LindSay Vlog

LindSay Vlog

Share

Mapapagod pero, di susuko

15/02/2026

Akala ko cheating na ang pinakamasakit na pwedeng gawin ng isang lalaki,

pero mas masakit pala ang lalaking walang emotional intelligence. Yung hindi ka niloloko pero unti-unti kang inuubos, kasi sa cheater may malinaw kang dahilan para umalis, pero sa taong puno ng toxic trait hindi mo alam saan ka magsisimulang masaktan, hawak ka sa salita pero wasak ka sa ugali, hindi ka niya nilalayo pero hindi ka din niya pinapahalagahan, at yun yung pinakamahirap, yung hindi ka niya sinasaktan ng minsanan, pero araw-araw ka niyang pinapatay nang paunti-unti.

Maraming nakakarelate dito kasi hindi lahat ng sugat may third party. Minsan words ang sandata, minsan katahimikan. At madalas, paulit-ulit hanggang maubos ka.

Nakakalito magmahal ng ganito kasi wala kang mahawakan na kasalanan. Walang cheating, walang pisikal na pananakit, pero basag ang loob mo. Napapaisip ka kung valid ba ang nararamdaman mo.

Emotional neglect is still pain, kahit hindi siya dramatic. Unti-unti nitong tinatanggal ang tiwala mo sa sarili mo. Hanggang isang araw, hindi mo na kilala kung sino ka dati.

Hindi ka mahina dahil napagod ka. Normal mapagod kapag ikaw lang ang laging umiintindi. Love should not feel like survival every day.

Kung nasa ganitong sitwasyon ka, sana piliin mo rin ang sarili mo. Deserve mo ang respeto, hindi lang presence. Deserve mo ang pagmamahal na may malasakit at consistency.

15/02/2026

Psychology says: "If wife is always angry yelling at home, that means that husband is not sharing enough responsibilities.

Kadalasan ang ibig sabihin nito ay Hindi sapat ang pakikibahagi ng asawa sa mga responsibilidad, sa gawaing bahay, sa Pag aalaga ng anak, sa emosyonal na suporta. Hindi sya masungit, pagod sya.

Hindi sya reklamadora may pasan syang mabigat mag isa. Kapag ang bigat ng responsibilidad ay laging NASA Isang balikat natural lang na sumabog.

12/02/2026

NARCISSISTS 💔

10/02/2026

Ikaw na nga yung niloko at iniwan, sila pa yung happy family 😢 samantalang ikaw lugmok💔

10/02/2026

Kapag sa ibang tao ang bait makitungo at makisama

Pag dating sa loob ng bahay at pamilya palaging mainit ang ulo😢

07/02/2026

Ang babae umaalis kapag wala nang growth.

Hindi ’yan biglaan.
Hindi rin dahil may iba agad.

Umalis siya kasi pare-pareho na lang ang araw.

Pareho ang problema.
Pareho ang usapan.
Pareho ang pangako na “aayusin ko.”
Pareho ang bukas na hindi dumarating.

Sa umpisa, naiintindihan ka pa.
Sinusuportahan ka pa.
Pinaniniwalaan ka pa.

Pero habang tumatagal,
nakikita niya kung may galaw ba o salita lang.

Hindi niya kailangan ng perpektong lalaki.
Kailangan niya ng lalaking may usad.

Kapag wala:
• walang bagong plano
• walang bagong direksyon
• walang pagbabago

unti-unti siyang nagde-detach.

Hindi siya umaalis dahil masama ka.
Umaalis siya dahil natatakot siyang ma-stuck.

At ito ang masakit:
habang iniintindi mo ang comfort mo,
iniisip na “okay pa naman,”
siya, matagal nang nagpaalam sa loob niya.

Kaya pag umalis siya,
ikaw ang gulat.
Siya, handa na.

Tama bang umalis ang babae kapag wala nang growth,
o dapat maghintay pa rin siya kahit paulit-ulit lang ang buhay?

06/02/2026

Emotional Intelligence ❌
Emotional Abuse ✅

04/02/2026

Baket ang tatay may karapatang mapagod?

Baket ang nanay Hindi pdeng mapagod?😢

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Imus?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Malagasang IC
Imus
4103

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LindSay Vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Imus.