SiDi

SiDi

Share

Confession page. you can share your story/experience in this page. This is the format po. Title,
Age, kasarian, and story please

And please follow our page.

Thanks

13/09/2026

Hi Sidi, I want to share my story regarding sa sugal addiction.

Matagal na akong nagsusugal online. Ilang beses na akong nag-promise sa sarili ko na mag-stop, pero never nangyari. Maganda naman ang trabaho ko at kumikita ako ng sapat. Ang asawa ko naman ay abroad at enough lang din ang padala niya. Pero ang mas nauuna ko talaga ay ang sugal. 😪

Nabaon ako sa utang. Muntik nang mahatak ang bahay ko dahil hindi ko na nahuhulugan. Ang dami kong naging bad experiences. Dumating ako sa point na hindi ko na kilala ang sarili ko.

Feeling ko ang pangit-pangit ko na dahil sa sugal. Kahit panalo na ako, pinapatalo ko pa. Matalino akong tao, pero pagdating sa sugal, ang bobo ko.

Ngayon, nagdesisyon na akong tumigil. Nag-self-ban na ako sa lahat ng online sugal. Never na never na akong magsusugal. Ifo-focus ko na ang sarili ko sa mga bayarin at sa mga anak ko.

Walang patutunguhan ang sugal. Sira ka na, sira pa ang kinabukasan ng pamilya.

Mag-start ako sa simula. Magbabayad ng mga utang at babangon ulit. Pangako ko sa sarili ko.

Kaya sana magkatotoo ang sinabi ng gobyerno na i-ban ang mga online sugal para mabawasan ang mga naaadik at mas maraming pamilya ang hindi na masira dahil dito.

12/09/2026

Hello, SiDi.

Please hide my identity, gamit ko po real account ko.

Female, 23 years old, at degree holder. Nag-start ako magsugal sa ate ko. Pinasahan ako ng 100, naging instant 1.2k. Hanggang sa naengganyo ako. Dati, 50–100 lang, hanggang sa nagka-work ako at mas lalo pang lumaki, to the point na yung 8k+ na sahod ko, natalo ko.

1 month na pagod at trabaho, naglaho lang dahil sa kagustuhan kong palakihin yung pera.

Dito na nagsimula ang pangungutang ko. Una, 500 lang, umabot sa 5k, pero nababayaran naman kasi nga may work. Hanggang sa sunod-sunod na naman ang talo. Nakapanloko na rin ako para lang makautang. Ang dami kong chinat para mangutang na hindi ko lubos na akalain na magagawa ko.

Nalaman iyon ng BF ko. Hiniwalayan niya ako, pero nagkabalikan din kami. Hindi niya alam na marami pa rin akong utang.

Sa ngayon, aabot na sa 10k+ ang utang ko na dapat hanggang September 23 ko mabayaran.

Anong gagawin ko? Advice naman diyan sa comment section or kung sino man ang puwedeng makatulong sa akin. Kasi hindi ko na alam.



Thank you po!

11/09/2026

Hello SiDi, 25,f palagi kong nakikita yung mga posts about sa addiction ng s*gal. And yes, I admit, I'm one of them.

Nag-start lang ako noon sa cash-in na 500 pesos. For me, that time, malaking pera na. Nag-try lang ako, baka sakaling dumami since I don't have a permanent job back then.

And yes! Sa una nga, nanalo ako ng 12k. Color game yung laro ko. Sobrang saya ko noon. Nabibili ko lahat ng needs ko at ng anak ko.

Hanggang sa nasarapan na ako, to the point na napasabi na lang ako sa sarili ko, “What if hindi na ako mag-work? Tutal, mas malaki pala yung pera dito. INSTANT, isang click mo lang. Hindi ka na mapapagod mag-8 hours duty.”

Lumipas yung taon, yun at yun na lang yung routine ko—mag-sugal araw-araw. Pag natalo, hahanap na naman ako ng mautangan. Kahit na mapahiya, okay na lang, basta maka-sug*l.

Then there's one man na nakilala ko. Inayos niya yung buhay ko. He is a seaman. May sarili akong allotment kahit hindi pa naman ako asawa. Bumalik ako ulit sa pagsusugal. Akala ko mananalo pa ako ng sobra sa hinahangad ko. But I was really d*amn wrong!

Lalo akong nalubog, to the point na hindi ko na alam paano makaahon, hanggang sa naghiwalay na lang kami.

In this year, 2024–2026, tuloy ko pa rin yung pagsusugal ko. But this time, meron na naman akong “man” na nag-su-support sa akin. He is very all-out sa lahat. Ang dami ko nang pagsisinungaling, nalaman niya rin na nagsusugal ako, and yet, napatawad niya pa rin ako.

In all, estimate ko around 3M yung natalo ko sa buong journey ko.

Gusto ko nang maalis yung sugal sa buhay ko. It doesn't work the way I planned. And I'm still praying that one day, ilayo na ako sa mundo ng sugal. Nasira ko na yung pamilya, tiwala, at maski sarili ko, hindi ko na rin kilala.

