The Daily Netizen

The Daily Netizen

Share

Content is curated for informational purposes only.

YouTube: https://www.youtube.com/@VincentionAsia

Our website: https://dailynetizen.blog/

News aggregation page sharing publicly available reports, updates, and commentary from various sources.

29/09/2026

PYONA’S CHEAT SHEET: BAKA MAY SURPRISE QUIZ!

Kung gusto mong maintindihan ang mga pasabog sa affidavit ni Rodulfo Gracioso Jr., heto ang 15 intriguing details na dapat mong malaman.

Mula sa umano’y cash deliveries, maleta at vans na puno ng pera, hanggang sa mga personal na detalye gaya ng paboritong Royce chocolates ni Sara Duterte, inilatag ni Gracioso ang kanyang mga alegasyon at kwento tungkol sa Duterte family.

1. ROYCE CHOCOLATES, PABORITO RAW NI SARA?

Ayon kay Gracioso, may mga delivery umano na hindi lang cash ang laman. Kasama raw ang Royce chocolates, na ayon kay "Boss Allan", ay paborito umano ni Sara, pati luxury items.

2. DALAWANG VAN, PUNO RAW NG CASH!

Isa sa pinaka-wild na detalye: dalawang Toyota Grandia vans umano ang kargado ng pera at boxes bago dalhin sa hotel kung saan naroon si Sara.

3. ₱500 MILLION, TATLONG VAN DAW ANG KINAILANGAN!

Sa isa pang alleged delivery, sinabi ni Gracioso na umabot umano sa ₱500 milyon ang pera, kaya tatlong van daw ang kinailangan para sa transportasyon.

4. ₱20-MILLION SUITCASE SA DIAMOND HOTEL

Unang delivery umano kay Sara noong 2018: isang maliit na maleta na sinasabing naglalaman ng ₱20 milyon, na ayon kay Gracioso ay iniabot sa staffer na si Jef Tupas.

5. FROM ₱10M–₱20M, LUMALAKI RAW ANG DELIVERIES

Ayon sa kanyang salaysay, nagsimula umano sa milyon-milyong halaga ang mga cash delivery at kalaunan ay umabot sa ₱50 milyon o higit pa ang ilang biyahe.

6. “MORE THAN 20” DELIVERIES KAY SARA

Nang tanungin kung ilang beses siyang naghatid ng pera kay Sara, sagot ni Gracioso: “More than 20 siguro.”

Ang kanyang sariling estimate sa kabuuan: ₱2 billion pataas.

7. PRIVATE PLANE, HELICOPTER, VANS... KUMPLETONG LOGISTICS DAW

Sa salaysay ni Gracioso, hindi raw iisang paraan ang ginagamit sa umano’y deliveries. Binanggit niya ang private plane, helicopter, vans at Ro-Ro sa iba't ibang biyahe.

8. RO-RO HANGGANG DAVAO?

May bahagi ng kanyang account na naglalarawan ng umano'y pagbiyahe ng cash patungong Davao gamit ang Ro-Ro route, dagdag sa iba pang transport arrangements na kanyang ikinuwento.

9. CASH + LUXURY GIFTS?

Hindi raw puro pera ang laman ng ilang deliveries. Binanggit ni Gracioso ang luxury bags, relo at Royce chocolates bilang mga umano'y kasamang ipinapadala.

10. MAY MGA LARAWAN RAW NG CASH-FILLED SUITCASES

Sinabi ni Gracioso na mayroon siyang mga litrato na umano'y nagpapakita ng mga maleta at boxes na may cash.

Kailangan pa itong ma-authenticate at ma-verify ng NBI.

11. “PERCENTAGE SA KITA” ANG UMANO'Y PINAGMULAN

Isa sa pinakamabigat na bahagi ng salaysay: sinabi ni Gracioso na nang tanungin niya kung bakit may perang ipinapadala kay Sara, sinabi umano sa kanya ni Velasco:

“Kasama na kasi 'yan sa percentage e, percentage sa kita.”

12. ANIM NA “CASH HOUSES” DAW

Mas shocking pa: ayon kay Gracioso, dumami umano ang cash deliveries hanggang bumili raw ng anim na bahay na ginagamit umano bilang storage ng pera dahil hindi na kasya sa isang bahay.

13. PAOLO DUTERTE, KASAMA RIN SA ALLEGATIONS

Hindi lang Sara ang binanggit. Ayon kay Gracioso, naghatid din umano siya ng ₱100 milyon kay Paolo Duterte, kabilang ang isang alleged handover sa Makati.

14. RODRIGO DUTERTE, MAHIGIT ₱1 BILLION DAW

Sa hiwalay na account/interview, sinabi ni Gracioso na nakapaghatid din umano siya ng pera para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at tinatayang mahigit ₱1 bilyon ang kabuuan.

15. “AKO MISMO ANG KUMUHA NG LARAWAN”

Isa pang kapansin-pansing claim: sinabi umano ni Gracioso na siya mismo ang kumuha ng ilang photographs na isinumite bilang supporting evidence sa kanyang allegations.

PINAKAMALAKING TANONG NGAYON: Totoo ba ang mga sinasabing cash deliveries, saan nanggaling ang pera, at mapapatunayan ba ng NBI ang mga litrato at iba pang ebidensyang inilatag ni Gracioso?

