MOO Malay - Pantawid Program

MOO Malay - Pantawid Program

Share

Welcome to the Official page of Municipal Operations Office (MOO) of Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) - Malay, Aklan!

This page serves as a platform for updates, announcements, community engagement, and program activities.

Photos from DSWD Western Visayas's post 12/08/2026

Talaan ng Pagbabago at Pag-unlad (TPP) for newly-registered Set 14 beneficiaries ๐Ÿ’™

12/08/2026

RIZA: Ang aking pagtatapos, karangalan ng lahing ati ๐Ÿ’™

๐—–๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿด๐˜๐—ต ๐—”๐—ป๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿฐ๐—ฃ๐˜€!

RIZA: Ang aking pagtatapos, karangalan ng lahing ati

Testimonya ni si Riza C. Tamboon
Benepisyaryo ng 4Ps

MALAY, Aklan (Pagbabago) - Ako ay isang katutubong Ati sa isla ng Boracay. Mula pagkabata, naranasan ko ang iba't ibang hamon sa buhay, kabilang ang kahirapan at ang panghuhusga ng ilang tao dahil sa aking kulay at pinagmulan. May mga pagkakataong nawawalan ako ng kumpiyansa sa aking sarili, ngunit pinili kong huwag hayaang hadlangan ng mga ito ang aking mga pangarap.

Naniniwala ako na ang edukasyon ang susi upang mabago ang aking kinabukasan. Sa tulong ng aking pamilya, mga g**o, ng aming Ati Community at mga taong naniwala sa aking kakayahan, nagsumikap akong mag-aral. Maraming pagsubok ang aking hinarap, ngunit bawat isa ay naging inspirasyon upang lalo akong magpursige.

Sa gitna ng mga hamon ng buhay, ang Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps) ang naging ilaw at sandigan ng aming pamilya. Ibinigay nito sa amin ang lakas ng loob na magpatuloy sa pag-aaral dahil naramdaman naming hindi kami nakakalimutan ng lipunan. Dahil sa programang ito, nabawasan ang aming mga alalahanin sa araw-araw na gastusin, nabigyan kami ng pag-asa, at ipinamalas naming mga Ati na ang kahirapan at diskriminasyon ay hindi hadlang upang makamit ang tagumpay.

Lubos ang aking pasasalamat sa 4Ps malaki ang naitulong sa aking pamilya para kami makapagtapos sa pag-aaral. Dahil dito, na itaguyod kami ng aming mga magulang sa kabila ng kahirapan.
Habang nag-aaral sa kolehiyo, mas lalo kong napatunayan na ang pagiging isang Ati ay hindi hadlang sa pag-abot ng tagumpay. Sa halip, ito ang naging lakas ko upang ipakita na kaya kong makipagsabayan sa iba. Sa bawat aral at karanasan, mas naging matatag ang aking loob at mas lumawak ang aking pangarap para sa aking sarili at sa aking komunidad.

Ngayon, bilang isang nagtapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management, ipinagmamalaki kong isa akong katutubong Ati ng Boracay. Ang aking tagumpay ay hindi lamang para sa akin kundi para rin sa aking pamilya at sa buong komunidad ng mga Ati. Nais kong maging inspirasyon sa kapwa ko katutubo na huwag sumuko sa kabila ng mga pagsubok. Ang sipag, tiyaga, at pananalig sa sarili ay maaaring magbukas ng daan tungo sa isang mas magandang kinabukasan.

Ang aking kwento ay patunay na ang anumang problema ay maaaring malampasan. Ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng pagsubok na naranasan, kundi sa lakas ng loob na bumangon at ipagpatuloy ang paglalakbay tungo sa pangarap. Isa lamang ako sa maraming Ati na nagtagumpay sa iba't-ibang larangan dahil sa suporta na aming natatanggap mula sa gobyerno lalo na sa 4Ps na aming ginamit na sandata para makamit ang aming pangarap sa aming sarili, pamilya, komunidad ng Ati at sa ating bansa. (Isinulat ni: Cherry V. Arroyo, ML-Malay, Aklan POO)

11/08/2026

CABALLES FAMILY of Brgy. Caticlan, Malay! ๐Ÿ’™

Photos from RMN DYKR Kalibo's post 09/08/2026

โค๏ธ

Photos from Department of Social Welfare and Development - DSWD's post 09/08/2026

โค๏ธ

Photos from DSWD Western Visayas's post 09/08/2026

โค๏ธ

Photos from MOO Malay - Pantawid Program's post 09/08/2026

LOOK: MOO Malay Conducts House-to-House TPP Baseline Assessment for New 4Ps Members! ๐Ÿ’™

Despite the challenging weather conditions, the Municipal Links (MLs) of MOO Malay, with the assistance of the LGU Links, went house-to-house to conduct the Talaan ng Pagbabago at Pag-unlad (TPP) among the newly registered 4Ps beneficiaries under SET 14.

A total of 32 SET 14 households were reached and assessed as the team officially began their TPP Baseline Assessment - an important starting point in tracking and measuring their progress, development, and positive changes throughout their journey in the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Photos from MOO Malay - Pantawid Program's post 05/08/2026

LOOK: ML Maribel Lames is currently logging out using the 4Ps Bio App as part of the programโ€™s digitalized attendance and monitoring process. ๐Ÿ’™

Ikaw, anong kwentong Bio App verification mo? ๐Ÿ˜…

Photos from MOO Malay - Pantawid Program's post 04/08/2026

BELATED BIRTHDAY GREETINGS, SIR STEPHEN! ๐Ÿ’™

The MOO Malay Family sends our warmest belated birthday wishes to our dedicated Provincial Link, Sir Stephen M. Suajico, Jr., RSW

Thank you for your continued guidance, support, and leadership. May you be blessed with good health, happiness, success, and more meaningful years ahead.

Happy Belated Birthday, Sir Stephen!

- Your MOO Malay

Photos from MOO Malay - Pantawid Program's post 04/08/2026

ICYMI | LOOK: A series of collaborative meetings between the Malay Municipal Operations Office (MOO) and the Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) was conducted to discuss, coordinate, and strengthen the implementation of the UPLIFT Assistance Program in the Municipality of Malay.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Malay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


MSWDO Senior Citizen Bulding
Malay
5608

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm