Mayor Marjo Reyes
KAIBIGAN KAHIT KAILAN ππ
24/09/2026
QUIZ BEE COMPETITION
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary, isinagawa ng Local Government Unit of Coron ang Quiz Bee Competition, na nilahukan ng apat na teams na binubuo ng mga empleyado ng LGU Coron.
Layunin ng aktibidad na mahasa at mapalawak muli ang kaalaman ng ating mga kawani, gayundin ang pagbibigay ng pagkakataon na matuto, makipagtulungan, at magsaya bilang isang organisasyon.
Champion - Team Maparaan
1st Place - Team Malikhain
2nd Place - Team Magiting
3rd Place - Team Masigasig
Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan.
23/09/2026
CONGRATULATIONS, ALTHEA! π
Warmest congratulations to Althea Krizia Vicentino Sariego, a proud young Coronian, for placing 8th in the September 2026 Psychometrician Licensure Examination with an outstanding 92.80% rating.
Your achievement brings pride to your family and to the entire Coron. May your success inspire fellow Kabataang Coronian to pursue their dreams with determination, excellence, and faith. We are proud of you Althea!
Congratulations to all who passed and to those who didnβt make it this time, keep going, this is not the end, but another step toward your dream. Padayon, Kabataang Coronian! We are proud of you all! β€οΈπ
22/09/2026
ECAN BOARD MEETING | SEPTEMBER 22, 2026
Isinagawa ngayong araw ng Martes, ika-22 ng Setyembre 2026 ang Environmentally Critical Areas Network (ECAN) Board Meeting para sa deliberation at pagtalakay sa Watershed Special Use Permit (WSUP) Renewal.
Isinagawa ang pagpupulong bilang bahagi ng pagsusuri at pagproseso ng mga kaukulang aplikasyon alinsunod sa mga umiiral na patakaran at guidelines ng ECAN.
22/09/2026
MUSLIM COMMUNITY IN CORON | LIGA NG MGA KAPATID NATING MUSLIMππ
Nakipagpulong at personal na tinanggap ni Mayor Mario T. Reyes Jr. sa kanyang tanggapan ngayong umaga ang mga kinatawan ng Muslim Community in Coron upang talakayin ang nalalapit na Liga na gaganapin sa October 9β17, 2026 sa Coron Gymnasium, Barangay Poblacion 6.
Bilang pagpapakita ng patuloy na suporta sa kanilang programang ay agad na nagpaabot si Mayor Reyes ng financial assistance upang makatulong sa matagumpay na pagsasagawa ng nasabing liga.
Hangad ng Pamahalaang Bayan ng Coron ang isang maayos, ligtas at matagumpay na Liga, na magsisilbing daan upang higit pang mapalakas ang pagkakaisa at samahan ng Muslim Community sa Coron.
22/09/2026
MANCOM MEETING | SEPTEMBER 22, 2026
Isinagawa ngayong araw, Setyembre 22, 2026, ang Management Committee (MANCOM) Meeting ng Siete Pecados Marine Park na pinangunahan at pinresidahan ni Mayor Mario T. Reyes Jr.
Kabilang sa mga tinalakay at inaprubahang agenda ang mga sumusunod:
β’ Mga panukalang appropriation mula sa CRM Fund ng Siete Pecados Marine Park para sa patrol boat, delineation ng BMββPA Core at Buffer Zones, at scuba diving equipment;
β’ Globe Coron Cable Restoration Project / Site Development Plan;
β’ Paglalaan ng ng dagdag na pondo para sa mga kaugnay na pangangailangan ng Siete Pecados Marine Park;
β’ Adoption of the Siete Pecados Marine Park Management Plan.
Isinagawa ang pagpupulong bilang bahagi ng patuloy na koordinasyon at pagtalakay sa mga usaping may kaugnayan sa pamamahala ng likas na yaman, marine conservation, development projects at iba pang mahahalagang gawain ng LGU-Coron.
22/09/2026
COURTESY CALL OF PHILIPPINE COAST GUARD PERSONNEL ASSIGNED TO CORON IN CONNECTION WITH THE MV JUNE ASTER INCIDENT|September 22, 2026
Personal na tinanggap ni Mayor Mario T. Reyes Jr. ang courtesy call ng mga opisyal at tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakatalaga sa Coron, kabilang ang mga pansamantalang na-deploy sa bayan kaugnay ng insidente ng MV June Aster.
Kabilang sa mga nakipagkita kay Mayor Reyes ang mga PCG personnel at legal officers na patuloy na nakikibahagi sa mga kinakailangang proseso kaugnay ng patuloy na imbestigasyon sa insidente.