28/09/2026

NETIZEN NEWS: IMPEACHMENT CAT FIGHT! GUANZON VS. ZAMORA, PINATULAN NI FALCIS! “SHIBULI BAMBAM NA HAL*MAW. BASTA DDS, PANG*T!”

Na-imbiyerna at napa-comment si Kakampink political commentator at lawyer Jesus Falcis sa tila pambabastos at sexist na banat ni DDS political Balimbing Rowena Guanzon laban kay prosecution counsel Rep. Bel Zamora.

Si Zamora kasi ang sumalang bilang counsel for the prosecution sa pagdinig kahapon, kung saan humarap bilang bagong witness si PMAJ. Joericson Sangalang ng PNP-FEO.

Pero ang umagaw ng atensyon online? Isang kumakalat na quote card, dahil pinapakalat ng mga DDS, mula kay Guanzon na sinasabing:

“Akala niya nakaka-akit ang ganda niya wahahaha.”

Patama ito kay Zamora, na tila hindi naman pinalampas ni Falcis.

Sa X, banat ni Falcis:

“Nakakasuka ang mga DDS tulad ni Rowena Guanzon na nilalait at binabastos si Cong. Bel Zamora with sexist and misogynistic attacks.”

OUCH. 😬

Kaya kung mahilig manglait si Guanzon, dapat tumingin muna ang GG sa salamin.

Kaya hindi pa diyan nagtapos ang tirada ni Falcis at sinabi pang: “Ang nakaka tawa, wala sa kalingkingan ng ganda ni Bel Zamora si Guanzon na hali**w.”

At ang finishing line?

“Basta DDS, panget (ugali) talaga!”

Impeachment hearing na nga, may beauty-pageant-level cat fight pa sa gilid!

Pero kidding aside, aminadong LGBTQ si Guanzon, o “Shibuli Bambam.” Kaya marahil in denial lang ito at nagagandahan talaga kay Zamora. Kunwari pa ang GG!

Hindi ba’t ang sikat na kasabihan ng mga high schoolers noong 1990s at early 2000s: “The more you hate, the more you love”?

Pero palibhasa, circa 1960s ata nag-high school ang Rolex at LV girl ng mga DDS. 😂

28/09/2026

'MALETA' CHRONICLES NOONG 2016 PA

'Yan ang sinabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla sa media nang tanungin ang kanyang opinion sa pagkadawit, hindi lang ni VP Sara Duterte kundi ng buong Duterte family sa 'maleta scandals.

So, "it's all coming back to me now" pala ang theme song ng chronicles na ito...

28/09/2026

SENTRI DADALO SA IMPEACHMENT

"I am willing and ready to testify sa Impeachment para magkaalaman na." - Eto ang naging pahayag ni former senator Antonio Trillanes online ukol sa inaabangang pagdalo niya bilang Prosecution witness sa impeachment trial ni VP Sara Duterte.

28/09/2026

BREAKING: ₱2-BILYONG “MALETA” SA DUTERTE FAMILY? GRACIOSO NAGLABAS NG BOMBSHELL AFFIDAVIT: 20+ CASH DELIVERIES KAY SARA, ₱1B KAY RODRIGO, ₱100M KAY PAOLO; “PERCENTAGE SA COLLECTIONS” DAW ANG PINAGMULAN

Hindi lang basta “P2 billion” ang nilalaman ng sinumpaang salaysay ni PCpl. Rodulfo Mondigo Gracioso Jr., dating police security aide ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Sa kanyang affidavit na nilagdaan noong September 14, 2026, naglatag si Gracioso ng sunod-sunod na insidente kung saan sinabi niyang personal niyang naghatid ng maleta, boxes at sasakyang umano’y may kargang cash kay Vice President Sara Duterte, at sa ilang pagkakataon, kay Paolo Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Mismong sa kanyang media interview, tinantiya ni Gracioso:

“Mga P2 billion pataas.”

At nang tanungin kung ilang beses niyang naihatid ang pera kay Sara:

“More than 20 siguro.”

Iniulat ng GMA na ang kanyang affidavit ay nagdedetalye ng mga umano’y deliveries na nasa P20 milyon hanggang P50 milyon bawat maleta.

Pero kapag binasa ang mismong affidavit, mas malalaki pa ang ilan sa mga halagang kanyang inilalarawan.

P20M SA UNANG UMANO’Y DELIVERY KAY SARA

Ayon kay Gracioso, unang nakilala niya si Sara noong 2018 matapos siyang utusang sumundo sa kanya sa isang private-plane hangar sa Pasay.

Sa biyahe patungong Diamond Hotel, sinabi umano niya kay Sara na may regalo mula kina Velasco at kanyang asawa na si Rowena Amara “Ma’am Wen” Velasco.

Ayon sa affidavit, may Royce chocolates sa paper bag at isang maliit na maleta.

Ang laman umano ng maleta?

P20 milyon cash.

Sinabi ni Gracioso na hindi niya direktang iniabot kay Sara ang maleta. Ayon sa kanyang salaysay, inutusan siya nitong ibigay ito kay Jefry “Jepoy” Tupaz.

At hindi raw ito one-time incident.

“Nasundan pa ito ng humigit sampung beses mula 2018 hanggang 2020.”

Ayon sa kanyang affidavit, ang mga sumunod na maleta ay karaniwang may P10 milyon hanggang P20 milyon, at minsan ay personal niyang iniaabot kay Sara o ipinapasa sa kanyang katiwala.

P100M SA MARINDUQUE?

