat.
Ngunit ang biyaya ay hindi nilalayong magtapos sa isang tao lamang.
Kadalasan, tayo ay hindi ang huling destinasyon ng pagpapala, kundi isa lamang daluyan nito.
Ang talino mo ay maaaring gabay sa naliligaw.�Ang pera mo ay maaaring lunas sa nangangailangan.�Ang oras mo ay maaaring pag-asa sa nalulungkot.�At ang kabutihan mo ay maaaring dahilan upang may muling maniwala sa mundo.
Sapagkat sa totoo lang, wala naman talaga tayong ganap na pag-aari. Lahat ng mayroon tayo ay ipinahiram lamang ng Diyos upang maipamahagi, hindi upang ipagdamot.
Kaya kung ikaw ay pinagpala, huwag mong ikulong ang biyaya sa sarili mo.
�Hayaan mong may ibang mabusog, makaahon, at mabuhay dahil dumaan ito sa’yo.
Sapagkat ang tunay na biyaya ay hindi lamang tinatanggap - �ito’y ipinapasa. - JRJ
07/05/2026
“8080? Ang bobo mo naman.”
Madaling magsabi ng “bobo” sa mundong mabilis manghusga.�Isang maling salita, isang maling opinyon, isang bagay na hindi mo alam — sapat na para ka’y tawaging walang alam.
Ngunit minsan, ang tao ay hindi naman talaga bobo.�Hindi lang siya naturuan.�Hindi lang siya “updated”�Hindi lang siya nagkaroon ng pagkakataong maintindihan ang mas malalim na konteksto ng bagay.
Ang tunay na kamangmangan ay hindi kakulangan ng alam.�Kundi ang pagsasalitang walang pag-iisip.
�Ang pagiging maingay kahit walang laman ang sinasabi.
Kaya magbasa.�Mag-aral.�Makinig.�Mag-isip bago magsalita.
Sapagkat sa huli, hindi diploma, estado, o yabang ang magpapakita ng talino, �kundi ang lalim ng pag-unawa at ang bigat ng salitang lumalabas sa iyong bibig.
At minsan, ang taong madalas manghamak ng “bobo”…�siya rin ang pinakanauubusan ng laman kapag panahon na ng tunay na usapan.
Image courtesy of Ubsplash
06/05/2026
“Ikaw na!”
Madalas kong mabasa at marinig kapag ang nakikipagtalo o nakikipag-argumento ay wala nang maisagot o maibigay na dahilan.
Sa halip na tumahimik, ang isasagot ay:
�“Ikaw na.”
�Mapang-insulto at sarkastiko.
�Walang balak itaas o gawing mas makabuluhan ang usapan dahil kapos sa dahilan at kaalaman.
Ang “Ikaw na” ay hindi simpleng biro lamang.�Minsan, isa itong pagtatakip sa ego na ayaw masaling,�isang depensa ng isip na takot mapatunayang mali,�o isang pagtakas sa responsibilidad na makinig at umunawa.
Nakakalungkot dahil imbes na magpalitan ng pananaw,�nagiging paligsahan ng pride ang usapan.
�Kapag wala nang maibato, panlalait na lang ang natitira.�Kapag hindi matalo ang argumento,�ang taong nagsasalita na mismo ang tinatarget.
Pero ang tunay na talino,�hindi nasusukat sa lakas ng boses�o sa dami ng naisagot.�Nasusukat ito sa kakayahang makinig,�umamin kapag may pagkukulang,�at tumanggap na hindi tayo laging tama.
Hindi nakakababa ng pagkatao ang magsabing:�“May punto ka.”�“Hindi ko iyon alam.”�“Oo nga, nagkamali ako.”
Sa panahon ngayon,�marami ang gustong manalo sa usapan,�pero kakaunti ang gustong matuto.
�At minsan, ang pinaka-matalinong sagot�ay hindi “Ikaw na,”�kundi:�“Pag-usapan natin nang maayos.”
04/05/2026
“Sana all.”
Ang dali sabihin, no?
Parang biro lang sa umpisa.�Makakita ka ng post, may bagong kotse, may travel, may simpleng sweet moment, �tapos mapapacomment ka na lang ng,�“sana all.”
May narinig nga ako minsan,�sabi nila, defeatist daw ‘yan.�Parang inaamin mo na hanggang tingin ka na lang.
Pero sa totoo lang,�ganun ba lagi?
Kasi kung iisipin mo,�hindi ka naman magsasabi ng “sana all”�kung wala kang nakita na gusto mo rin, ‘di ba?
Parang saglit na napaisip ka-�“Ang ganda nun ah… pwede kaya sa akin ‘yon?”
Hindi naman agad inggit.�Hindi rin agad pagkatalo.
Minsan, yun lang yung pinaka-honest na reaction mo.
Pero siguro doon nagkakaiba.
Kung hanggang “sana all” ka lang,�paulit-ulit,�sa bawat makita mo-�baka nga wala talagang mangyari.
Pero kung after mong sabihin yun,�may konting kurot na,�“gusto ko rin ‘to ah… ano kaya pwede kong gawin?”
Iba na ‘yon.
Hindi na siya hininga lang.�Nagiging direksyon na siya.
Kasi hindi naman masama na may hangarin.
Ang tanong lang talaga -�katapos mong magsabi ng “sana all,”�anong susunod mong gagawin?
JRJ
29/04/2026
“Ano ba ang kontribusyon mo?”
Madalas itong tanong�kapag nauubusan na ng argumento.
Parang panapos.�Parang panumbat.
Pero kung iisipin mo,�madali lang sagutin.
Sumusunod ka sa batas.
�Ginagawa mo ang trabaho mo nang maayos.
�Tumutulong ka sa pamilya mo.
Hindi maliit ‘yan.
Araw-araw mong ginagawa, pinagsama-sama,�nagiging ambag sa mas malaking larawan.
Pero dito rin nagiging mahirap ang tanong.
Kapag puro reklamo ka,�sa totoong buhay�at sa social media-
ano nga ba ang ambag mo?
Hindi lahat ng opinyon, kontribusyon.
�Hindi lahat ng ingay, may saysay.
Kaya bago mo itanong sa iba:
�“Ano ba ang kontribusyon mo?”
Siguro itanong mo muna sa sarili mo:
May ginagawa ba ako, o puro sinasabi lang?
-JRJ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Lapu-Lapu Street
Carcar
6000