One Yorme

One Yorme

Share

YORME SUPPORTERS! OMMCM
KA MATA
ONE YORME!!!

10/09/2026

TOTOONG FLOOD CONTROL, TOTOONG SOLUSYON SA BAHA! 🌧️🇵🇭

Naniniwala tayo na panahon na para sa pangmatagalan, maayos at totoong flood control projects upang tuluyang matugunan ang problema sa pagbaha—hindi lamang sa Maynila kundi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kasabay nito, patuloy nating pinaiigting ang maagap at maayos na pagkolekta ng basura upang maiwasan ang pagbabara ng mga daluyan ng tubig. Sa pangunguna ng Department of Environment and Public Services (DEPS), tuloy-tuloy ang paglilinis at clearing operations sa mga kalsada at drainage areas.

Hindi sapat ang pansamantalang solusyon. Kailangan ang konkretong proyekto, maayos na sistema at tuloy-tuloy na aksyon para sa isang mas ligtas at mas handang Maynila.

10/09/2026

Yorme pinakyaw paninda ni lola!

10/09/2026

250 DAYCARE PARENTS SA DISTRICTS V, VI AT BASECO, NAKATANGGAP NG RICE ASSISTANCE

Aabot sa 250 daycare parents mula Districts V, VI at Baseco ang nakatanggap ng tig-tatlong kilo ng bigas sa ilalim ng Rice for Work Program ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).

Sa programa, makikibahagi ang mga benepisyaryo sa community clean-up at environmental activities bilang kapalit ng rice assistance—isang hakbang na pinagsasabay ang pagtulong sa pamilya at paglilingkod sa komunidad.

Sa pamumuno ni MDSW Director Jay Dela Fuente, layunin ng programa na mabigyan ng dagdag na suporta ang mga pamilya habang hinihikayat ang aktibong pakikiisa ng mga residente sa pagpapanatili ng kalinisan ng kanilang komunidad.

Tulong sa pamilya, serbisyo para sa komunidad. Ito ang diwa ng Rice for Work Program—may pagkain na maiuuwi sa pamilya, at may oras na naibabahagi para sa ikagaganda ng komunidad.

Patuloy ang paghahanap ng Pamahalaang Lungsod ng Manila ng mga paraan upang masuportahan at maitawid ang mga pamilyang nangangailangan.

10/09/2026

MAYOR ISKO MORENO, NAGHATID NG MENSAHE SA FFCCCII MID-AUTUMN FESTIVAL CELEBRATION

Hatid ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang kanyang mensahe sa pagdiriwang ng Mid-Autumn Festival ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII).

Isang makabuluhang okasyon na nagbibigay-diin sa pagkakaisa, pagkakaibigan at matibay na ugnayan ng Filipino at Filipino-Chinese communities—mga halagang mahalaga sa patuloy na pag-unlad ng Maynila at ng buong bansa.

Serbisyo, pagkakaisa at malasakit—para sa isang mas maunlad na Maynila!

10/09/2026

Mayor Isko Moreno Domagoso vice Mayor Chi Atienza at MDSW Director Jay Dela Fuente!

10/09/2026

“Hulog ng langit si Yorme sa mga Manilenyo.” ❤️💙

Ipinagmalaki ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang mga magagandang programa, proyekto at serbisyong naihatid ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso para sa mga taga-Maynila.

Ayon kay Vice Mayor Chi, ramdam ng mga Manilenyo ang malasakit at pagkilos ng pamahalaang lungsod—mula sa mga serbisyong panlipunan hanggang sa mga programang direktang nakatutulong sa bawat pamilya.

Para sa kanya, isang malaking biyaya para sa Maynila ang pagkakaroon ng lider na handang kumilos, makinig at maglingkod sa mga mamamayan.

“Hulog ng langit si Yorme sa mga Manilenyo.” 🙏❤️

09/09/2026

🚨 BAHA ALERT: HUWAG BASTA UMINOM NG DOXYCYCLINE!