Isa sa pinaka-specific na alegasyon ay nangyari umano noong 2019, bago ang midterm elections.

Sinabi ni Gracioso na matapos ang campaign event sa Marinduque, sinabi niya mismo kay Sara na may ipinabibigay si Velasco.

Dalawang malaking maleta umano iyon.

P50 milyon bawat isa.

Kabuuan: P100 milyon.

Ayon sa salaysay, sinabi ni Sara na ibigay ang dalawang maleta kay Jepoy bago sila sumakay ng eroplano.

AT MAY P500M UMANO SA DALAWANG GRANDIA?

Mas malaking claim ang lumitaw sa 2021 episode.

Ayon kay Gracioso, dalawang Toyota Grandia van ang dinala nila sa Davao na may kargang mga maleta at boxes ng cash na: “di bababa sa 500M.”

Kinabukasan, sinabi niyang dumalo sila sa birthday celebration ng bunso ni Sara, kung saan dumating din umano si Velasco.

Sa isa pang bahagi ng affidavit, sinabi niyang may pagkakataon ding dalawang van na puno umano ng pera ang iniwan sa mga tauhan ni Sara sa basement ng Diamond Hotel.

Ang tinukoy niyang halaga: “mahigit kumulang dalawandaang milyong piso o 200M.”

Ayon sa salaysay, sina Jepoy at isang staff na tinukoy niyang “Bryan” ang kumuha ng dalawang van. Sinabi rin ni Gracioso na nag-message siya kay Sara sa Viber upang sabihin na na-deliver na ang pera.

P100M SA QUEZON CITY CIRCLE, P100M SA SUBIC SAFARI

Hindi rin umano natapos sa Davao at hotels ang mga delivery.

Sa isang insidente sa Quezon City Circle, sinabi ni Gracioso na dalawang maleta ang kanyang dinala habang namimili umano ng halaman si Sara.

Ang laman? P40 milyon bawat maleta. O kabuuang P80 milyon.

Ayon sa kanyang affidavit, sinabi ni Sara na ibigay ang mga ito sa kanyang security, na siyang naglipat ng mga maleta sa kanilang sasakyan.

Sa Subic Safari, isa pang dalawang maleta umano ang dinala ni Gracioso.

P50 milyon bawat isa.

Kabuuang P100 milyon.

Ayon sa kanyang salaysay, sinabi ni Sara na sa security na lamang nito iabot ang mga maleta at ilipat sa sasakyan.

P200M PARA KAY SARA AT P200M PA SA PRIVATE PLANE

Noong December 2021, may isa pang malaking claim.

Sinabi ni Gracioso na nagdala sila ng humigit-kumulang P200 milyon mula sa isang “cash house” patungo sa private plane ni Cong. Mikee Romero para dalhin umano kay Sara sa Davao.

At ayon sa affidavit, kasama mismo ni Gracioso si Velasco sa biyahe.

HINDI LANG SARA: PAOLO AT RODRIGO DUTERTE RIN

Dito lalong lumawak ang affidavit.

Sinabi ni Gracioso:

“Nagkaroon na din ng pagkakataon na sabay akong nagde-deliver ng maleta ng pera sa Davao para kay Ma’am Sara at para kay Cong. Paolo Duterte.”

Sinabi rin niyang naghatid siya ng maleta ng pera para kay Paolo Duterte sa isang bar sa Davao at sa iba pang lugar sa Metro Manila.

Samantala, sa media interview, sinabi ni Gracioso na umaabot umano sa P1 bilyon ang kabuuang pera na naihatid niya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte mula 2018 hanggang 2022.

AT DITO LUMALABAS ANG MAS KONTROBERSIYAL NA “SOP” ANGLE

Hindi lamang cash deliveries ang inilagay ni Gracioso sa kanyang affidavit.

Nagbanggit din siya ng umano’y “SOP” o porsyento sa government projects.

Sa kanyang salaysay, sinabi niyang may narinig siyang usapan tungkol sa 25% all-in na SOP para sa isang project.

Mas mabigat ang claim niya sa paragraph 32:

“Kasama na dito sa kanyang porsyento, ang porsyento rin para sa mga Duterte.”

At idinagdag niya:

“Ang pagkakaalam ko ang perang hawak ni Boss Allan ay hindi lamang sa kanya ngunit hawak din niya ito para sa mga Duterte.”

Mahalagang linawin: ito ay sariling salaysay ni Gracioso tungkol sa kanyang umano’y narinig at nalaman, at hindi pa napatunayang katotohanan sa korte.

“CASH HOUSES” DAHIL HINDI NA KASYA ANG PERA?

Isa pang explosive allegation:

Ayon kay Gracioso, dumami umano ang cash deliveries kay Velasco hanggang sa hindi na kasya ang pera sa isang bahay.

Sinabi niya na nakabili umano si Velasco ng hindi bababa sa anim na bahay sa Valle Verde na ginagamit umano bilang:

“cash houses” o imbakan ng pera.

Sinabi rin niyang ilang beses siyang tumanggap ng pera at nag-imbak nito sa iba't ibang bahay na ito.

MAY CONNECTION DIN SA MGA CONTRACTOR AT AGENSIYA

Sa affidavit, binanggit ni Gracioso ang mga pangalan nina Zaldy Co, Miro Quimbo, Honey Sipin at iba pang personalidad na umano’y konektado sa pagdadala o pagkolekta ng pera.