My last message will be:

Yung may taong handang tumulong sa inyo para ituwid lahat ng pagkakamali niyo despite sa lahat ng mga kasalanan na nagawa mo, keep them! At hanggang nandyan pa sila para sa atin, it's never too late para bumawi.

Kasi ang tunay na bawi, yun yung maibalik yung sarili natin at yung mga taong nagmamahal sa atin.

At naniniwala akong hindi INSTANT ang buhay. Maaaring sa isang pindot mo lang, mabago ang buhay mo. Being a gambling addict is not that easy. Ang dami mong thoughts and regrets. But if there's still a way to STOP, please, let's save ourselves.

Kasi ako, lubog na lubog ako sa pagkatao ko. Hindi lang pera yung nawala sa akin. Marami nang bagay, and ayoko na sanang dagdagan pa.

Thank you, SiDi.

10/09/2026

Hi Sidi, please hide my identity. Female, 38 years old, married.

Sidi, 2nd time ko na mag-confess sa’yo. Noong unang message ko sa’yo, Sidi, akala ko okay na ako. Akala ko makakawala na ako sa pesteng sugal na ’yan, pero nag-relapse ako, Sidi. Hindi ko kinaya ang tukso. 😭😭 Mas lalo pang nadagdagan yung utang ko.

Nalaman ng mister ko yung mga utang ko, pero wala siyang kakayahan na mabayaran yung utang ko kasi maliit lang din yung sweldo niya. Pero hindi niya ako iniwan. Alam ko gusto niya akong tulungan.

Sidi, grabe ang epekto sa akin ng sugal. Hindi na ako makatulog nang maayos at nawalan din ako ng gana sa pagkain. Bagsak yung timbang ko, laki ng pinayat ko.

Until one day, nag-message ako sa husband ko kung puwede ba akong humiram sa ate niya ng 3k, since nakaka-luwag-luwag naman yung ate niya sa buhay. Pero ang sabi niya sa akin, magsabi na lang daw ako ng problema ko sa kapatid niya, baka sakaling matulungan ako sa mga utang ko.

Thank God, tinulungan ako ng hipag ko. Although ang dami kong natanggap na sermon mula sa ate niya, sobrang kahihiyan ang inabot ko mula sa family ng asawa ko. Sabi ko, unti-untiin ko na lang bayaran sa kanya.

Ang hirap ng pinagdaanan ko, Sidi. Feeling ko mababaliw ako kakaisip kung saan kukuha ng ibabayad. Thank God, hindi niya ako pinabayaan. 🙏🙏

Nag-promise ako kay God na makaalis lang ako sa problema ko, hinding-hindi na ako magsusugal. 4 days bet-free na ako, Sidi. Sana tuloy-tuloy na ’to. 🙏🙏

Itigil niyo na po ang pagsusugal habang maaga pa. Lalo lang kayo mababaon sa utang. Ako po, nasa 70k na naging utang ko. Para na akong mababaliw.

Stop na po tayo. God bless po. 🙏🙏

Thank you, Sidi.

10/09/2026

Ptpa. Good evening. I just want to share my experience today.

Lulong ako sa sugal. Minsan kakasahod lang, ubos na. I started gambling February 2024 when my workmate introduced me. At first, try-try lang. Puhunan 200, nanalo ng halos 20k. Then the addiction started. Greed takes over.

May asawa't anak ako. Palagi na lang nanghihiram sa kahit sino, makasugal lang. I quit, but nagre-relapse pa rin. I decided to quit today.

Binigyan ako ni Lord ng chance. It's ironic kasi sa sugal ko rin nabawi halos 1/4 ng naitalo ko since I started gambling. Nanalo po ako ngayong araw.

I'll start this as a business. Winithdraw ko na po, then I cut off all banking apps and dee kash. Binigay ko na rin kay misis ang pera.

Salamat, Lord, sa isang pagkakataong maayos ang buhay ko. Hindi ko sinasabi na magsugal pa rin kayo. Lord will answer our prayers in His different, mysterious ways.

God bless po sa ating lahat. Nawa'y makaahon tayo dito. 🙏

10/09/2026

Hello Sidi, matagal na akong follower. Palagi din akong nagbabasa sa lahat ng mga post mo dito. Please hide my identity. Ako si R, private employee, at isa ako sa mga nalulong sa online sugal.

Nag-start ako since 2025. Akala ko easy money, pero mali ako. Unang laro ko, 10 pesos naging 1,200. Sumunod, nanalo pero natatalo rin. Pero totoo pala, kapag natalo ka, doon ka lalong lulubog dahil hahabulin mo yung talo mo.

Nanalo ako ng worth 80k. Akala ko tuloy-tuloy na, pero doon nasira ang buhay ko. Nabaon ako sa utang, almost 500k.

Ngayon, umiiyak ako at sobrang nagsisisi, pero hindi ako nawalan ng pag-asa na mababago ko din ang takbo ng buhay ko. Nagdasal ako kay Lord. Sa una, mahirap, pero pag-iisipan mo lahat ng masasamang nangyari sa buhay mo dahil sa sugal, doon ka mismo matatauhan at ikaw na mismo ang aayaw para maglaro.

