The Postscriptum

The Postscriptum

Share

β€’ πš–πšπšŠ π™ΏπšŠπš‘πšŠπš‹πš˜πš• πš—πšŠ πš‚πšžπš•πšŠπš β€’

13/08/2026

lagi’t laging babalik sa paalalaβ€”may pag-asa.
~

Melvin Waje
***

Photos from Bulakta Theatre's post 13/08/2026

Join by signing the form here: https://bit.ly/HousesOnWatersForm

11/08/2026

Lagi na lang may takot sa tuwing magsisimula, sa tuwing susugal, o sa tuwing magdedesisyon. Minsan, itong takot na ito ang lumalamon sa atin para hindi gawin ang mga bagay na dapat ay ginawa na natin.

Nandito lagi ang hadlang, ang problema, at pagsubok. Laging nasa pagitan ng takot na harapin lahat.

Madalas nating kalimutan na ang magagandang bagay na nangyayari sa ating buhay ay dumarating pagkatapos nating harapin ang takot, pagkaraan nating maging matapang. Lagi nating kinalilimutang dinaanan na natin ito, nalampasan, umuulit lang para subukin kung may natutuhan.

Kaya mo β€˜yan. Tapangan mo lang ulit.
~

Melvin Waje
***

10/08/2026

Batiin mo man lang ang sarili mo sa maliliit na tagumpay o kahit sa mabagal na usad na tahimik mong inilaban.

Baka sa mga inaakala nating maliit at simpleng tagumpay, paglago, o pag-usad, doon natin mas matagpuan ang gaan sa pakiramdam. Baka nga doon natin makita ang sarili na umuusad, na may nagagawa. Baka hindi natin pinapansin, malaki na pala ang epekto ng mga akala nating maliliit na bagay na ito sa atin bilang tao.

Hintayin mo saglit ang sarili. Pagkaraan, tanawin mo siya. Pansinin mo lahat, kahit pa ang pinakamaliit na progreso.
~

Melvin Waje
***

07/08/2026

✨ LIBRENG E-POETRY ZINE ✨

Mayroong 20 tagalog na tula ang mababasa sa Samu’t Sari, Kung Anu-Ano e-poetry zine na ito.

Libreng i-download at basahin ang mga ito.

Link: https://drive.google.com/drive/folders/1IuCwga4ZWBHz99cVnSCvnQqblbE1smeN?usp=sharing (buksan gamit ang ibang browser para madownload ang file)

At kung nais ninyong suportahan ang proyektong LIBRENG TULA SA KALYE, maaari kayong magbigay ng ANUMANG HALAGA BILANG BOLUNTARYONG DONASYON.

Ang lahat ng malilikom ay gagamitin para sa mga materyales sa paglikha (papel, print, atbp.) at pamamahagi ng mga libreng tula.

Para sa ganap na transparency, ang kabuuang halaga na matatanggap na donasyon at ang detalyadong liquidation ng mga nagastos ay ibabahagi rin sa post na ito (comment section).

Maraming salamat sa pagbabasa at suporta. 😌

QR code: tingnan sa comment section.

05/08/2026

May paalala sa’tin ang karanasan: bago natin mahawakan ang isang bagong bagay, kailangan muna nating pakawalan ang matagal na nating tangan.

Hindi dahil walang halaga ang mga binitiwan, kundi dahil may mga bagay na hindi maaaring pagsabayin sa iisang palad. May mga tao, pangarap, at pagkakataong dumarating lamang kapag may espasyo na para sa kanila.

Kaya siguro paulit-ulit tayong tinuturuan ng buhay na bumitaw. Hindi upang sanayin tayong mawalan, kundi upang ihanda tayong humawak sa mas makabuluhang bagay, sa mga taong tunay na para sa atin, at sa mga pagkakataong matagal nang kumakatok ngunit hindi natin mabuksan dahil puno pa ang ating mga kamay.
~

Melvin Waje
***

04/08/2026

Hindi naman masama kung minsan na maging tulad ka ng bulaklak na yumuyuko sa bigat ng ulan. Hindi rin kasalanan ang maging parang tutubing dumadapo muna sa tangkay matapos makipagsapalaran sa ihip ng hangin o sa initan. Ayos lang din kung maramdaman mong humihinto ka, dahil gaya ng ilog, may mga bahagi ring tila nag-aatubili itong umagos.

Padaanin mo sa iyong harapan ang katotohanang hindi tayo palaging tulad ng punong matatag sa gitna ng bagyo. May mga panahon ding nalalagas ang ating mga dahon.

Hindi kailangang maging malakas sa lahat ng pagkakataon. May mga pagod na hindi dapat labanan, minsan kailangan mo itong pakinggan.

May mga paghintong hindi tanda ng katapusan kundi bahagi lamang ng paglalakbay pabalik sa sarili at sa’yong kalooban.
~

Melvin Waje
***

03/08/2026

kakayanin at
malalampasan
mo rin lahat

~
Melvin Waje
***

03/08/2026

Sa susunod nating pagtambay at pamimigay ng libreng tula, puwede mo ring ipamigay ang sarili mong mga sulat.

Pindutin at sagutan mo lang ang forms na ito, https://forms.gle/A2e5pbkH1C11SLrk6 at ako na ang bahalang mag print at magsama ng mga tula mo para mabasa rin at maiuwi ng iba.

Taga Bulacan ka man o hindi, puwede kang magpadala ng tula mo.

Basahin lang ang mga detalye sa forms para sa ilang panuntunan para sa pagpapadala ng tula.

Kitakits ngayong Agosto sa mga Kalye ng Malolos.

02/08/2026

Wala ng kakayahan ang paborito kong lugar noong bata pa ako na ibalik ako sa panahong wala pang problemang iniisip.

Pero may kapangyarihan pa rin ito gaya ng datiβ€”na kahit ilang beses akong mapagod, itong tahimik na lugar na ito ang paalala sa akin kung gaano na kalayo ang narating ko.

At kahit hindi madali ang buhay, pribilehiyo pa rin para sa akin ang makabalik at muling tanawin ang dating paboritong lugarβ€”ang lugar na humubog at bumuo sa akin, ang lugar na naging saksi sa mga pangarap, at ang lugar na minsang hinayaan akong maniwala na kaya kong abutin ang mga ito.

Ligtas na lugar pa rin ito para sa batang ako na patuloy na nangangarap.

Laging gamot ang
bawat pag-uwi.
~

Melvin Waje
***

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Hagonoy?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Hagonoy
3002