God First Bro

God First Bro

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from God First Bro, Nonprofit Organization, Blk. 17-A #33-A Baseco Port Area Manila, Manila.

27/09/2026

“Kaya’t maging maingat kayo sa inyong pamumuhay. Huwag kayong mamuhay na parang mga mangmang, kundi bilang mga taong marunong, na sinasamantala ang bawat pagkakataon.”
— Efeso 5:15–16

“Maging maingat sa paraan ng inyong pamumuhay. Mamuhay kayo nang may karunungan at gamitin nang mabuti ang bawat pagkakataong ibinibigay ng Diyos.”

Happy Lord's day po...

19/09/2026
12/09/2026

Pumili Ka Kung Sino ang Iyong Paglilingkuran

Josue 24:15
“Ngunit ako at ang aking sambahayan ay maglilingkod sa Panginoon.”

Napakaganda po kung pipiliin natin ay ang Diyos, dahil malinaw ang hamon ni Josue: kailangan nating gumawa ng personal na desisyon kung sino ang ating paglilingkuran.

“Ang pagpili sa Diyos ay hindi lamang desisyon ng ating bibig, kundi commitment ng ating buhay.”

Happy Lord's day po ❤️

10/09/2026

Ang Salita ng Diyos sa Araw na ito.

Awit 119:1 — MBB
“Mapalad ang mga taong namumuhay nang walang kapintasan, at sumusunod sa kautusan ng Panginoon.”

Ang verse ito ay nagpapaalala sa atin na ang tunay na pagpapala ay hindi lamang tungkol sa materyal na bagay o magandang buhay. Ang taong tunay na mapalad ay ang taong pinipiling mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos at sumusunod sa Kanyang Salita.

Hindi sinasabi ng verse na ang taong sumusunod sa Diyos ay hindi na magkakaroon ng problema. Sa halip, ipinapakita nito na kahit may pagsubok, mayroon siyang tamang direksyon dahil ang kanyang buhay ay nakasandig sa Diyos.

Ang pagsunod sa Diyos ay isang araw-araw na desisyon. Kapag pinili nating sundin ang Kanyang Salita kaysa sa ating sariling kagustuhan, ipinapakita natin na mas mahalaga sa atin ang Diyos kaysa sa anumang bagay na iniaalok ng mundo.

“Ang tunay na mapalad ay hindi ang taong mayroon ng lahat ng gusto niya, kundi ang taong namumuhay ayon sa gusto ng Diyos.” AMEN

05/09/2026

Word of God for Today

Isaiah 40:31 (NIV)
“But those who hope in the Lord will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint.”

“Ngunit ang mga umaasa sa Panginoon ay magpapanibagong-lakas. Sila'y paiilanglang na parang mga agila; tatakbo sila ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.”

Kahit walang pamasahe, may karamdaman, pagod, may problema, o maraming dahilan para manatili na lamang sa bahay, piliin pa rin nating hanapin ang presensya ng Panginoon. Sapagkat ang lakas na kailangan natin ay hindi laging nagmumula sa pagbabago ng sitwasyon kundi sa presensya ng Diyos habang hinaharap natin ang sitwasyon.

“Kapag nauubusan tayo ng lakas, huwag nating unahin ang dahilan para umatras; unahin natin ang Panginoon na siyang nagbibigay ng panibagong lakas.”

HAPPY LORD'S DAY ❤️❤️❤️

29/08/2026

Mapagpalang Umaga po sa lahat.

Hebreo 10:25 (MBBTAG)
“Huwag nating kaligtaan ang ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan, kundi palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.”

Kahit may bagyo sa labas, huwag nating hayaang magkaroon ng bagyo sa ating puso na maglayo sa atin sa Diyos. Kung ligtas ang paglalakbay at maaari tayong makadalo, unahin nating sambahin ang Panginoon at makipagtipon sa Kanyang bayan.

“Hindi hadlang ang panahon sa pusong tunay na sumasamba—ngunit laging unahin ang kaligtasan. Kung hindi ligtas bumiyahe, magpray kayo sa tahanan at manatiling nakakonekta sa presensya ng Panginoon.” 🙏🙏🙏

Happy Lord's day po ❤️❤️❤️

22/08/2026

Happy Lord's Day 🙏🙏🙏

15/08/2026

“Mag-ingat ka na huwag mong kalimutan ang Panginoon mong Diyos…”
Deuteronomy 8:11

Minsan, hindi natin sinasadyang makalimutan ang Diyos. Kapag gumagaan ang buhay, umaayos ang kabuhayan, at natatanggap natin ang mga pagpapala, maaari nating makalimutan kung sino ang pinagmulan ng lahat.

Ang paalala ng Diyos ay: Huwag nating alalahanin lamang Siya kapag may problema. Alalahanin natin Siya araw-araw—sa panahon ng tagumpay, pagsubok, kasaganaan, at kakulangan.

Ang sabi nga sa
Awit 103:2 — “Purihin mo ang Panginoon, O aking kaluluwa, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang kabutihan.”

“Huwag nating hayaang ang mga pagpapala ng Diyos ang maging dahilan para makalimutan natin ang Diyos na nagbigay ng mga pagpapala.”

Happy Lord's day po🙏🙏🙏

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Blk. 17-A #33-A Baseco Port Area Manila
Manila
1018

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when God First Bro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Manila.