Payo ko, habang maaga pa, tumigil na. At kung matalo man, tanggapin. Humingi ng tawad sa Panginoon. Hindi pa huli ang lahat. Habang may panahon pa, maaari pang itama lahat ng pagkakamali.

Walang easy money. Ang totoong panalo ay yung hindi ka na magsugal at makalaya sa utang.

10/09/2026

I am 29F, sa asawa ko na si G na naka-follow din kay Sidi dahil sa gambling addiction ko.

Mahal na mahal kita. Sobrang sorry kung bakit hirap ako magbago. Hindi ko rin alam. Hindi ko ma-explain. 💔 Alam ko sawa ka na sa sorry ko, sa iyak ko, lalo na sa mga false promises ko. Ipagpapasa-Diyos ko na lang lahat. 🥺

Sana pag dumating yung panahon na nagbago na ako, nandyan ka pa rin, gaya ng pagsama mo sa akin ngayon sa zero days ko. Hulog ka ng langit sa akin. Sa totoo lang, napakaswerte ko sa'yo. Kung minsan, mas galit pa ako kapag pinagsasabihan mo ako. Sorry, it's just the stress and pressure to win everything back. 😭💔

Kung may time machine lang, tapos buhay ko kapalit, itetake ko at ipapabalik ko sa panahon na hindi mo ako nakilala para hindi ka nag-struggle ngayon, mahal ko. 🥹

10/09/2026

Hello Sidi, please hide my identity. Btw,

hi Sidi. Gusto ko sana maibahagi ang kwento ko sa sugal. 😭

Mag-2 years na ako add*cted sa online gambling, and I admit to myself na ad*k na nga din ako. Although not everyday sug*l—for example, sa 1 month, 5 times ganon, minsan 3 times—pero kasi gusto ko na tumigil. Gusto ko na talaga bumalik sa dati ang buhay ko.

Dahil pangalawang beses na namin nag-away mag-asawa. Ang worst nung first time away namin kasi mismong sahod niya, nasugal ko. I keep trying na kapag natatalo ako gamit pera niya, ay gusto ko palitan pera niya. Pero I have no work. Ang ginagawa ko, kung kani-kanino ako nanghihiram ng pera gamit ang account ng asawa ko.

Then one day, nagulat siya na bakit daw yung isang friend niya na pulis binigyan siya ng pera? Nanghihiram daw ba ako? At sinabi ko na lang, wala akong ginagawa sa account mo. Pero the truth is, 50% ng friends niya sa FB ay nahiraman ko na ng pera—300, 200, mga ganun—kasi iniisip ko mabawi ko.

Then I realized na ang dami ko nang nautangan. 2 people na hindi pa kasama yung utang ko mismo sa kapatid kong tatlo.

Katulad ngayon, binenta ko mismo ang hair ko for 1.5k at naubos sa sugal. 😭 Galit na galit sa akin ang mister ko. Pinapalayas niya ako sa tinitirahan namin at tinatamad siya pumasok kasi iniisip niya, bakit siya magwo-work tapos uubusin ko lang sa sugal. 😭😭

Hindi ko alam ang gagawin ko, Sidi. I need advice. 2 years ko nang tinatago itong problem ko. Gusto ko na kumawala. Ayoko magsisi sa huli. Paano na kami ng mga anak ko kung wala nang tiwala ang asawa ko?..

09/09/2026

Hello Sidi, itago mo na lang ako sa pangalang Max.

January 2025 nang matuto akong magsugal online, yung larong Crazy Time. Hindi ako mahilig sa mga slot, mga live game lang ang nilalaruan ko. Noong una, sumubok lang ako. Nag-cash in ako ng 500 at umabot yun ng 14,000 mahigit. Doon na nagsimula ang kalbaryo ko.

Lulong ako, Sidi. Nasa 500k na ang natalo sa akin simula nang matutunan ko ang larong online gambling. Naging magkanda-utang-utang ako sa mga OLA at kung kani-kaninong tao na nagpapatubuan.

Maraming beses na akong nag-apply ng self-exclusion para ma-ban na ako ng PAGCOR, pero hindi nila ina-accept ang application ko. Palagi lang reject.

Sidi, sumulat ako sa’yo para makahingi ng payo sa’yo at sa mga tagasubaybay mo kung ano ba ang dapat kong gawin para ma-ban na ako ng PAGCOR. Gustong-gusto ko nang tumigil, Sidi, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Sana may makatulong sa akin kung paano ko mai-ban ang sarili ko, kung anong dapat gawin para hindi na i-reject ng PAGCOR ang self-exclusion application ko. Sana may makatulong sa akin kung paano ang dapat gawin para mawalan na ako ng access sa lahat ng online gambling app.

Hindi na ako maghahangad na mabawi ang natalo sa akin. Makapag-totally stop lang ako, para na rin akong nakabawi.

Lord, please help me. Sana may TAONG makatulong sa akin at makapagsabi ng dapat kong gawin upang tuluyan na akong mawalan ng access sa lahat ng online gambling site or app.

09/09/2026

Kamusta ka ?

Want your business to be the top-listed Media Company in Imus?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Imus
4103

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SiDi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Imus.