Sentro Pilipinas

Sentro Pilipinas

Share

Sentro Pilipinas, Cavite State University's pioneering online newscast, delivers trustworthy news

25/09/2026

DAGDAG-PASAHE SA PUVs, IPATUTUPAD NA SA LUNES

Inaprubahan na ng Department of Transportation (DOTr) ngayong araw, Setyembre 25, ang rekomendasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Marso na magpatupad ng dagdag-pasahe sa mga public utility vehicle (PUV).

Simula Lunes, Setyembre 28, madaragdagan ng ₱1 ang minimum fare sa traditional jeepney kung saan mula sa pasaheng ₱13 ay magiging ₱14 na ito at ₱2 naman ang dagdag sa modernong jeepney.

Saklaw din ng anunsyo ang pagtaas ng pasahe ng iba pang PUVs, kabilang na ang mga bus, UV Express, taxi, at Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Kasabay nito, iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pansamantalang pagtanggal ng excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene, upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis sa mga mamamayan.

Dahil sa ipatutupad na fare hike, pinaalalahanan naman ang mga komyuter na maghanda sa paparating na dagdag gastos sa kanilang biyahe. | via Geraldine Jagunap, Sentro Pilipinas

23/09/2026

SENATE IMPEACHMENT COURT IBINABA ANG THRESHOLD SA PAGHATOL KAY VP DUTERTE

Sa ika-29 na araw ng impeachment trial, na ginanap ngayong Miyerkules, Setyembre 23, ibinaba ng Senate impeachment court sa 14 na boto ang kinakailangan upang mahatulan si Vice President Sara Duterte matapos ibahin ang batayan ng “two-thirds vote” na nakasaad sa 1987 Constitution.

Mula sa dating 24 na miyembro ng Senado, 20 aktibong senator-judges na lamang ang isinama sa bagong paglilitis, kung saan magiging 13.33 ang two-thirds nito at kailangang i-round up sa 14 dahil walang fractional vote ng senador.

Nagdesisyon ang korte na hindi isama sa nasabing bilang ang mga senador na nakakulong, suspendido o may legal na restriksyon, hindi matagpuan ng mga awtoridad, may pisikal o medikal na kondisyon, at nasa labas ng kapangyarihang ipatupad ng Senado.

Matatandaan na nauna nang itinakda ni Senate impeachment court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ang 16 na boto bilang conviction threshold noong Hulyo 6, batay sa 24 na miyembro ng Senado, na kalauna’y kinuwestiyon ni Senator-Judge Erwin Tulfo dahil sa hindi paglahok nina Ronald “Bato” dela Rosa, Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta, at Loren Legarda sa magkakaibang dahilan.

Samantala, tinanggihan naman ng impeachment court ang mosyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ipagpaliban ang pagtalakay sa threshold, kung saan 13 mambabatas ang humiling na ituloy ang botohan, 6 ang pabor sa pagpapaliban, at 1 ang nag-abstain.

Sa pinal na botohan ukol sa mismong pagbaba ng threshold, 13 senator-judges ang bumotong pabor, habang si Escudero lamang ang nag-iisang tumutol, at anim naman ang hindi lumahok.

Hindi pa kabilang sa desisyong ito ang pinal na paghatol kay Duterte na pagdedesisyunan pa sa hiwalay na botohan ng impeachment court. | via Faith Medina, Sentro Pilipinas

22/09/2026

Dinagsa ng libu-libong demonstrador at mga miyembro ng progresibong grupo ang Liwasang Bonifacio at Mendiola sa isinagawang kilos-protesta laban sa korapsyon nitong Setyembre 21, kasabay ng ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, upang ihayag ang kanilang mga panawagan sa pananagutan at pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng bansa.

Alamin ang buong detalye sa pag-sentro ni Jen Latuga.

22/09/2026

Nagkaisa ang iba't ibang progresibong grupo ng Cavite State University-Main Campus sa huling araw ng CvSU Walkout nitong Setyembre 21 sa Laya’t Diwa upang ihayag ang kanilang mga panawagan laban sa ₱67-milyong budget cut at iba pang usapin sa edukasyon, kabilang ang umano’y red-tagging at paniniktik sa mga lider-estudyante.

