GILAS

GILAS

Share

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF MALABON CITY
CONCEPCION TECHNICAL-VOCATIONAL SCHOOL
OFFICIAL FILIPINO SCHOOL PUBLICATION

20/07/2026

Malugod naming binabati si Mr. Rodelio Perez Jr sa kanyang pag-upo bilang bagong Punong-G**o ng Concepcion Technical-Vocational School (CTVS).

Nawa'y maging mabunga at makabuluhan ang inyong panunungkulan. Hangad namin na sa ilalim ng inyong pamumuno ay lalo pang umunlad ang CTVS, na may
pagkakaisa, kahusayan, at malasakit para sa kapakanan ng bawat g**o, mag-aaral, at magulang.

Maligayang pagdating sa CTVS, Sir Rodelio ! Nawa'y patuloy kayong pagpalain at gabayan ng Poong Maykapal sa inyong bagong tungkulin.

20/07/2026

Ang buong Concepcion Technical-Vocational School ay taos-pusong nagpapasalamat kay Dr. Windelle G. Morales sa kanyang natatanging pamumuno, dedikasyon, at walang sawang paglilingkod sa ating paaralan.

Ang inyong malasakit, karunungan, at mga iniwang aral ay magsisilbing inspirasyon sa bawat g**o, mag-aaral, at kawani ng CTVS. Bagama't kayo ay tatahak na sa panibagong yugto ng inyong propesyon, ang inyong naging bahagi sa paghubog ng ating paaralan ay mananatiling hindi malilimutan.

Maraming salamat, Sir Windelle, sa inyong tapat na paglilingkod. Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at pagkalooban ng tagumpay sa inyong susunod na destinasyon.

09/07/2026

WALANG PASOK | Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon ngayong araw, Hulyo 10, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng Southwest Monsoon (Habagat) na pinalakas ng Typhoon Bavi “Inday”.

Dahil dito, pansamatalang ipapatupad ang Alternative Delivery Mode sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.



(c) Mayor Jeannie Sandoval

07/07/2026

WALANG PASOK | Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon ngayong araw, Hulyo 8, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng Southwest Monsoon (Habagat) dulot ng Super Typhoon Bavi “Inday”.

Dahil dito, pansamatalang ipapatupad ang Alternative Delivery Mode sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.

(c) Mayor Jeannie Sandoval

Photos from CTVS SPTA 2026-2027's post 06/07/2026
03/07/2026

MNP, Isinagawa ang orientasyon patungkol sa Juvenile Justice

Ang orientasyon ay isinagawa ng Malabon National Police (MNP) na pinangunahan nina Police Sargent at Arms, Melanie Garcia at (Police Staff Sergeant) PSSG Sgt. Mark Jason Ong, kung saan binigyan linaw at kaalaman ang mga batas sa Juvenile Justice at kung paano ito nakakaapekto sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon.

Sa pamamagitan ng sinabing orientasyon, binigyang diin at pangunawa ang ligtas na kapaligiran sa paaralan, kaakibat ng pag bibigay impormasyon sa mga dapat gawin sa mga sitwasyon na hindi inaasahan.

Sa paanong paaraan maaring matulungan ang mga kabataan? Halika, ating alamin. Ano tara?

02/07/2026

Orientasyon sa Juvenile Justice, Isinagawa sa CTVS
Isinulat nina: Mary Miracle Santos at Tricia Lorenzo

CONCEPCION, Malabon — Ngayong araw, Huwebes, Hulyo 2, 2026, isinagawa ang orientasyon tungkol sa Juvenile Justice para sa mga mag-aaral ng Senior High School (SHS) ng Concepcion Technical-Vocational School.

Ang orientastyon ay isinagawa ng Malabon National Police (MNP) na pinangunahan nina Police Sergeant at Arms, Melanie Garcia at Police Staff Sergeant (PSSG Sgt.) Mark Jason Ong, kung saan sila ay nagbigyang-linaw at kaalaman tungkol sa mga batas ng Juvenile Justice at kung paano ito nakakaapekto sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon.

Saad ni Sgt. Ong, “Information is the key to prevent the accident.” Layon nito na mahikayat ang mga mag-aaral na sabihin kaagad ang anumang kaalaman na makakapaglagay sa alanganin ng kapwa mag-aaral.

