Tutor Jude
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tutor Jude, Education Website, N. Babao Street, Lobo.
09/08/2026
Tampok na Salita: Pรกmamahalร รกn
Isang salitang may lalim, kasaysayan, at kahulugan.
Tuklasin ang yaman ng wikang Filipino sa KWF Diksiyonaryo. ๐ต๐ญ
18/07/2026
๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐. ๐ฉ๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐.
Mula sa ating mga baybayin hanggang sa ibaโt ibang panig ng mundo, ang kasaysayan ng Pilipinas ay kuwento ng mga taong naglakbay, nakipag-ugnayan, at nagdala ng diwang Pilipino saan man sila makarating. Ang dagat ang naging tulay ng ating kalakalan, diplomasya, at ng milyun-milyong Pilipinong bumuo ng mga komunidad sa ibayong-dagat.
โ Ngayong Buwan ng Kasaysayan 2026, samahan ang NHCP sa paglalayag sa temang "๐๐ถ๐ป๐๐ฏ๐ผ๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐ถ๐ป๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐น๐ผ๐ป." Sama-sama nating tuklasin ang mga kuwentong nagbuklod sa ating kapuluan at nag-ugnay sa Pilipinas sa daigdig. ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐๐โ๐๐ก ๐ก๐ข๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ข๐๐ ๐ ๐๐๐ ๐ก๐๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐โ๐๐ ๐๐ ๐ ๐ข๐ ๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐! ๐ต๐ญ๐
Antabayanan ang opisyal na kalendaryo ng History Month 2026 sa mga susunod na araw!
17/07/2026
May mga taong tila isinilang upang maging tahanan ng mga pusong ligaw, maging liwanag ng mga naliligaw, at maging kanlungan ng mga pagod na kaluluwa.
Ngunit sa likod ng kanilang matatag na anyo ay isang pusong marunong ding mapunit, mapagod, at mangailangan ng yakap na hindi nila kailanman hiningi.
"At paano kung ako naman ang mangailangan?
Ako ba'y kanilang tutulungan?
Sa mga tagpong ako ang nagbigay,
Hanggang kailan ako maghihintay?"
Ang tulang ito ay hindi lamang tanong. Isa itong tahimik na sigaw ng mga taong buong pusong nagbigay ng sarili, hanggang sa isang araw ay mapansing wala na pala silang natitirang lakas para sa kanilang sarili.
Hindi lahat ng matatag ay hindi nasasaktan. Hindi lahat ng palaging nakangiti ay hindi umiiyak. At hindi lahat ng nagbibigay ay may taong magbibigay rin sa kanila.
17/07/2026
Alam mo ba na ang salitang-ugat ng panalo ay talo? ๐ค๐
Maaaring nakapagtataka, pero ang salitang panalo ay may kaugnayan sa salitang-ugat na talo. Sa tulong ng proseso ng paglalapi at pagbabagong morpoponemiko, nabuo ang salitang panalo mula sa pang- + talo.
Sa pagbuo nito, nagbabago ang anyo ng salita upang maging angkop sa bigkas ng Filipino:
pang- + talo โ pantalo โ panalo
Sa prosesong ito, nawawala ang unang tunog na /t/ ng talo, kaya nabubuo ang salitang panalo na ngayon ay nangangahulugang pagkamit ng tagumpay.
Ayon sa KWF Diksiyonaryong Filipino, ang panalo ay maaaring tumukoy sa:
๐ tagumpay na nakamit sa paligsahan o labanan;
๐ bagay na nakuha bunga ng tagumpay; at
๐ฅ tao o pangkat na nagkamit ng tagumpay.
14/07/2026
21/02/2026
May mga paglalakbay na hindi para tumakas, kundi para makahinga.
May mga sandaling paglayo na hindi pagtalikod, kundi panunumbalik.
โSulyap-Layaโ
ni Hudgel
Isang maikling pagtakas upang buuin muli ang sarili, upang sa pagbabalik ay mas handa, mas buo, at mas matatag.
Ang Filipino ay sa iba't ibang larang at Filipino bilang larang.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
N. Babao Street
Lobo
4229
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Tutor Jude posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.