Alamin ang buong detalye sa pag-sentro ni Claoie Malvar.
Videographer: Leona Cortez
Field Assistant: Louisa Cosare

22/09/2026

PAMAHALAANG BAYAN NG GMA, CAVITE, NAGLABAS NG PAHAYAG UKOL SA PAGTANGGAL NG MGA PUNO SA CONGRESSIONAL ROAD

Nilinaw ng pamahalaang bayan ng General Mariano Alvarez na ang isinasagawang pagtatanggal ng mga puno sa kahabaan ng congressional road ay may kaukulang permit at clearance mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Paliwanag ng pamahalaan, isinagawa ang pagtanggal ng mga puno dahil sa mga usapin sa kaligtasan ng publiko at accessibility ng kalsada, dahil may ilang punong nakaaabala umano sa daan na maaaring magdulot ng panganib sa mga motorista at pedestrian, lalo na sa panahon ng bagyo at malakas na pag-ulan.

Samantala, patuloy rin umano ang koordinasyon ng pamahalaang bayan sa MERALCO upang matugunan ang relokasyon ng isang posteng elektrikal na nagiging sagabal sa daan.

Iginiit ng pamahalaang bayan na nakatuon ang tree management nito sa pagtutugma ng pangangalaga sa kapaligiran, kaligtasan ng publiko, road accessibility, at kapakanan ng mga residente.

Samantala, nangangamba naman ang ilang residente sa maaaring maging epekto ng pagtatanggal ng mga puno sa kalikasan, lalo na sa pabago-bagong klima na nararanasan sa bansa. | via Saira Hernandez, Sentro Pilipinas

Courtesy: Public Information Office - GMA Cavite

21/09/2026

Nagsimula nang magmartsa ang mga raliyista mula sa Liwasang Bonifacio patungong Mendiola Peace Arch pasado alas-5 ng hapon, ika-21 ng Setyembre, bilang paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law. | via Ralph Liza, Sentro Pilipinas

Photos from Sentro Pilipinas's post 21/09/2026

TINGNAN | Nagsasagawa ng kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio ang mga raliyista ngayong araw bilang paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Dinaluhan ang naturang kilos-protesta ng progresibong grupo na mula sa iba't ibang sector at bahagi ng bansa.

Ilan sa kanilang mga panawagan ay ang laban sa flood control corruption, panagutin ang rehimeng Marcos-Duterte, pati na rin ang pagtuligsa sa Pax Silica project ng Pilipinas at Estados Unidos.

Samantala, nagmartsa na ang mga rallyista ngayong alas-5 ng hapon patungong Mendiola Peace Arch bilang pagpapatuloy ng kanilang programa. | via Ralph Liza, Sentro Pilipinas

20/09/2026

Nagbabala ang dating AI researcher na si Jacob Coxon hinggil sa umano’y iresponsableng pagkilos ng ilang AI companies, kabilang ang OpenAI at Anthropic, na maaari umanong magdulot ng malawakang panganib sa buhay ng tao sa susunod na dekada.

Alamin ang buong detalye sa pag-sentro ni Luiz Delos Santos.
Videographer: Dave Villanueva

Photos from Sentro Pilipinas's post 19/09/2026

𝗠𝗔𝗡𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗚𝗠𝗔𝗧𝗬𝗔𝗚, 𝗔𝗧 𝗦𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗧𝗢𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡!

PART 2 | Kilalanin ang inyong mga tagapagbantay ng katotohanan na makakasama niyo sa paghahatid ng napapanahong balita!

Subaybayan ang kanilang masinsinang pagbabantay sa mga makabuluhang pangyayari, sa loob man o labas ng ating campus! Abangan ang mga kuwento at balitang ihahatid dito lamang sa Sentro Pilipinas.

✍: Rachiel Servidad
🖼️: Sonny Talento, Alexandrea Migo

Photos from Sentro Pilipinas's post 19/09/2026

𝗠𝗔𝗡𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗚𝗠𝗔𝗧𝗬𝗔𝗚, 𝗔𝗧 𝗦𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗧𝗢𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡!

Kilalanin ang inyong mga tagapagbantay ng katotohanan na makakasama niyo sa paghahatid ng napapanahong balita!

Subaybayan ang kanilang masinsinang pagbabantay sa mga makabuluhang pangyayari, sa loob man o labas ng ating campus! Abangan ang mga kuwento at balitang ihahatid dito lamang sa Sentro Pilipinas.

✍: Rachiel Servidad
🖼️: Sonny Talento, Alexandrea Migo

Want your business to be the top-listed Media Company in Indang?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Cavite State University
Indang
4122