Vocation Ministry - DSPIC
Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception - City of Malabon
"Vocationi Meae Amor Est"
04/08/2026
Maligayang Araw ng mga Kaparian! ๐๐
Bilang pagdiriwang natin sa araw ng mga kaparian, ang Vocation Ministry ng ating parokya ay nagsasagawa ng Photo Booth bilang promotion sa ating Vocation Ministry at pakiki-isa na rin sa pagdiriwang ng Kapistahan ni St. John Vianney
Bahagi rin nito ang pagdarasal natin sa mga kaparian dito sa ating Diocese of Kalookan sa pamamagitan ng pagbunot ng kanilang pangalan
Patuloy nating ipagdasal ang ating mga kaparian sa kanilang pakikibahagi sa misyon ni Kristo, ang Dakilang Pari. ๐
01/08/2026
โMany are called, but few are chosen.โ (Mt 22:14)
AND BE THE CHOSEN ONE!
Ang bokasyon ay hindi lamang tungkol sa kung ano ang iyong magiging buhay, kundi kung saan ka tinatawag ng Diyos para makabahagi sa kanyang Pag-ibig.
Bilang pagdiriwang sa Kapistahan ni St. John Vianney, patron ng mga pari
ang Vocation Ministry ay magtatayo ng Vocation Booth sa patio ng ating Simbahan, at ating ipagdasal ang mga kaparian na mas lalong maging modelo ng bokasyon at pagmamahal ng Diyos.
August 2, 2026 (Linggo)
8:00-10:45 ng umaga
4:45-7:00 ng gabi
Halina at maging kabilang sa bawat tinawag at pinili ng Panginoon!
12/06/2026
๐๐จ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ๐๐ซ ๐๐๐๐ค๐๐ง๐? ๐๐ง๐จ, ๐ญ๐๐ซ๐?
Kung ikaw ay binata na nasa Grade 10, 11, 12, o college at interesado sa buhay ng pagpapari, at nais magtimbang o mag-discern ng iyong bokasyon, tara na! Halinaโt samahan kami sa gaganaping ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ sa ๐๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐๐-๐๐, ๐๐๐๐.
Ito ay on a first come, first served basis. Kung may iba ka pang katanungan o concern, maaari mong i-message ang Vocation Ministry โ Diocese of Kalookan page.
๐ Registration link: https://forms.gle/htBHk9fJPRN1YGrm8
28/04/2026
๐๐ซ๐๐ฐ๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง 2.0: ๐๐๐ฉ๐ ๐๐ญ ๐๐๐ฌ๐๐ฅ: ๐๐๐๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐จ๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
โPang-ilang baso mo na? โโ
Bilang pagdiriwang ng Good Shepherd Sunday, inilunsad ng Vocation Ministry ang ikalawang taon ng Brewkasyon na may temang โBrewkasyon 2.0: Kape at Dasal: Gabay sa Paghanap ng Bokasyon.โ Naging bahagi rin ng programa ang pormal na turnover mula sa outgoing coordinator na si Sis. Francheska Beatrice De Leon patungo sa bagong coordinator na si Bro. Emmanuel Salonga.
Dinaluhan ito ng ibaโt ibang kabataan na nais matuto at mas maunawaan ang kanilang bokasyon. Hindi lamang nabusog sa pisikal kundi pati sa espiritwal na pangangailangan.
Isinagawa ang programa sa tulong at gabay ng ating mga bisitang seminarista na sina Bro. Christopher V. Mabini, Bro. Calvin Nicole Lacuata, at Bro. Joshua Nico Dadula. Maraming salamat sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon at sa pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman at karanasan.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at nagbahagi ng kanilang tulong, lalo na sa ating mga food sponsors:
Sis. Christina de Dios
Sis. Zenaida Vidal
Sis. Normie Lising
Sis. Yolly Herrera
Sis. Edith Santos
Dr. Leonard Dizon
Sis. Jennifer Cruz
Sis. Cherrie Macatangay
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga kaparian, lalo na sa ating rektor at kura paroko, Rev. Fr. Mariano Bartolome Jr., sa kanilang patuloy na suporta sa ating mga programa ngayong Vocation Sunday.