Sinabi rin niyang narinig umano niya kay Miro Quimbo na ang ilang pera ay galing kina Curlee Discaya at Sarah Discaya at iba pang DPWH contractors.

Nagbanggit din siya ng mga tauhan mula sa DPWH, BIR at Customs na umano’y nagdadala ng pera sa mga bahay ni Velasco.

“HINAHAMON KO SILA”: LIE DETECTOR PARA KAY SARA AT VELASCO

At ngayon, may direktang hamon si Gracioso.

Matapos sabihin ni Sara Duterte:

“I do not know Rodulfo Gracioso Jr., nor have I ever received any money from him,”

hinamon ni Gracioso ang Vice President at ang dati niyang employer na si Lord Allan Velasco na sumailalim sa lie detector test sa NBI.

“Kung willing siya magpa-lie detector test dito sa NBI para malaman kung sino ang nagsasabi sa atin ng totoo at hindi.”

At hindi lang challenge ang nangyari.

Nitong Sept. 28, bumalik si Gracioso sa NBI at nagdala umano ng mga larawan at iba pang materyales na sinasabi niyang makatutulong sa pagpapatunay ng kanyang mga pahayag. Sinabi naman ng NBI na kailangang i-authenticate at i-verify ang mga ito.

28/09/2026

₱2-BILYONG “MALETA” SA DUTERTE FAMILY? GRACIOSO NAGLABAS NG BOMBSHELL AFFIDAVIT: 20+ CASH DELIVERIES KAY SARA, ₱1B KAY RODRIGO, ₱100M KAY PAOLO; “PERCENTAGE SA COLLECTIONS” DAW ANG PINAGMULAN

Isang explosive sworn affidavit ang muling naglagay sa Duterte family sa gitna ng kontrobersiya matapos ilahad ni dating police corporal Rodulfo Gracioso Jr., dating security aide ni former House Speaker Lord Allan Velasco, ang umano’y serye ng cash deliveries na personal niyang ginawa mula 2018 hanggang 2022.

Ayon sa salaysay ni Gracioso, mahigit 20 beses umano siyang naghatid ng pera at mga regalo kay Vice President Sara Duterte, na ang kabuuang halaga raw ay mahigit ₱2 bilyon.

“Mga P2 billion pataas,” ang estimate ni Gracioso nang tanungin kung magkano ang kabuuang cash na umano’y naihatid niya kay Sara.

Photos from The Daily Netizen's post 28/09/2026

SNAPSHOTS: BASAHIN ANG BUONG AFFIDVIT NI FORMER POLICE OFFICER RODULFO GRACIOSO JR.

Narito ang transcript ng 8-page affidavit ni Rodulfo Gracioso Jr. para makita mismo ninyo ang kanyang mga pahayag at alegasyon.

Sa affidavit, binanggit niya ang mga pangyayari, pangalan, at detalye na may kaugnayan sa isyung iniimbestigahan, kabilang ang kanyang salaysay tungkol sa mga naging transaksyon at ugnayan na kanyang inilatag sa dokumento.

Basahin ang buong affidavit at tingnan mismo ang mga detalye at pahayag ni Gracioso.

---------------------------------------------------

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

PASAY CITY

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, PCPL. RODULFO MONDIGO GRACIOSO, JR., 36 taong gulang, Filipino, single, residente ng San Isidro, Northern Samar, matapos makapanumpa nang naaayon sa batas ay malaya at kusang-loob na nagpapahayag ng mga sumusunod:

1. Ako ay miyembro ng Philippine National Police (PNP) simula 2015 na kasalukuyang may ranggong PO2 o Police Corporal.

2. Noong 2017, ako sa mga pulis na sumabak sa giyera at naging team leader sa Marawi sa ilalim ni Battalion Commander Police Gen. Sigundo Lagundi.

3. Pagkatapos nito, ako at ilan sa aming mga beterano ng Marawi ay na-assign bilang parte ng “close-in” security ni dating Congressman at Speaker Lord Allan Velasco (“Boss Allan”) at ang maybahay niya na si Rowena Amara Velasco (“Ma’am Wen”) noong 2017. Bukod sa suweldo ng isang pulis, may allowance ako galing sa principal bukod sa abot-abot pa.

4. Kalaunan, noong 2018, ako ay naging Head Security ni Boss Allan. Nagsilbi ako bilang Security ni Boss Allan mula 2017 hanggang 2024.

5. Bilang Head Security ni Boss Allan, ako ang namuno sa higit kumulang labing-anim (16) na miyembro ng kanyang security group na pawang mga pulis rin. Nakatalaga kami sa Regional Mobile Force Battalion 4-A (RMFB 4-A), ngunit kami ay tinatawag na “lubog” o mga pulis na nakadestino bilang security ng mga prominenteng indibidwal o pulitiko.

6. Bilang Head Security ni Boss Allan ay naatasan din akong sumalubong at magbigay proteksyon sa mga bisita nila ng kanyang mag-anak. Sinabi sa akin ni Boss Allan na pinaka-importante dito na dapat asikasuhin ay ang noong Mayor ng Davao, Sara Duterte (“Ma’am Sara”).

7. Unang beses ko na-meet si Ma’am Sara bandang 2018. Sinundo ko siya sa isang hangar sa Pasay kung saan nag-landing ang sinasakyan niyang private plane. Hinatid ko siya sa Diamond Hotel gamit yung Ford Savannah White na artista van.

