1-Rider Party-List

1-Rider Party-List

Share

Ang 1-Rider Party-list ay nakatuon sa adbokasiya ng Road Safety and Rider's Continuous Development.

Photos from 1-Rider Party-List's post 05/10/2026

Magpapatuloy muli ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) ngayong Lunes, Oktubre 5, sa limang lungsod ng Metro Manila: Maynila, Quezon City, Parañaque, Muntinlupa at San Juan. Mahigpit itong babantayan ng 1-Rider Partylist.

Naninindigan kami na hindi dapat maparusahan ang mga motorista dahil sa mga pangyayaring hindi nila kontrolado

Sa aming mga kasamahang riders at motorista, ipadala ninyo sa amin ang mga dokumentadong karanasan sa ganitong mga kalagayan. Susuriin namin ang mga ito at idudulog sa mga ahensya ng gobyerno upang masiguro ang patas na pagpapatupad ng polisiya

Email: [email protected]
Phone: 09171677433

01/10/2026

Sa bawat biyahe, may pamilyang naghihintay sa ating ligtas na pag-uwi. 🙏🏍️

Isang munting panalangin para sa lahat ng ating mga rider—nawa’y gabayan at ingatan kayo sa bawat kalsadang inyong tatahakin.

Mula sa 1-Rider Party-list, dasal namin ang inyong kaligtasan, maayos na hanapbuhay, at ligtas na pag-uwi sa inyong mga mahal sa buhay.

Ingat po sa bawat biyahe. 🙏

28/09/2026

Kapag may narinig na kakaibang ugong o tunog sa motor, ano ang unang ginagawa niyo?

27/09/2026

Ginagawa niyo rin ba ito, Kagulong?

26/09/2026

Abangan ang Riders’ Day 2026!

Handa na ba kayo mga Kagulong?
Kung nais mong makilahok ay mangyaring mag-send lamang ng mensahe dito sa ating Official Facebook Account!

See you on November! Mangyaring hintayin ang iba pang mga detalye ng ating programa. Ingat, Kagulong!

24/09/2026

Mahigpit na pagkakatali, tamang pagkakakarga, at walang sagabal sa balanse, manibela, at visibility.

Ride safe, Kagulong! ☝️

23/09/2026

Congratulations to Patricia Arlene Beringuela Lopez, RN for successfully passing the Nursing Licensure Examination! 🎉

Mula sa pagiging Motorcycle Taxi Rider habang nag-aaral bilang Nursing Student — ngayon ay isa ka nang Registered Nurse! Patunay na kayang pagsabayin ang diploma at diskarte kapag may sipag, tiyaga, at determinasyon.

Saludo kami sa iyong tagumpay at sa inspirasyong ibinibigay mo sa kapwa riders na patuloy na nagsisikap para sa kanilang mga pangarap. 💙

Congratulations, Patricia! Ride on to your next journey, RN! 🏍️🩺✨

21/09/2026

Tinitingnan mo ba ang side mirror bago lumipat ng lane?

Ride safe, Kagulong!

20/09/2026

Proteksyon at patas na pagpapatupad ng batas para sa bawat motorista 🏍️

Sa ilalim ng HB 3366 o Fair Traffic Apprehension Act, isinusulong ng 1-RIDER Party-list ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga motoristang mapapatunayang biktima ng wrongful o improper traffic citation, kasama ang pananagutan ng mga traffic enforcer na nagkamali o umabuso sa paghuli.

Para sa mas makatarungan at maayos na pagpapatupad ng batas trapiko.

18/09/2026

Naka phone-mount ka ba, Kagulong? Ano ang mga safety tips na puwedeng i-share sa mga ibang riders?

Want your organization to be the top-listed Government Service in Legazpi?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Cabangan West
Legazpi
4500

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 1-Rider Party-List posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Legazpi.