Higit sa lahat, maraming salamat sa lahat ng miyembrong nakilahok mula sa iba't ibang ministeryo at organisasyon ng ating simbahan.
Lagiโt laging tandaan, ang bokasyon ay pagmamahal! ๐
25/04/2026
Nagkakape habang pinag uusapan kung saan ka nga bang tinatawag na bokasyon, Ano tara? โ๐
BREWKASYON 2.0
Kape at Dasal: Gabay sa Paghanap ng Bokasyon
Just chill and come with me! Sa pagkakape may pag-uusapan tayong mas mag papagising sa bokasyon mo. Set the date and time!
๐April 27, 2026 (Monday)
๐6:00 PM
๐2nd Floor, Mater Dei Building
Let's coffee with Jesus, siiipppp!! โ
03/08/2025
๐๐๐ค๐๐ฒ๐: ๐๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฆ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ญ๐๐ฒ๐, ๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐, ๐๐ญ ๐๐๐ง๐๐ฐ๐๐ ๐๐ง
Isang masigla at makahulugang talkshow na naging daan upang mas makilala natin ang puso at bokasyon ng ating mga kaparian.
Ngunit ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala ang walang sawang dedikasyon ng mga taong nasa likod ng tagumpay ng programa. Mula sa mga meetings at brainstorming hanggang sa aktwal na araw ng event, hindi matatawaran ang tulong ng bawat isa.
Maraming salamat po sa inyong paglilingkod!
03/08/2025
๐๐๐ค๐๐ฒ๐: ๐๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฆ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ญ๐๐ฒ๐, ๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐, ๐๐ญ ๐๐๐ง๐๐ฐ๐๐ ๐๐ง
Isang makabuluhang talkshow kung saan mas malalim nating nakilala ang puso at misyon ng ating mga butihing kaparian!
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Clergy Day, taus-pusong pasasalamat po ang aming handog sa mga pari ng ating dambana at ng St. Jude Thaddeus Mission Station: Rev. Fr. Jun Bartolome, Rev. Fr. Victor Isaac, Rev. Fr. Rey Amante, Rev. Fr. Simeon Baio, at Rev. Fr. Johnson Nwanonenyi.
Salamat sa inyong walang sawang paggabay at sakripisyo para sa bayan ng Diyos.
Maligayang Araw ng mga Pari! ๐
๐ธJerwin Israel Aquino
06/06/2025
๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐ข๐ค!
Muling nagtipon ang DSPIC Vocation Ministry para sa First General Assembly na isang pagkakatipong pinagbuklod ng panibagong alab sa bokasyon. Sa pagbabalik, pag-ibig ang ating sandigan at layunin.
11/05/2025
๐๐ซ๐๐ฐ-๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: ๐๐ฐ๐๐ง๐ญ๐ฎ๐ก๐๐ง๐ ๐๐จ๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
"Tara, kape!"
Isang masarap na kwentuhan at salu-salo bilang pagdiriwang ng Good Shepherd Sunday! Hindi lang nabusog ang tiyan, kundi pati ang puso at kaluluwa.
Maraming salamat kina Sis. Anita Selidio mula sa Missionary Sisters of Mary (MSM) at Bro. Nollen Jed Mendoza mula sa Missionaries of Jesus (MJ) sa pagbabahagi ng kwento ng kanilang buhay bokasyon. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating mga kaparian, lalo na sa ating rektor at kura paroko, Rev. Fr. Mariano Bartolome Jr., para sa kanyang walang sawang suporta sa lahat ng ating mga programa ngayong Vocation Sunday.
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng miyembrong nakilahok mula sa iba't ibang ministeryo at organisasyon ng ating simbahan. At higit sa lahat, sa mga buong pusong nagbigay ng tulong upang maisakatuparang ang programang ito.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
272 Gen. Luna Street
Malabon
1470
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Vocation Ministry - DSPIC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.