CN Secret Files
samahan nyo kaming labanan ang disinformation at historical revisionism. say NO to Fake News.
we are verifying reports tungkol sa shooting incident na nangyari sa paracale ngayong gabi.
REALTALK sa problema ng karahasan sa loob ng paaralan,
kapag teacher ka at pro Duterte ka madaling kunsintihin ang paggamit ng salitang "BANGAG" at "ADIK" sa loob ng paaralan, lalo't ginatungan ng idea na "dapat ibalik ang panahon ni Duterte"
ano ba ang mayroon noong panahon ni Duterte? KARAHASAN/PATAYAN
Ito ang pinaka CONTRIBUTING FACTOR
ang TRIGGER FACTOR?
ito ay mga magulang o relatives ng estudyante na may BARIL o access sa FIREARM.
21/07/2026
Ito ang realidad ng pinagsamang epekto ng matinding init dulot ng El Niño at ng patuloy na pagdami ng mga kabudan o minahan sa Camarines Norte.
Habang nararanasan natin ang tuloy-tuloy na matinding init, kasabay naman nito ang kabi-kabilang pagputol ng mga puno sa kabundukan ng lalawigan. Kung iniisip ninyo na walang kaugnayan ang pagmimina sa pagtotroso, mahalagang maunawaan na sa pagdami ng mga kabudan ay tumataas din ang pangangailangan sa timber wood na ginagamit bilang suporta sa mga lagusan at iba pang istruktura sa loob ng minahan.
Isa sa mga lubhang naaapektuhan ay ang kabundukan sa West District ng Jose Panganiban, kabilang ang mga barangay ng San Jose, Santa Cruz, San Pedro, San Isidro, at San Martin. Dahil sa patuloy na pagkakalbo ng kagubatan, dalawang mahalagang pinagkukunan ng tubig sa lugar ang naiulat na naapektuhan, na nagdulot ng paghina at sa ilang pagkakataon ay pagkawala ng suplay ng tubig sa mga komunidad.
Mas nakababahala ang mga ulat na ang ilan sa mga pagputol ng puno ay umano'y isinasagawa nang walang kaukulang cutting permit, at may alegasyong sangkot ang ilang opisyal ng barangay. Kung mapatutunayang totoo, ito ay hindi lamang paglabag sa batas kundi isang seryosong banta sa kalikasan at sa kapakanan ng mga mamamayan.
Bukod sa posibleng pagkawala ng buwis na dapat sana'y napapakinabangan ng pamahalaan, nagdudulot din ang ilegal na pagtotroso ng pagkasira ng mga watershed, pagguho ng lupa, pagdumi ng mga ilog, at pagkawala ng tirahan ng maraming uri ng hayop at halaman. Kabilang dito ang mga threatened at endemic na species ng mga puno na mahalaga sa balanse ng ating kagubatan.
Ang kagubatan ay hindi lamang pinagkukunan ng kahoy. Ito ang pinagmumulan ng malinis na hangin, tubig, kabuhayan, at proteksiyon laban sa pagbaha at matinding init. Kapag patuloy itong sinisira, hindi lamang ang kalikasan ang nawawalan—pati ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Panahon na upang mas paigtingin ang pagpapatupad ng batas laban sa illegal logging.
15/05/2026
Mga kapwa mamamayan ng Camarines Norte,
Kami ay nananawagan sa lahat ng sektor ng ating lalawigan na makiisa sa panawagang ideklara ng LGU ng Camarines Norte bilang persona non grata si Robinhood Padilla dahil sa ipinakitang asal at pag-uugali sa loob mismo ng Senado na hindi karapat-dapat tularan ng isang lingkod-bayan.
Hindi natin dapat gawing normal ang pagbabanta ng pananakit laban sa kapwa opisyal ng pamahalaan at ang mga kilos na sumisira sa dignidad, respeto, at integridad ng mga institusyon ng bansa. Bilang mga mamamayan ng Camarines Norte, may karapatan tayong ipahayag ang ating paninindigan laban sa anumang asal na nagpapakita ng kawalan ng respeto sa batas at sa maayos na proseso ng pamahalaan.