8. Habang kami ay nasa sasakyan, kinausap ko si Ma’am Sara at sinabi kong may pinapagbigay sa kanya si Ma’am Wen na regalo sa loob ng paper bag at isang (1) maliit na maleta.

9. Pagdating sa Diamond Hotel, inabot ko kay Ma’am Sara ang regalo. Kinuha niya ang paper bag habang inutusan niya ako na ibigay ang maliit na maleta kay Jefry Tupaz (“Jepoy”). Sabi rin niya na sabihin ko kay Ma’am Wen at Boss Allan na “salamat.”

10. Ang laman ng inabot kong paper bag ay Royce chocolates na paborito daw ni Ma’am Sara at ang maliit na maleta naman ay naglalaman ng 20M cash.

11. Nasundan pa ito ng humigit sampung beses mula 2018 hanggang 2020. Tuwing dumarating sa Manila si Ma’am Sara sakay ng private plane, susunduin ko siya sa hangar sa Pasay. Pinaabutan siya ni Boss Allan ng pasalubong na Royce Chocolate at maleta na naglalaman ng nasa sampu hanggang dalawampung milyong piso (P10-20 Million) na “budget” niya sa pag-iikot. Personal ko itong inabot kay Ma’am Sara o minsan kapag kasama niya ang katiwala na si Jepoy ay dito niya ito pinaaabot. Inihahatid ko sila sa Diamond Hotel, o kaya naman sa Shangri-La, EDSA.

12. May pagkakataon ding maliban sa chocolate at cash, may mga branded na bags na binigay din si Ma’am Wen para kay Ma’am Sara at sa mga kasama niya.

13. Mga bandang 2019, bago ang kampanya sa midterm elections, inutusan kami ni Boss Allan na mag-deliver sa Davao ng Grandia Van at Escalade via land trip. May laman din itong pera at gifts. Dinala namin ito sa bahay ni Ma’am Sara. Pagdating namin doon, nakita ko si Ma’am Sara at sinabi ko na may pabigay si Ma’am Wen na regalo na nakalagay sa paper bag. Sinabi ni Ma’am Sara na kay Jepoy ko ibigay ang malaking maleta. Pumunta kami sa sasakyan at nilabas ko at inabot ko sa kanya ang malaking maleta na naglalaman ng 50M cash. Inabot ko din kay Jepoy ang dalawang susi ng sasakyan at regalo ni Ma’am Wen sa kanya.

14. Sa kalagitnaan ng kampanya para sa midterm elections, April 2019, nagpunta sila Ma’am Sara sa Marinduque para i-endorse si Boss Allan na Congressman at yung tatay ni Boss Allan na si Presbi Velasco (Presbitero Velasco Jr.) bilang Governor. Mahal na araw noon at malapit na ang Morion Festival.

15. Galing Manila, magkakasama kami nila Boss Allan at Ma’am Sara magmotor papuntang Lucena. Galing Lucena, sumakay kami ng RORO papuntang Marinduque port. Dumiretso kami sa Amara Resort sa Torrijos, Marinduque. Pagkatapos ng endorsement, hinatid namin si Ma’am Sara kasama mga staff at security niya sa Airport sa Marinduque. Noong andun na kami, sinabi ko mismo sa kanya na may pabigay si Boss Allan na mga kakanin at dalawang (2) malaking maleta. Ang mga malalaking maleta na ito ay naglalaman ng tig-50M bawat isa. Ang mga maleta ay galing Manila na ibiniyahe ni Kuya Vic na matagal nang driver ni Ma’am Wen. Sakay ng van, dinala ang mga maleta sa Marinduque habang kami ay nagri-rides.

16. Sabi ni Ma’am Sara na ibigay kay Jepoy ang dalawang (2) malaking maleta at mga kakanin. Inabot ko yung dalawang malaking maleta na naglalaman ng 50M cash bawat isa at yung mga kakanin kay Jepoy bago sila sumakay ng eroplano.

17. Pagkatapos ng Morion Festival, bumalik kami ni Boss Allan Velasco sa bahay niya sa No. 142 Sampaguita St., Valle Verde 2 para kumuha ng pera at sumunod kami ni Boss Allan sa Davao via isang private hangar sa Pasay. May dala kaming dalawang (2) malalaking maleta na nasa 100M. Ang pera na ito ay dagdag panggastos ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa 2019 midterm election. Si Boss Allan, mineet ko na siya sa private hangar Pasay. Doon pinabuksan niya sa akin yung isang maleta at nagbawas siya ng pera, pinuno niya lang yung backpack niya ng pera galing sa binawas sa isang maleta.

18. Pagdating namin ng Davao, diretso kami sa bahay ni Ma’am Sara. Pagdating sa bahay ni Ma’am Sara Duterte, nag-usap si Boss Allan at si Ma’am Sara sa loob ng bahay. Lumabas sila sa bahay at sinabihan ako ni Boss Allan na ibaba na sa sasakyan ang dalawang (2) malaking maleta na naglalaman ng cash. Binitbit ko papunta sa kanila yung dalawang maleta at sinalubong ako nung tao ni Ma’am Sara na si Sir Giroy na security ni Ma’am Sara doon. Kay Sir Giroy ko inabot yung dalawang (2) malaking maleta. Inabot ko naman kay Ma’am Sara ang paper bag na regalo ni Ma’am Wen sa kanya. Doon lang kami sa may receiving area kumain at uminom habang hinihintay si Boss Allan.