Paano kung paulit-ulit kang nalalagay sa baha—kailangan na ba agad ng Doxycycline? 🤔

Hindi lahat ng exposure sa baha ay nangangahulugang kailangan agad ng gamot. Mahalaga munang matukoy kung gaano katagal at gaano kalaki ang naging exposure, pati na ang iba pang risk factors.

⚠️ Paalala: Huwag basta-basta uminom ng Doxycycline nang walang payo ng health professional. Ang tamang prophylaxis ay nakadepende sa assessment ng iyong exposure at kalagayan.

👉 Panoorin at alamin ang tamang hakbang para makaiwas sa Leptospirosis. Mas mabuting may tamang kaalaman kaysa sariling gamot ang desisyon.

09/09/2026

🚨 ATM | ₱1.5 MILYON KARAGDAGANG TULONG, IPINAGKALOOB NI MAYOR ISKO SA 3 PASYENTE

Patuloy ang Serbisyong Kaagapay ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Muling naglaan si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng kabuuang ₱1.5 milyon para sa tatlong pasyenteng nangangailangan ng tulong pinansyal para sa kanilang pagpapagamot.

Ang ayuda ay bahagi ng Kaagapay Program ng City Government of Manila, na naglalayong mabigyan ng agarang suporta ang mga Manileñong humaharap sa mabibigat na gastusing medikal.

Sa pamamagitan ng programang ito, sinisikap ng pamahalaang lungsod na mabawasan ang pasanin ng mga pamilya at matulungan silang maipagpatuloy ang kinakailangang gamutan.
đź’™ Sa Maynila, hindi ka nag-iisa. Kapag may pangangailangan, may Pamahalaang handang umalalay at maging tunay na KAAGAPAY.

09/09/2026

🚨 | KALIGTASAN NG MGA ESTUDYANTE, UNANG-UNA SA LAHAT

Sa kanyang , nilinaw ni Mayor Isko Moreno na tuloy-tuloy ang pagmomonitor ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, katuwang ang PAGASA, upang masusing masundan ang kondisyon ng panahon at makapagpasya nang naaayon sa sitwasyon.

Layunin ng lungsod na mapanatiling ligtas ang bawat Manileño, lalo na ang mga estudyante, habang iniiwasan ang hindi kinakailangang pagkansela ng klase kung maaari namang ligtas na makapasok.

📚 Kaligtasan ang prayoridad, edukasyon ang ipinaglalaban—at bawat desisyon, nakabatay sa aktuwal na lagay ng panahon.

09/09/2026

🚨 HINDI LANG BAGONG OSPITAL ANG KAILANGAN—KUNDI BAGONG PAG-UUGALI!

Sa pagpasa ng ordinansang magpapalit ng pangalan ng Ospital ng Sampaloc bilang MAYOR RAMON BAGATSING HOSPITAL, malinaw ang aking punto: hindi dapat masayang ang magandang serbisyong ipinagkakaloob sa ating mga pasyente dahil lamang sa hindi maayos na pakikitungo ng iilang empleyado.

Napakaganda ng bagong Emergency Room na pinagsikapan ni Yorme Isko Moreno. Ngunit ano ang saysay ng magandang pasilidad kung may ilang pasyenteng lumalabas na hindi nasiyahan dahil sa kagaspangan, paninigaw, o kawalan ng malasakit sa serbisyo?
Ang ospital ay lugar ng pag-asa, hindi lugar ng pangmamaliit.

Hindi natin hahayaang madungisan ng iilang problema ang magandang pangalan at legasiya ni Mayor Ramon Bagatsing, gayundin ang pagsisikap ng mga matinong healthcare workers na araw-araw na naglilingkod.
👉 Serbisyong publiko = respeto.

Pasilidad na maayos = serbisyong maayos.
At bawat pasyente = dapat tratuhing may dignidad.

Kung may iilang empleyadong hindi kayang panindigan ang tamang asal at serbisyo, panahon nang managot at maituwid ang sistema.

Hindi personalan. S
erbisyo it
o. Buhay at dignidad ng tao ang pinag-uusapan.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Manila