The Cavite Rising

The Cavite Rising

Share

Fair and reliable journalism for every Caviteño.

19/09/2026

DAGDAG-SINGIL NA NAMAN, MGA CAVITEÑO! ⛽️

Inaasahang tataas ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene sa September 22, 2026, na maaaring magdulot ng karagdagang gastos sa mga motorista.

Photos from The Cavite Rising's post 19/09/2026

VIKINGS TAGAYTAY, OPEN NA! 🍽✨

May bago na namang isa sa pinakamalalaki at pinakabagong buffet at events destinations na puwedeng puntahan sa Tagaytay!

Mahigit 400 putahe, grand event space para sa 1,200 guests, function rooms, VIP rooms, at Garden Dining at Al Fresco areas ang tampok dito. 🎉

📍 1 Tagaytay Laurel Road, Aguinaldo Highway, Maharlika West, Tagaytay City
📌 Vikings Luxury Buffet Tagaytay

Tag mo na ang family and friends mo! ❤️

📸 The Spot Finder, Lakwatsero Caviteño

19/09/2026

Kabilang ang Cavite sa Top 5 Provinces sa Most Business-Friendly Local Government Unit Awards, ayon sa DILG Cavite, habang ilang lungsod at bayan sa lalawigan ay nakapasok din sa kani-kanilang kategorya.

Kabilang sa City Category ang General Trias City bilang Top 5, habang finalists ang Bacoor City, Dasmariñas City at Imus City.

Samantala, sa Municipal Category , kabilang sa Top 5 ang Magallanes, habang finalist naman ang Kawit.

18/09/2026

PWEDE NA MANGARAP! ✈️

BENTE NA ANG NAHULOG, VIETNAM NA YAN THIS 2027! 😭😂

18/09/2026

AI SA DSPC? 🤖🏆

Umani ng diskusyon online ang mga medalya at trophy sa 2026 Division Schools Press Conference ng Iligan City matapos mapansin na tila AI-generated ang mga disenyong ginamit sa awards para sa mga student journalist.

Kinuwestiyon ni Rick Maquiling ang paggamit ng AI-generated na disenyo, dahil nakatuon mismo ang tema nito sa journalism at creative industries sa panahon ng AI.

18/09/2026

Naghahanda ang Office of the Ombudsman na magsampa ng criminal at administrative complaints laban kina Sen. Mark Villar, Sen. Camille Villar, Manny Villar, Cynthia Villar, Manuel Paolo Villar, at mga opisyal ng PrimeWater.

Sinusuri ng Ombudsman ang mga kasunduang ginawa ng PrimeWater sa tatlong local water districts at ang mga isyung kaugnay ng mga ito.

18/09/2026

Nakapagtala ang Cavite State University ng 97.01% passing rate matapos pumasa ang 65 sa 67 examinees nito sa September 2026 Social Workers Licensure Examination, dahilan upang mapasama ang unibersidad sa Top 8 Performing Schools.

Dahil sa kanilang paghahanda at pagtitiyaga, ganap nang Registered Social Workers ang mga nakapasa at maaari nang maglingkod sa komunidad.

18/09/2026

DAHIL FRIDAY NGAYON, QUIZ TIME MUNA TAYO! 📝✨

Tingnan natin kung makukuha mo ang tamang sagot! 👀 Comment down below!

17/09/2026

Nakatakdang bumalik sa Cavite ang wholesale giant na Makro sa pagbubukas ng bagong branch sa Evo City sa Kawit, halos dalawang dekada matapos gawing SM Hypermarket ang dating branch nito sa Imus.

Muling inilulunsad ng Ayala Corporation at CP Axtra ang Makro sa Pilipinas na may mga bagong branch sa Cloverleaf, Broadfield, Arca South at Evo City.

Photos from The Cavite Rising's post 17/09/2026

99 DAYS NA LANG, PASKO NA!🎄

May isa na namang pasyalan na puwedeng idagdag sa inyong holiday bucket list!

May giant candy canes, photo spots, DIY cookies, gingerbread houses, at iba pang attractions na hatid ang Christmas vibes! 🍭🏠✨

📍 Brgy. Palumlum, Alfonso, Cavite
📌 The Gingerbread House

Tag mo na ang family and friends mo! 🎄❤️

📸 Lakwatsero Caviteño

Want your business to be the top-listed Media Company in Cavite?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Cavite
4100