Ang panawagang ito ay hindi tungkol sa politika o personal na galit.
Ito ay paninindigan para sa respeto, disiplina, at wastong asal na inaasahan natin sa mga taong may mataas na tungkulin sa gobyerno.
Inaanyayahan namin ang mga kababayan nating taga-Camarines Norte, mga kabataan, organisasyon, barangay leaders, at iba pang sektor na makiisa at magpahayag ng suporta sa panawagang ito upang ipakita na ang ating lalawigan ay naninindigan para sa dangal, respeto, at pananagutan ng mga opisyal ng bayan.
Para sa Camarines Norte.
Para sa respeto sa institusyon.
Para sa kapakanan ng mamamayan.
22/04/2026
📢 PANAWAGAN SA BUONG BAYAN NG PARACALE AT MGA KARATIG-BAYAN
May nakatakdang proyektong pagmimina na nagkakahalaga ng bilyon na sasakop sa mga barangay Tawig, Tugas, at Casalugan. Bagamat tila limitado sa ilang lugar, ang magiging epekto nito ay hindi lamang doon magtatapos.
Ang pagmimina ay may potensyal na magdulot ng:
• Pagkakalbo ng kagubatan at bundok
• Pagkasira ng watershed at pinagkukunan ng malinis na tubig
• Polusyon sa ilog at dagat na apektado ang pangingisda at kalusugan
• Pangmatagalang pinsala sa kalikasan na mararamdaman ng buong bayan
❗ Hindi lang ito laban ng iilang barangay — laban ito ng buong Paracale.
Kami ay nananawagan:
👉 Sa lahat ng residente ng Paracale, kahit hindi direktang apektado ang inyong lugar, makibahagi, makialam, at magmonitor.
👉 Dumalo sa mga public hearing, magtanong, at ipahayag ang inyong saloobin.
👉 Bantayan ang mga desisyon na makakaapekto sa kinabukasan ng ating bayan.
🤝 Sa mga karatig-bayan, hinihikayat din namin ang inyong pakikiisa at pakiki-simpatiya. Ang kalikasan ay walang hangganan—ang epekto nito ay maaaring umabot sa inyo.
🌱 Ang kalikasan ang ating yaman at pamana sa susunod na henerasyon. Kung hindi tayo kikilos ngayon, kailan pa?
Makialam. Makibahagi. Ipaglaban ang kalikasan.
03/04/2026
Viral ngayon ang kwento ng isang batang nag-walkout sa kanyang graduation dahil sa banta ng harassment at pang-aabuso. Posibleng hindi lamang ito nangyayari sa Camarines Sur.
May mga estudyante rin sa mga liblib na lugar sa Camarines Norte na mataas ang panganib o may banta sa kanilang kaligtasan.
Sa kasalukuyan, pagmimina na ang naging pangunahing kabuhayan ng ilang dating magsasaka. Dahil sa liit ng kita sa pagkokopra at pagtatanim ng palay, marami ang naeengganyo na pumasok sa pagmimina—mapa-legal man o ilegal—dahil mas mabilis ang kita kumpara sa pagsasaka.
Sa pagmimina, hindi maiiwasang maiugnay ang mga isyu tulad ng droga. Dahil 24 oras ang operasyon sa ilang minahan, mahirap paniwalaan na may minahang hindi naaapektuhan ng ganitong problema. Dito nagsisimula ang mas malalim na suliranin—mula sa tahanan ng mga minero hanggang sa humantong sa krimen at pang-aabuso.
Paano kung, katulad ng batang mula sa Camarines Sur na na-expose sa ganitong sitwasyon, ay may mga bata rin sa Camarines Norte na nakakaranas ng parehong panganib?
Term na "HOSTILE" Sa Pnp o law enforcement ano ito at ano ang dapat na reaksyon ng police kapag ang isang komunidad sa isang Barangay ay naharap sa hostile na sitwasyon?
Sa konteksto ng Philippine National Police (PNP) at law enforcement, ang terminong “hostile” ay tumutukoy sa tao, grupo, o sitwasyon na may malinaw na banta o agresibong intensyon laban sa kapulisan o sa publiko.