19. Maraming beses pa kaming bumiyahe by land papuntang Davao. Isa dito ay para mag-deliver ng dalawang (2) van sa Davao. Pumunta kami kay Raymond Ronquillo, may-ari ng R33 Car Exchange, para kunin yung dalawang (2) brand-new na Super Grandia Van. Yung isa bulletproof, yung isa hindi. Kinargahan namin ng cash at gifts ang mga van. Yung cash, nakalagay sa iba't ibang boxes at mga maleta. Yung pinakamaliit na maleta, may laman na nasa mga 20M. Yung malalaking maleta, may laman na nasa 50M. Puno yung bulletproof Grandia ng cash na nakalagay sa boxes at maleta. Puno naman ang isa ng gifts tulad ng relo, Royce chocolates at branded bags.

20. Pagdating namin sa bahay ni Ma’am Wen sa Davao, sinalubong kami ni Kuya Tony na tao ni Ma’am Sara at nag-convoy kami papunta sa bahay ni Ma’am Sara. Nag-usap kami at sinabi ko na may padala si Ma’am Wen na mga maleta, boxes, at iba pang regalo na nakalagay sa dalawang van. Sinabi ni Ma’am Sara na iabot kay Jepoy ang mga susi. Inabot ko kay Ma’am Sara yung personal gift habang yung van na may lamang pera iniwan na namin kay Jepoy.

21. Sa isa pang pagkakataon, bago ang May 2019 elections, inutusan kami ni Boss Allan na mag-empake ng pera na higit kumulang dalawampu (20) na mga balikbayan box, box ng Fortune at box ng Lucky Me, at mga maleta. Ang mga perang ito ay galing sa i-dineliver na pera ng mga security ni Zaldy Co, na tumatakbong Party-list Congressman, sa bahay ni Boss Allan sa No. 142 Sampaguita St., Valle Verde 2, Pasig City.

22. Nagpatabi rin si Boss Allan ng isang maleta ng pera na may lamang higit kumulang 20M pambili umano ng mga motorsiklo na gagamitin para sa election caravan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) party. Pagkatapos maihanda at maisakay ang pera at mga regalo sa dalawang Grandia van, kami ay bumiyahe patungong Davao City via Samar. Pagkarating ng Davao City ay dumiretso kami sa bahay ni Ma’am Sara kung saan siya mismo ang sumalubong sa amin. Personal kong inabot kay Ma’am Sara ang regalo ni Boss Allan na Royce Chocolate at Patek Philippe na relo. Tulad ng dati, sinabi ni Ma’am Sara na kay Jepoy ko na lang iwanan ang susi ng dalawang Grandia van na may lamang pera.

23. Kinabukasan, bumalik kami sa bahay ni Ma’am Sara. Doon, ipinakilala sa akin ni Ma’am Sara si Ramil Madriaga (“Sir Ramil”) at sinabing sa kanya ko ibigay ang pera pambili ng mga motorsiklong gagamitin sa election caravan ng HNP. Iniabot ko nga ang maleta ng pera na naglalaman ng higit kumulang 20M kay Sir Ramil sa utos ni Ma’am Sara.

24. Noong nabili na ni Sir Ramil ang mga big bike para kay Ma’am Sara, sumama ako kay Ma’am Sara para sa election caravan ng HNP sa Mindanao. Nag-ikot kami sa ilang mga simbahan at iba pang lugar sa Mindanao para mangampanya para sa mga kandidato ng HNP sa pagka-senador. Pagdating naming sa Cagayan de Oro, doon na ako sumakay ng eroplano pabalik ng Manila.

25. Noong September 21, 2019, gabi bago yung binyag ng bunsoang anak ni Boss Allan at Ma’am Wen na si Sara Velasco sa Makati Shangri-La, may pabigay ulit si Ma’am Wen na dalawang maleta na naglalaman ng tig-50M cash kada maleta. Tulad ng dati, ako mismo ang nagbilang at naglagay ng mga cash sa mga maleta sa Valle Verde 2. Sabi ni Ma’am Sara, iabot ang mga ito kay Jepoy. Pagdating namin sa Diamond Hotel, pagkababa nila, dala na nila ang dalawang (2) maleta ng pera na may laman na tig-50M ang bawat isa. Iniwan na namin sila doon.

26. Noong bandang summer ng 2020, pandemic na yun. Nag-deliver din kami ng tatlong (3) maleta kay Ma’am Sara at Jepoy sa Busay, Cebu.

27. Noong naging Speaker na si Boss Allan noong October 2020 ay lalong dumalas at dumami ang mga delivery ng pera sa bahay ni Boss Allan at Ma’am Wen sa Valle Verde 2 galing sa iba't ibang personalidad tulad nila Cong. Zaldy Co, Sir Miro Quimbo, Atty. Honey Sipin.

28. Kay Sir Miro Quimbo ko din narinig noong nasa Starbucks Katipunan, malapit sa Miriam College, na galing ang pera kila Curlee Discaya at Sarah Discaya at iba pang DPWH contractor. May isa ring pagkakataon na nakita ko si Eng. Henry Alcantara na papasok sa bahay ni Zaldy Co sa Valle Verde 6 noong pumipick up kami ng pera sa kanya.