Isiniyasat din dito ang mga konsepto na nakapaloob sa batas gaya nalang ng pagdadala ng patalim at mapanganib na bagay at mga e-cigarettes o v**e.

Pinangunahan naman ni PSSG. Garcia ang usapin ukol sa Republic Act (RA) 11313, “Safe Spaces Act”, kung saan ang batas na ito ay pumoprotekta sa mga kabataan na nakararanas ng cat calling, wolf whisling, unwanted invitations, transphobic slurs, misogynistic, homophobic, at sexist remarks ay ipagbigay-kaalaman kaagad sa mga awtoridad.

Sa huli, matagumpay na naisagawa ang orientasyon ng Juvenile Justice para sa mga mag-aaral sa Senior High School na nakapagbigay-kaalaman sa kanila hinggil sa batas na ito at upang mabigyan sila ng kamalayan kung kanino dapat magsabi kung sila ay nakakaranas ng ganitong sitwasyon.

30/06/2026

Isang pagbati ng maligayang kaarawan sa ating minamahal na Punong G**o, Dr. Windelle G. Morales, nawa’y mapuno ng saya, pagpapala, at tagumpay ang iyong espesyal na araw. Maraming salamat sa iyong dedikasyon at inspirasyon na ibinabahagi sa paaralan.

23/06/2026

KALUSUGAN AT KAAYUSAN: ANNUAL HEALTH INSPECTION, INILUNSAD SA CTVS!
Isinulat ni: Yuto Villaluna

CONCEPCION, Malabon — Ngayong araw, Martes, Hunyo 23, 2026, isinagawa ang Annual Health Inspection para sa mga mag-aaral mula sa ikapito at ikasiyam na baitang sa Concepcion Technical-Vocational School (CTVS).

Ang programa ay nagmula sa Schools Division Office (SDO)- Malabon City na may layuning bigyang pansin ang kasalukuyang kalusugan ng mga mag-aaral at upang mabigyang proteksyon ang mga ito sa mga posibleng sakit na maaaring malaganap at mabigyan ito nang agarang solusyon sa loob ng komunidad ng paaralan.

Ang programa ay sumasaklaw sa iba’t-ibang kalagayan ng mga mag-aaral ukol sa kanilang pisikal na pangangatawan at kalusugan.

Ang isinagawang Annual Health Inspection ay nagsilbing pagkakataon upang mabigyan ng proteksyon at alaga ang mga bawat mag-aaral at upang maitaguyod ang maayos at ligtas na kinabukasan para sa lahat.

19/06/2026

BAGONG KAALAMAN, BITBIT NG MAG-AARAL; CTVS, TAGUMPAY SA UNANG LINGGO NG INSTRUCTIONAL BLOCK!
Isinulat ni: Charles Russel Besin

CONCEPCION, Malabon — Naging matagumpay ang unang linggo ng Instructional Block para sa 3-Term Calendar ng Taong Panuruan 2026–2027 sa Concepción Technical-Vocational School.Pormal itong nagsimula noong Hunyo 15 at magtatapos sa Setyembre 1, 2026. Kasunod nito ang End-of-Term Block na gaganapin mula Setyembre 2 hanggang 15, 2026 sa loob ng 10 araw.

Sa panayam kay Binibining Annika Denise Floro, isang mag-aaral ng Baitang 12, ibinahagi niya ang kaniyang karanasan sa unang linggo ng klase.

“Masaya naman po at naiintindihan ko yung kailangan nating magawa yung mga schoolwork na ibinigay sa atin dahil para rin ito sa paglago ng ating kaisipan,” saad niya.

Isinagawa ang Instructional Block sa ikalawang linggo ng pasukan. Ang unang termino ay tatagal ng 55 araw, kung saan nakatuon ang mga g**o at mag-aaral sa pagsasagawa at paglulungsad ng mga gawaing pang-akademiko at pagpapalawak ng kaalaman.

Want your school to be the top-listed School/college in Malabon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


4 Burgos Street Concepcion, Malabon City
Malabon
1470

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GILAS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Malabon.