Tumanggi ang pulis sa responde kailangan daw dumaan muna sa barangay kahit nagpakita ng hostile na ugali ang tao?
Kung may taong nagpapakita na ng “hostile” behavior (may banta, agresibo, posibleng may armas), hindi tama na ipagpaliban ang police response at sabihing “dumaan muna sa barangay” lang.
⚖️ Ano ang tamang prinsipyo?
Sa ilalim ng mandato ng Philippine National Police:
Primary duty ng police ang magresponde sa banta sa buhay at seguridad
Ang barangay ay para sa mediation / minor disputes (hal. away kapitbahay)
Pero kapag may:
banta ng pananakit
pananakot
may armas 👉 Diretso na dapat sa police intervention
* Kailan HINDI na “barangay muna”?
Hindi na ito dadaan sa barangay kung:
May immediate danger (posibleng may masaktan)
May hostile/aggressive individual
May krimen na nagaganap o malapit nang mangyari
May intimidation o pagbabanta
*Sa ganitong sitwasyon, police action agad ang dapat, hindi delay.
Katwiran ng pulis 40-60mins ang layo ng station sa lugar ng hostile kaya barangay ang pinaka mabilis na responde pero paano kung walang responde ang barangay
Ang Philippine National Police ay may limitasyon sa distance at manpower, kaya minsan sinasabi nilang barangay muna dahil:
Mas malapit ang tanod / barangay officials
Sila ang first responders sa community level
👉 Praktikal ito, pero hindi ibig sabihin na: ❌ Pwede na silang hindi rumesponde
❌ O iiwan na lang ang sitwasyon kung walang kumikilos ang barangay
🚨 Kung WALANG responde ang barangay, ano ang dapat mangyari?
Kapag parehong:
malayo ang pulis
at walang aksyon ang barangay
👉 Dapat mag-adjust ang police response, hindi ang civilian ang mag-adjust sa panganib.
🛠️ Practical steps na pwede mong gawin
1. 📞 Tawag ulit sa pulis — i-escalate ang urgency
Sabihin mo nang diretso:
“Walang rumespondeng barangay”
“Lumalala ang sitwasyon / may banta na”
👉 Ang goal: ma-classify nila ito bilang priority call
2. ☎️ Tumawag sa ibang unit / hotline
Kung hindi kumikilos ang local station:
Provincial / city police office
911 emergency hotline (kung available sa area)
👉 Minsan mas mabilis mag-trigger ng response kapag na-escalate
Posibleng pagbawas ng DELIVERY ZONE sa Camarines Norte nagbabadya sa susunod na dalawang buwan.
May lumalabas na senyales na ang mga courier at online shopping delivery services ay maaaring magbawas ng delivery coverage, lalo na sa mga liblib at malalayong barangay sa Camarines Norte, kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at inflation.
Dahil apektado na rin hindi lang ang trucking pati na rin ang mga delivery rider na motorsiklo lang ang gamit sa paghahatid ng parcel, may mga courier company na ang nagpahiwatig na magbabawas ng empleyado sa susunod na dalawang buwan kapag patuloy na tumaas ang presyo ng petrolyo at inflation.
Namumurong maapektuhan ang delivery sa mga liblib isolated o remote area sa mga bayan sa Camarines Norte.
15/03/2026
Pulis blogger umani ng batikos matapos kampihan ang isang police mobile na sumingit sa trapiko.
caption pa lang mukhang pinapalabas na ng Pulis blogger na pikon ang uploader at baka may dahilan umano ang mobile sa pag-singit. komento ng mga netizens, kung may RESPONDE bakit walang sirena o wang-wang?
Source : https://www.facebook.com/reel/4216817478533716/?app=fbl
iisa pa lang yung politiko sa cam Norte na nagpakita ng initiative na mag comply sa ANTI-EPAL policy ng DILG, gusto nyo ba magkaroon tayo ng EPAL serye kung saan highlited ang mga matigas na ayaw pabura ng kanilang pangalan sa mga proyektong pinondohan gamit ang buwis ng taumbayan?
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Daet
4600
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when CN Secret Files posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.