29. Sa isang pagkakataon rin, nakita ko si Usec. Maria Catalina Cabral kasama si Sir Miro Quimbo sa Starbucks Petron Katipunan nung utusan ako ni Boss Allan na mag-pick up ng pera galing kay Sir Miro, na dinala ko naman sa No. 142 Sampaguita St., Valle Verde 2. Binuksan ko ito sa Valle Verde 2 para bilangin at binibigay kay Charmaine at Joan na mga personal assistants o “PA” ni Boss Allan.

30. Nangongolekta din kami at nagdadala rin ng pera sa mga bahay ni Boss Allan sa Valle Verde 2 ang mga tauhan ng iba't ibang ahensya ng gobyerno tulad ng DPWH, BIR at Customs. Alam ko ito dahil palagi akong kasama ni Boss Allan sa mga meeting sa iba't ibang mga ahensya.

31. Noong bandang 2021 naman, nakita ko si DPWH Usec. Roberto R. Bernardo sa DPWH Main Office nang inutusan ako ni Boss Allan na samahan si Gen. Pipino na magpa-approve ng project para sa Region 8. Pagkatapos nito, dumiretso kami sa DBM sa office ni Secretary Wendel Avisado para mapa-approve ang mga projects. Nagtanong sa akin si Gen. Pipino ng rate ng SOP. Tinanong ko ito kay Boss Allan. Sabi niya 25% ang all-in na porsyento ang kailangan para sa SOP. Ayon din sa kanya, babayaran ito ng advance.

32. Sa mga personal kong naririnig kay Boss Allan at Atty. Honey Sipin tuwing may meeting sa bahay ni Boss Allan ay nakakakuha siya ng porsyento sa lahat ng project sa buong Pilipinas. Kasama na dito sa kanyang porsyento, ang porsyento rin para sa mga Duterte, kaya’t ang pagkakaalam ko ang perang hawak ni Boss Allan ay hindi lamang sa kanya ngunit hawak din niya ito para sa mga Duterte.

33. Minsan ko ring nakita sa bahay ni Boss Allan si Ramil Madriaga dahil inutusan ito ni Ma’am Sara na kumuha ng pera na higit kumulang dalawampung milyong piso (P20 Million) para gamitin sa motorcycle riding course sa Davao. Ako mismo ang nag-abot ng pera kay Mr. Madriaga.

34. Dahil sa dami ng pera na dinedeliver kay Boss Allan ay hindi na kasya ang mga ito sa bahay lamang sa No. 142 Sampaguita Street, Valle Verde 2. Kalaunan, bumili na si Boss Allan ng ilan pang mga bahay sa Valle Verde at sa iba pang mga lugar. Hindi bababa sa anim (6) na bahay ang binili ni Boss Allan sa Valle Verde upang gawing “cash houses” o imbakan ng pera. Isa sa mga cash house na binili ni Boss Allan ay nasa Valle Verde 6, sa parehong kalye kung saan may bahay rin si Zaldy Co. Ilang beses na rin akong tumanggap ng pera galing sa kanya na inimbak namin sa iba't ibang cash houses ni Boss Allan.

35. Noong Speaker na si Boss Allan, mas madalas at regular na din ang delivery kay Ma’am Sara:

36. Noong 2021, inutusan kami ni Ma’am Wen na kunin yung dalawang (2) Grandia Van kay Raymond Ronquillo ng R33. Tumatawag kami kay Sir Raymond pag may ibibigay na sasakyan tapos kami ang pumipick up. Kinuha namin yung dalawang (2) Grandia tapos dinala namin ito by land papuntang Davao dala ang van na naglalaman ng maleta at boxes ng cash na di bababa sa 500M. Kinabukasan, naki-birthday kami sa bunsoang anak ni Ma’am Sara tapos dumating noon si Boss Allan.

37. After a week, inutusan akong bumalik ng Davao para mag-deliver ng isang maleta na may laman na 20M na gagamitin sa Rider’s training at pambili ng mga motor ng mga security ni Ma’am Sara.

38. Pagdating ko sa private hangar sa Pasay kung saan naghihintay ang private plane, dumating yung mga security ni Zaldy Co nakasakay sa Cadillac at van. Pagdating nila, binaba nila yung mga maleta. Nasa mga 10 na malalaking maleta. Sinakay nila sa private plane na kulay p**a at puti ang mga maleta. Tumuloy ako sa Davao para maghatid nito.

39. 2021 din noong nabili nila Boss Allan yung bahay sa No. 1 Champacca St., Valle Verde 2. Dito madalas bumisita si Ma’am Sara. Kadalasan mga 1AM siya dumarating tapos bago mag-4AM aalis na siya. Naalala ko noong una niyang punta, nag-park sila sa harap ng bahay. Nagpakuha si Boss Allan ng dalawang (2) malalaking maleta ng cash sa 142 Sampaguita galing sa collection ni Sir Miro Quimbo at Atty. Honey. Hindi bababa sa 100M yung kabuuan laman ng maleta. Sinabihan ko si Ma’am Sara na andito na ang dalawang maleta na pinakuha ni Boss Allan. Tinawag niya si Jepoy at sinabihan niya ito na ilagay sa sasakyan. Si Jepoy ang tumanggap noon at nilagay nila ito ng mga security nila sa sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay.