Sa kabila ng mga pangunahing operasyon na isinagawa matapos ang insidente, patuloy ang presensya at koordinasyon ng PCG sa Coron, kabilang ang mga sasakyang-dagat ng Philippine Coast Guard na nananatili sa lugar bilang bahagi ng kinakailangang suporta at kaugnay na mga gawain habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Kinilala ni Mayor Reyes ang masigasig, masusing, at tuloy-tuloy na pagtupad sa tungkulin ng mga tauhan ng PCG, lalo na ang kanilang pakikiisa sa mga search, rescue, recovery, at iba pang operasyon, gayundin sa mga kinakailangang hakbang para sa patuloy na pag-usad ng imbestigasyon.
Ipinaabot ni Mayor Reyes ang kanyang taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa kanilang dedikasyon, sakripisyo at walang sawang serbisyo sa panahon ng isang insidenteng nangangailangan ng matatag na koordinasyon, maingat na pagtugon, at masusing imbestigasyon.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Coron sa Philippine Coast Guard at iba pang concerned agencies upang masuportahan ang mga kinakailangang proseso kaugnay ng insidente.
Maraming salamat sa Philippine Coast Guard sa inyong patuloy na dedikasyon at serbisyo para sa Coron. βπ΅π
21/09/2026
PAGPUPUGAY AT PASASALAMAT SA PNP FORENSIC GROUPπ«‘π΅π
Ngayong araw ng Lunes, ika-21 ng Setyembre 2026, personal na iginawad ni Mayor Mario T. Reyes Jr. ang Certificate of Commendation sa mga miyembro ng PNP Forensic Group bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo, dedikasyon at malasakit sa pampublikong paglilingkod kaugnay ng insidente ng MV June Aster.
Mula pa noong September 10, nanatili sa Coron ang PNP Forensic Group upang gampanan ang kanilang mahalagang tungkulin sa forensic examination at identification ng mga biktima. Sa loob ng mga araw na kanilang inilaan sa ating bayan, naging mahalagang bahagi sila ng patuloy na pagtugon sa trahedyang ito.
Ngayong araw, sila ay pabalik na sa kani-kanilang lugar matapos ang kanilang misyon sa Coron.
Buong-pusong nagpapasalamat si Mayor Reyes sa kanilang napakahalagang kontribusyon, propesyonalismo at walang-sawang dedikasyon. Malaki ang naging papel ng kanilang grupo upang makatulong sa pagbibigay ng nararapat na pagkakakilanlan sa mga biktima.
Maraming salamat sa inyong serbisyo at sakripisyo. Ang inyong naging ambag sa Coron sa panahon ng matinding pagsubok ay lubos naming pinahahalagahan at hindi malilimutan. π
π Forensic Office
4th Floor, Annex Building, Coron, Palawan
21/09/2026
SA DIREKTIBA NI MAYOR MARJO REYES, PERSONAL NA INIINIKOT ANG MGA BARANGAY PARA SA ASF AWARENESS! π·π‘οΈ
Sa direktiba ni Mayor Mario T. Reyes Jr. ay personal na inikot ng ating Municipal Agriculturist, Mr. Geronimo βGerryβ Gevela, ang ibaβt ibang barangay sa ating bayan upang magsagawa ng Information, Education and Communication (IEC) on African Swine Fever (ASF) Surveillance and Monitoring.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng ating mga hog raisers at mga kababayan tungkol sa pag-iwas, maagang pagtukoy at tamang pag-uulat ng anumang senyales ng ASF.
π· Maging maagap.
π‘οΈ Protektahan ang ating mga alagang baboy.
π’ Agad na i-report ang anumang kahina-hinalang sintomas o insidente.
Sama-sama nating pangalagaan ang ating livestock industry at kabuhayan ng ating mga kababayan.
Bantay ASF, Protektado ang Kabuhayan!ππ
21/09/2026
ππ΅π CONGRATULATIONS, LEOMAR ORIA! π
Isang malaking karangalan para sa ating kababayan, Leomar Oria, matapos maging CHAMPION sa The One Pickleball Championship 2026 held in Da Nang, Vietnam! π»π³π
Habang patuloy na lumalaki ang pickleball community sa ating bayan, inspirasyon si Coach Leomar sa ating mga kababayan, bata man o matanda na subukan, matuto at makilahok sa sport na para sa lahat. πβ€οΈ
Congratulations, Leomar! Proud kami saβyo! π΅ππ
21/09/2026
CLEAN SEAS FOR RESILIENT COMMUNITIES
Nakilahok ang Local Government Unit of Coron sa International Coastal Cleanup Drive noong Setyembre 19, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary.
Pinangunahan ito ng DENR-CENRO Coron, katuwang ang Local Government Unit of Coron at mga tourism stakeholders na nakiisa bilang bahagi rin ng kanilang pagdiriwang ng Tourism Month.
Sa sama-samang pagkilos, patuloy nating pinangangalagaan ang kalinisan ng ating mga karagatan at baybayin para sa mas ligtas, malinis, at matatag na komunidad.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Municipality Of Coron
Coron
5316
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Mayor Marjo Reyes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.