40. Nag-deliver din kami kay Ma’am Sara sa Quezon City Circle. Namimili ng halaman si Ma’am Sara noon kasama mga security niya. Pinuntahan ko siya at sinabihan ko si Ma’am Sara na may pabigay si Ma’am Wen na dalawang (2) maleta. Sinabi ni Ma’am Sara na ibigay ko ang mga ito sa kanyang security. Sabi ng security niya na sumunod ako sa kanya. Sa parking malapit sa Max’s sa loob ng Circle, doon namin nilipat yung dalawang (2) maleta na naglalaman ng 40M cash bawat isa sa sasakyan nila. Galing ang mga ito sa SOP ni Boss Allan mula sa collection ni Ma’am Honey Sipin.

41. Sa Subic Safari, naghatid din ako ng dalawang (2) maleta ng cash. Sabi ni Ma’am Wen pumunta kami dun dahil darating si Ma’am Sara para manood ng mga dolphin kasama yung bunsoang anak niya na lalaki, at ang mga anak ni Ma’am Wen. Dala namin yung pera na nasa dalawang (2) maleta na may lamang tig-50M cash bawat isa galing sa isa sa mga cash houses ni Boss Allan. Sabi ni Ma’am Sara na sa security iabot ang mga maleta at ilipat sa sasakyan nila. Kinuha nung security ni Ma’am Sara yung dalawang (2) maleta ng cash at inilipat sa kanilang sasakyan. Inabutan ko din yung mga security ni Ma’am Sara ng tig-10k cash bawat isa.

42. Isang beses noong taong 2021, inutos sa amin ni Boss Allan na magkarga ng mga maleta at box ng pera na abot sa higit dalawandaang milyong piso (P200 million) sa dalawang Toyota Grandia van para ibigay kay Ma’am Sara. Ako at ang driver ni Boss Allan na si Kuya Victor Sioco ang nagmaneho ng mga van ito papuntang Diamond Hotel kung saan noon tumuloy si Ma’am Sara. Dumiretso kami sa basement ng Diamond Hotel at pagdating dito, tinawagan ko si Jepoy upang iabot ang susi ng van. Si Jepoy at si (“Bryan”), na pinakilala rin sa akin ni Ma’am Sara na kanyang staff at katiwala, ang kumuha ng dalawang van na puno ng pera. Pagkatapos nito ay nag-message ako kay Ma’am Sara gamit ang Viber number niya na na-deliver na ang pera kay Jepoy at Bryan.

43. Noong bandang December 2021, inutusan kami ni Boss Allan na magdala at magsakay ng pera sa private plane ni Cong. Mikee Romero para dalhin kay Ma’am Sara sa Davao. Galing ang mga maleta sa bahay nila Boss Allan at Ma’am Wen sa isa sa mga cash houses nila sa Valle Verde. Isinakay namin ang mga maleta ng pera na naglalaman ng higit kumulang dalawandaang milyong piso o 200M sa isang Escalade at isang Grandia na bigay ng may-ari ng R33 Cars kay Boss Allan. Dinala namin ito sa isang hangar malapit sa NAIA Terminal 3 at doon isinakay sa kanyang private plane ni Cong. Mikee Romero. Kasama mismo si Boss Allan sa biyahe na ito.

44. Nagkaroon na din ng pagkakataon na sabay akong nag-deliver ng maleta ng pera sa Davao para kay Ma’am Sara at para kay Cong. Paolo Duterte.

45. Sa utos pa din ni Boss Allan, nag-deliver din ako ng maleta ng pera para kay Congressman Paolo Duterte sa isang bar sa Davao at sa iba't ibang lugar sa Metro Manila.

46. Habang Speaker si Boss Allan, maliban sa mga nabanggit ko, maraming pang beses na akong nagde-deliver kay Ma’am Sara Duterte ng mga maleta at boxes ng cash sa Davao, sa private hangar sa Pasay, sa Quezon City Circle, sa Petron sa tabi ng Miriam sa Quezon City.

47. Aking inirereserba ang aking pagbibigay ng karagdagang sinumpaang salaysay kung sakaling ako ay magkaroon muli ng pagkakataon.

48. Alam ko na naging parte ako ng isang sistema ng korupsyon kung saan nakinabang din ako bilang isang tauhan kapalit ng tapat na pagsisilbi. Pero nang magkasakit ang isang mahal sa buhay, ay ni hindi ako nagawang tulungan ni Boss Allan sa panahon kung kailan ko siya lubos na kailangan.

49. Marami pa akong nais ibahagi aking personal na kaalaman pero ito ay tumutukoy sa iba pang mga pribado at makapangyarihang mga indibidwal. Kung kailanganin ay kaya kong tukuyin at patotohanan ang mga ito at magbigay pa ng karagdagang ebidensya.

50. Na ginawa ko ang Sinumpaang Salaysay na ito upang aking patunayan ang buong katotohanan ng aking salaysay na nasa itaas at paninindigan ko ito saan man at kanino pa man.

Sa katunayan ay nilagdaan ko ito ngayong ika-14 ng Setyembre, 2026 dito sa Pasay City. Binasa at inunawa ko ito bago ko nilagdaan.

PCPL. RODULFO MONDIGO GRACIOSO JR.

Nagsasalaysay

(signature / thumbmark)

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this 14th day of September 2026 in Pasay City, Philippines. I have personally examined the Affiant and I am fully convinced that he executed this Affidavit freely and voluntarily as well as understood the contents thereof.

ATTY. CRYSTALINE A. FIGUENZA

Administering Officer

by authority of RA 10867

Want your business to be the top-listed Media Company in Makati?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Makati
1208

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Daily Netizen posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Makati.